Andrea del Rosario proud to work with Christopher de Leon and Vivian Velez in Misibis Bay

Andrea del Rosario on working with Vivian Velez, “Noong una, intimidated ako sa kanya. Kasi alam mo na, she’s Vivian Velez! But when we worked na, ang sarap niyang kasama. Very accommodating at napakakalog na tao. Sa resort nga, kainuman ko siya! Marami siyang mga kuwento na nakakatawa. Babaeng bakla rin kasi si Tita Vivian kaya sobra siyang nakakaaliw na kasama.”


Kahit na three weeks lang ang itatagal ng role ni Andrea del Rosario sa bagong mini-series ng TV5 na Misibis Bay, ipinagmamalaki niyang makaeksena ang isa sa hinahangaan niyang aktor na si Christopher de Leon at ang bago niyang kaibigan na si Vivian Velez.

Sa naturang six-week mini-series, gaganap si Andrea bilang spy ni Miranda Cadiz (Velez) para sa kapatid nitong si Anthony Cadiz (Christopher).

Sabi ni Andrea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Puno ng drama at mga nakaka-tense na eksena itong Misibis Bay.

“May mga matitinding conflict dito at magiging tuso rin ako rito dahil sa mangyayaring trahedya sa Cadiz Family.

“Kumbaga, may nalalaman ako sa mga pangyayari and I will use that to get money from this family.

“Sa first week pa lang Misibis Bay, marami nang magaganap kaya sana’y abangan nila when it premieres ngayong July 1.”

BOYET & VIVIAN. Ito ang pangalawang pagkakataon na nakatrabaho ni Andrea si Boyet de Leon. Una raw silang nagkasama sa action-serye ng TV5 na Kidlat.

Saad ng dating Viva Hot Babes member, “Sa totoo lang, excited ako every time na may scenes ako with Sir Boyet.

“He inspires so many people because of his passion sa kanyang trabaho.

“Iba talaga kapag mahusay at hinahangaan mong aktor ang nakakasama mo sa isang eksena.

“Para kang nasa cloud nine parati!

“Isa nga ito sa mga unforgettable moments ko sa pagiging artista ko.

“Marami akong maikukuwento sa mga anak ko balang-araw. Na ang mommy nila ay minsa’y nakatrabaho ang isa sa mahusay at nirerespetong aktor ng bansa natin.”

Dahil sa Misibis Bay, naging very close si Andrea kay Vivian Velez habang nagte-taping sila sa pamosong Misibis Bay resort sa Albay.

“Mas marami akong eksena na kasama siya dahil parang kanang-kamay niya ako.

“Noong una, intimidated ako sa kanya. Kasi alam mo na, she’s Vivian Velez!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But when we worked na, ang sarap niyang kasama. Very accommodating at napakakalog na tao.

“Sa resort nga, kainuman ko siya!

“Marami siyang mga kuwento na nakakatawa. Babaeng bakla rin kasi si Tita Vivian kaya sobra siyang nakakaaliw na kasama.”

Humanga raw si Andrea kay Vivian, hindi lang dahil sa naalagaan nito ang kanyang seksing katawan, kundi pati na ang pagiging mahusay nito sa negosyo.

“Nakakabilib nga si Tita Vivian because she started as a sexy star rin.

"Nobody took her seriously kasi nga hanggang pa-sexy lang daw ang kaya niyang gawin.

“But she proved them wrong. When the right projects came, she changed her image and she won awards.

“She then reinvented herself as a businesswoman. Alam niya kasi na hindi forever ang pagiging artista—hindi forever na Ms. Body Beautiful siya.

“Inisip niya ang kinabukasan niya at ng magiging pamilya niya.

“Kaya more than her still gorgeous figure, she’s a smart woman at marami akong nakuhang pointers sa kanya as far as business is concerned,” pahayag ni Andrea.

BUSINESS VENTURE. Tulad ni Vivian, nire-reinvent din ni Andrea ang kanyang sarili—from a sexy actress to a successful businesswoman.

Sabi niya, “Kaya nga panay ang aral natin, lalo na when it comes to business.

“Nagsimula naman na tayo sa food business [Longganisa Sorpresa] and it’s doing okay.

“Gusto ko pang mag-venture sa ibang businesses. Kaya minsan, hindi ko nagiging priority ang paggawa ng TV shows ngayon dahil may mga inaasikaso tayong mga future business.

“Lahat naman ng ito, ginagawa ko, not just for me but for my daughter [Beatrice Anne]. I want to make sure na secure ang future niya.”

Naikuwento rin ni Andrea sa PEP na pumapasok na sa isang international school ang kanyang anak.

“Bee is already three years old at excited nang pumasok sa school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okey lang naman dahil gusto ko rin na sa age niyang iyon, nakikipag-interact na siya sa ibang bata.

“Sa bahay kasi, wala naman siyang nakakalarong bata at puro mga matatanda ang kumakausap sa kanya. Yung mga pinsan niya kasi ay nasa probinsiya.

“Kaya tama na rin na she’s going to school and meeting other kids. Gusto ko rin namang maging sociable ang anak ko.”

Nasa plano rin ni Andrea ang maging isang foster parent. Pero ipinagpaliban niya muna ito dahil sa kanyang hectic schedule.

“Naipasa ko na ang application ko a few months ago sa isang foster care home.

“Pero dahil sa naging schedules ko, ako na ang nagsabi na hindi ko muna itutuloy ang pagiging foster parent.

“Lagi kasi akong out-of-the-country. Kapag foster parent ka, kailangan ay tutok ka sa mga pangangailangan ng batang ipagkakatiwala sa ‘yo.

“Ayoko namang basta na lang siya iwan sa isang nanny. Gusto ko rin na ako ang mag-alaga.

“Kapag naging maayos na ang lahat and I have the luxury of time, doon ko na itutuloy ang pagiging foster parent.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN