Luke Jickain on Misibis Bay co-star Vivian Velez: "She still looks hot!"

Mula sa isang pagiging modelo ay pursigido na si Luke Jickain na maging isang aktor, kaya naman natutuwa siya ng makarinig ng papuri mula sa kasamahan niyang artista gaya ni Vivian Velez. Sabi ni Luke, “Now that I am going on a different path in my career, it helps to receive a good review from someone who is already a veteran in showbiz and has won acting awards for it. I look forward to doing more challenging roles in the future."


Kabado at pinawisan daw ng malamig ang model turned actor na si Luke Jickain nang kunan ang intimate scenes nila ni Vivian Velez sa mini-series ng TV5 na Misibis Bay.

Natatawang kuwento ni Luke sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sobra siyang kinabahan nang sabihan na ang susunod na kukunan ay ang “love scene” nila ng tinaguriang Ms. Body Beautiful.

Gaganap kasing lifeguard/boy toy-lover ni Vivian si Luke sa Misibis Bay. And eventually ay gagamitin siya ni Vivian para sa masamang balak nito sa kanyang kapatid na ginagampanan ni Christopher de Leon.

Sabi ni Luke, “Siyempre, kinabahan na ako kasi ito na yun, e. Wala na itong urungan talaga.

“Nasabi ko naman before, I will be professional sa trabahong ito. Pinasok ko na ito, kaya paninindigan ko.

“Tsaka nabanggit ko nga rin na isa si Ms. Vivian na hinahangaan ko talaga.

“She’s a woman of a certain age—and she still looks hot!

“Kaya ang suwerte ko naman. I will get to do this scene with one of the most desired women of the entertainment industry!”’

Nakausap ng PEP si Luke sa press launch ng Misibis Bay last June 25 sa Midas Hotel.

VIVIAN’S "LOVER." Nakarating kay Vivian ang mga nasabi ni Luke tungkol sa kanya noong story conference pa lang ng Misibis Bay, kaya medyo nahiya raw ang model-actor nang magkaharap na sila ng dating sexy actress.

Sabi ni Luke, “Nahiya nga ako sa mga nasabi ko, lalo na when she was labelled as a cougar.

“Naging honest lang naman ako sa mga sinabi kong paghanga kay Ms. Vivian.

“Natuwa naman ako because Ms. Vivian was just cool about it. She did not take that against me because wala naman daw akong sinabing hindi maganda about her.

“She was actually flattered by what came out of my interview.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para raw tuloy na-curious siya kung sino itong gaganap na lover niya sa Misibis Bay!” sabay tawa ni Luke.

Ikinatuwa naman ni Luke na malamang mabait na tao si Vivian.

“I am just happy to discover that Ms. Vivian is such a nice and warm person.

“I thought na sobra akong mai-intimidate sa kanya. Iba kasi ang dating niya, e.

“But she was so nice to everybody. Wala kang mararamdaman na ere sa pagkatao niya.

“That’s why it’s such a breeze to work with her. Kahit na kinabahan pa rin ako sa mga eksena namin, we were able to do it na maayos.”

PROMISING ACTOR. Sa isang interview kay Vivian, nasabi nito na nakitaan niya ng husay sa pag-arte si Luke. Bigyan lang daw ito ng tamang projects ito, lalo raw lalabas ang husay nito bilang aktor.

Nagpasalamat naman si Luke sa papuring ito ng aktres dahil hindi niya ini-expect na manggagaling pa iyon sa tulad ni Vivian.

“Nakakatuwa naman dahil sa papuri na iyon ni Ms. Vivian, it makes everything worth it.

“I mean, yung pagsusumikap ko na matuto ng tamang pag-arte.

“The experiences that I have to go through para lang mapatunayan ko na kaya ko itong pinasok kong profession.

“This is, of course, very different from modelling. Iyon kasi ang trabaho na matagal kong ginawa ever since bata pa ako.

“Now that I am going on a different path in my career, it helps to receive a good review from someone who is already a veteran in showbiz and has won acting awards for it.

“I look forward to doing more challenging roles in the future."

Dahil sa kontrabida ang papel ni Luke sa Misibis Bay, magkakaroon siya ng confrontation scenes sa mga gumaganap na magkakapatid sa serye na sina Daniel Matsunaga, Victor Silayan, at Vin Abrenica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Luke, “Lahat sila makakabangga ko rito. It’s all because of the evil plot na gustong matupad ni Ms. Vivian sa series.

“Maraming twists and turns ang kuwento ng Misibis Bay kaya kailangan tumutok sila kasi six weeks lang siya tatakbo sa TV5.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN