Jane Oineza on being courted by Kit Thompson: “Unang-una, hindi naman siya nagtanong kung gusto niyang manligaw—nagpararamdam lang siya.”

Itinuturing ni Jane Oineza na maagang birthday gift ang pagkakasama niya sa cast ng ABS-CBN primetime series na Muling Buksan Ang Puso. Sa July 22 ang 17th birthday ng Star Magic talent.


Isa sa miyembro ng Star Magic Batch 13 na nabibigyan ng magagandang break ngayon sa telebisyon ay ang 16-year-old na si Jane Oineza.

Kasama si Jane sa pinakabagong primetime series ng ABS-CBN na Muling Buksan Ang Puso, na pinagbibidahan nina Julia Montes, Enchong Dee, at Enrique Gil.

Nakausap ng PEP.ph (Pilippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Jane sa location shoot ng Muling Buksan Ang Puso sa Laiya, San Juan, Batangas.

Una naming inalam sa young actress ang kanyang role sa teleserye.

“Ako dito si Natalia, kababata ko si Julia at kapatid ako ni Matt [Evans]. Best friend kami ni Julia dito.

“Ang nakakatuwa, ang tatay ko dito ay si Pooh [stand-up comedian], biologically.

“Ganoon ang character ko—maarte, malandi. Si Julia yung simple, ako naman ang kabaliktaran.

“Hanggang dito pa lang ako, hindi pa alam kung mga susunod.

“Basta itinatago ko, kasi magkakagusto ako kay Enrique dito at itinatago ko yun, kasi siya [Julia] nga ang best friend ko.”

Sa totoong buhay ba ay okay lang na masaktan ang best friend niya para lang mapunta sa kanya ang lalaking minamahal niya?

“Yung ako mismo?” pagsisiguro niya sa tanong namin.

“Hindi! Very isssue, ha?

“Hindi siguro, ayaw ko namang masira ang friendship.

“Hindi talaga,” diin pa niya.

BIRTHDAY GIFT. Ginagawa pa rin ni Jane ang Juan dela Cruz at nakasama rin siya sa katatapos lang na Little Champ. Tapos ngayon ay kasama rin siya sa Muling Buksan Ang Puso.

Saad pa ng Kapamilya star, “Masaya ako kasi kinuha nila ako kahit hindi ako dumaan sa auditions.

“Siguro, feeling ko ay dahil alam naman nila ang capability ko. Ewan ko, siguro yun din talaga.

“At saka, yun din ang gusto ko sa role ko dito, kasi parang nakikita rin yung pagiging versatile ko—gusto kong gawin lahat.

“Hindi lang yung stick lang ako sa isang role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay lang ako sa role ko dito kasi at least my project ako, at saka yung ano ko naman dito, parang yung nasa age ko pa rin naman.”

Sa July 22 ay 17th birthday na ni Jane, at itinuturing niya ang Muling Buksan Ang Puso bilang pinakamalaking regalo sa kanya ng Kapamilya network.

“Oo!” bulalas niya.

“Maging part ka ng isang napakalaking teleserye… yung cast, very star-studded, masaya ako.”

Halos kapanabayan ni Jane si Julia sa pagpasok sa show business. Ano ang pakiramdam ni Jane na mas maraming malalaking proyekto si Julia kaysa sa kanya? Nai-insecure ba ba siya?

“Hindi naman po,” sagot ni Jane.

“Siguro deserved naman po niya ang lahat kung ano ang meron siya ngayon.

“E, siguro, naghihintay din lang ako. Yun lang.”



SHOWBIZ CRUSHES. Paano niya idi-describe sina Julia, Enchong, at Enrique bilang kasamahan sa trabaho?

Sabi ni Jane, “Si Enrique, sobrang sayang makasama. Ewan ko… marami kasi kaming pinag-uusapan lagi—kotse, ganoon.”

Hindi ba siya nagka-crush sa mestisong aktor?

“Ang awkward naman noon, magkabigan kayo, tapos biglang magka-crush? Hindi ko naman inaano yun,” sagot niya.

O baka dahil sa ayaw ni Kit Thompson na napapabalitang may gusto sa kanya?

“Wala yun, wala talaga,” pagtanggi ni Jane.

“Unang-una, hindi naman siya nagtanong kung gusto niyang manligaw—nagpaparamdam lang siya.

“Sinabi niya po sa Kris TV dahil magkasabay kami.”

Hindi naman itinanggi na meron din siyang crush sa showbiz.

Nahihiyang sabi ni Jane, “Ano… ‘wag na, Holywood na lang.”

Pero sabay sabing, “Si John Lloyd [Cruz].

“Nagka-work na kami sa Miss You Like Crazy nila ni Bea [Alonzo].

“Pero hindi kami nagkita sa taping kasi dalawang taping [days] lang ‘ata ako.

“Kung mapapanood mo yung movie, hindi man lang ako nakita doon, pero nagkasama kami sa mall show.

“Gusto ko yung sense of humor niya at mabait siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit the way he acts, ang galing niya.”

Ano naman ang masasabi niya kay Enchong?

“Ngayon, nagdadala na siya ng food… Joke!” natatawang sambit niya.



MORE MATURE. Ayon kay Jane, mula nang magdalaga siya ay hindi pa siya nagkaka-boyfriend.

“Never pa, NBSB [No Boyfriend Since Birth]. Yes, wala pa.

“Meron naman, pero… ano ba yun? Ayoko, ‘wag na.”

Okay lang ba sa kanya na mas matanda sa kanya ang maging boyfriend niya?

Pasubali niya, “Siguro okay lang sa akin kasi, di ba, sabi nila, ang lalaki ay mas matagal [mag-mature] kaysa sa girl?

“Pero, ‘wag naman yung sobrang tanda na, di na puwede.”

Anong age ng lalaki ang matanda na para sa kanya?

“Forty plus?” nag-aalangang sagot sagot niya.

“Siyempre, pag ganoon, di na puwede yun.

“Kasi, hindi pa pumapasok sa isip ko yun kaya di ko pa naiisip.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN