PEP EXCLUSIVE. Jake Ejercito denies courting Coleen Garcia

Itinanggi ni Jake Ejercito ang usap-usapang nanliligaw diumano siya kay Coleen Garcia. Sabi ni Jake, ’It was misinterpreted lang because I went to Showtime with a few friends, and then naano lang siguro, naniwala sa tsismis. But there were… no, there was nothing more to it. We just went there to enjoy the show.”


Sinabi ni Jake Ejercito sa naunang panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na pagkatapos ng eleksyon ay babalik na siya sa London para sa pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral doon, sa Queen Mary University of London.

Kaya nagulat kami nang makita namin si Jake kahapon, June 30, sa oath taking at inauguration ng kanyang ama na si Joseph Ejercito Estrada bilang bagong alkalde ng Maynila. Ginanap ang oath taking sa session hall ng Manila City Hall.

Tinanong siya ng PEP kung bumalik lang ba siya muli mula sa London o hindi pa siya nakakaalis.

Sabi ni Jake, “Hindi pa ako umaalis. I’m leaving tonight, actually.

"I’m just waiting for my dad’s oath taking ceremony, pero I’m leaving tonight.”

Pero hindi na raw siya sa London magpapatuloy ng pag-aaral kundi sa Singapore na. Why Singapore?

Tugon ni Jake, “Kasi it’s closer to home.

"I found out that my school, my university in London, may ka-tie up sa Singapore.

"So yun, closer to home, mas madaling umuwi, mas madaling tumulong sa daddy ko.”

Isang taon at apat na buwan na lang ay matatapos na ni Jake ang kanyang pag-aaral sa ibang bansa.

MOST DIFFICULT CAMPAIGN. Nanalo man ang ama, inamin ni Jake na nahirapan sila sa kampanya last election.

Saad niya, “Yeah. I mean, throughout the entire campaign ng daddy ko, I realized na ito na yung pinakamahirap.

“Sa lahat ng campaigns ng daddy ko, ito na yung pinakamahirap talaga.

"But at the same time, ito na rin yung most rewarding talaga, pinaghirapan namin ’to.

"Mahirap talaga yung pinagdaanan namin, it was an uphill battle—to be up against an incumbent mayor, a popular mayor. Kaya worth it lahat.”



NOT COURTING COLEEN GARCIA. Last week, umugong ang balitang may namamagitan diumano sa pagitan ni Jake at ng Kapamilya actress-TV host na si Coleen Garcia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano nga ba ang real score sa kanila ni Coleen?

Sabi ni Jake, “Si Coleen, a, there’s nothing between us.

"She’s close to Jolo, who is my nephew, Kuya Jinggoy’s son. And I just meet her through Jolo.

“We went out a couple of times as a group.

"I mean, hindi totoo yung mga natsitsismis na nanliligaw ako or whatsoever. Wala yun, wala yun.”

Noong nakaraang linggo, nag-tweet naman ang ex-girlfriend ni Jake na si Andi Eigenman ng mensaheng ito: “I am happy for @unoemilio [Jake’s twitter account] and coleen. Hope things work out between the both of you.”

Binura agad ito ni Andi.

Aware ba si Jake sa Twitter message na ito ni Andi?

Sagot niya, “I think ano yun, e, it was misinterpreted lang because I went to Showtime with a few friends, and then naano lang siguro, naniwala sa tsismis.

"But there were… no, there was nothing more to it.

"We just went there to enjoy the show.”

Nililigawan nga ba niya ang It’s Showtime co-host?

“No, no, not at all. Not at all,” tanggi ni Jake.



GEORGINA’S TWEET. Naging kontrobersiyal naman si Jake noong bilangan sa eleksyon dahil nag-react ito sa isang tweet ng modelong si Georgina Wilson patungkol sa kanyang ama.

Nakasaad sa tweet ni Georgina: "ugh i hate politics - but I only have one thing to say: Anyone that votes for Erap is a f***ing idiot"

Sinagot naman ito ni Jake ng: “Ms. Wilson, social media might be a free world but I think it’s quite irresponsible to express such an opinion unless you are well-versed with the current situation of the city of Manila and how the present local administration has failed to handle it. Moreover, to call 325,288 Manileños, including the 9.4 million Filipinos who voted for him in 2010, ’f***ing idiots’ is harsh and truly uncalled for. Don’t hate without knowing the facts"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos ang ilang araw na pananahimik, nagsalita na rin si Georgina, through a statement, at sinabi nitong 2009 pa daw ang tweet na yun.

Ano ang reaksiyon ni Jake sa sinabi ng modelong it’s an "old tweet"?

Saad niya, “Hindi, yeah, I mean, when I tweeted, I didn’t know that it was an old tweet.

“But then, when I realized that it was an old tweet, I thought about it and ano naman kasi, regardless of when she tweeted that, siyempre, uhm, sana given her status in the society, sana she thought twice before tweeting that.

“It was... nakita naman natin na a lot of people got offended, especially here in Manila.

"So sana lang next time, I mean, everyone is entitled to their own opinion but next time sana, phrase it in a more proper way.”

Dagdag pa niya, “Ganun lang naman ’yan. I mean, me and Georgina, I’ve met her several times, nakita ko siya sa labas [gimik] and we’re actually acquaintances.

“And there are no hurt feelings, actually. I just wanted to, you know, defend my dad and, of course, the Manileños siyempre.”

Nag-reach out na ba si Georgina sa kanya?

Sabi ni Jake, “Uhm, no, there was none. But I think through our common friend, Raymond [Gutierrez], parang nag…

"Somehow nag-ano, she attempted to reach out, pero hindi rin naman din nag-follow through.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN