Barbie Forteza on crush Dennis Trillo: "Wish ko nga makuha yung cell number niya, masaya na ako."

Barbie Forteza on her "kikay" image: "Yung kung ano ako, iyon yung makikita ng tao. Mahirap magpanggap na hindi ka ganoon, pero sa totoong buhay, ganoon ka naman. Mahirap kasi maging sobrang sweet na alam ko naman sa sarili ko na hindi naman ako ganoon. Mas maganda kasi yung totoo ka sa sarili mo, kung ano ka, yun ang ipakita mo sa mga tao katulad ng nakikita ko sa ibang artista. Actually, yung mga nakikita ko sa ibang artista na ayaw ko, yun siyempre ang hindi ko gina


Si Dennis Trillo pa rin daw ang biggest crush ng Kapuso tween star na si Barbie Forteza sa lahat ng local male stars.

Two years na ang nakalipas at habang tumatagal daw ay mas tumitindi ang paghanga ni Barbie kay Dennis.

“Si Papa Dennis lang naman kasi yung crush ko at hindi magbabago yun.

“Wish ko nga makuha yung cell number niya, masaya na ako.

"Kumbaga, pa-birthday gift na sa akin yun!” natatawang sabi ni Barbie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).



LONGTIME CRUSH. Gusto ba niyang makatrabaho sa isang soap si Dennis?

“Oo naman po! Baka ako pa ang mag-ambag sa production para matuloy lang yung project,” pabirong pahayag ni Barbie.

Dagdag niya, “Si Papa Dennis na ‘yan! Ako pa ba ang aayaw?

“Isa yun sa dream ko talaga—ang makatrabaho siya.

“Siguro pag nangyari na yun, isa yung dream come true at wish granted para sa akin.”

Bukod ba kay Dennis ay may iba pa siyang crush sa showbiz?

“Wala na! Si Papa Dennis lang talaga,” deklara ni Barbie.

“Ilang taon pa lang ako noon, si Papa Dennis na ang crush ko.

“Hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago, siya pa rin ang crush ko.”

Bakit hanggang ngayon ay si Dennis pa rin ang showbiz crush niya?

“Ewan. Siguro kasi guwapo siya, magaling umarte, at mabait.

“Tsaka hindi kasi ako mabilis magpalit ng crush, kaya siguro hanggang ngayon siya pa rin ang crush ko.

“Tsaka crush lang naman, paghanga... hinahangaan ko siya, siguro wala namang masama doon.”



HONEST. Aminado ang young star na “kikay” siya at kung ano ang naramdaman niya ay yun ang makikita ng tao.

Sabi ni Barbie, “Hindi naman sa sobrang kikay-kikay ako, yung tama lang.

"Yung kung ano ako, iyon yung makikita ng tao.

“Mahirap magpanggap na hindi ka ganoon, pero sa totoong buhay, ganoon ka naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahirap kasi maging sobrang sweet na alam ko naman sa sarili ko na hindi naman ako ganoon.

“Mas maganda kasi yung totoo ka sa sarili mo, kung ano ka, yun ang ipakita mo sa mga tao katulad ng nakikita ko sa ibang artista.

“Actually, yung mga nakikita ko sa ibang artista na ayaw ko, yun siyempre ang hindi ko ginagawa.

“Parang mas okey sa paningin ko at sa paningin ng ibang tao na alam nila kung ano talaga yung itinatakbo ng isip ko…

“Alam nila kung papa’no nila ako tatratuhin, kasi kilala nila ako bilang ako at hindi isang artista na pasosyal, mahinhin. Yung ganoon.

“Mahirap kasi mag-pretend na ikaw yung ganoong tao na hindi naman in real life.

“Mas maganda na kung ano at sino ka, yun ang ipapakita mo sa tao.”



FIRST MOVE. Si Barbie ba yung tipo na kapag crush yung tao ay siya ang nagpaparamdam?

“Kay Papa Dennis naman, siyempre! Ako pa ba maghihintay?" natatawang pag-amin ng young star.

“Basta pag kay Papa Dennis, why not, di ba? Ako na talaga ang magpaparamdam!”

Pero sa mga ka-age niya?

“Sa ka-age ko siyempre, hindi.

"Kunyari may crush ako doon sa guy, e, alam ko naman na walang crush sa akin, hindi ko naman ipipilit yung sarili ko sa kanya.

“Bukod sa wala akong kadaming time para pagkaabalahan yung ganyang bagay, e, kung hindi rin lang naman ako gusto, aanhin pa kita, di ba?”



SHARED BILLING. Hindi ba siya nalulungkot na dati’y laging solo ang project niya, pero ngayon ay tatlo silang bida sa Anna KareNina?

Bukod kay Barbie ay nasa title role din sina Joyce Ching at Krystal Reyes.

Sagot niya, “Hindi naman. Masaya nga, e, kasi bukod sa hati-hati kami, kasi dati noong ako lang…

“Yung forty-one sequences, ako lahat yun. At least ngayon, eighteen na lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung iba kay Anna, yung iba kay Nina.

“At saka pag solo ka, mas iba yung pressure.

“Tsaka dito, ang maganda, mas nadi-differentiate yung mga roles namin, kasi nga marami kami.

“Kumbaga, pantay-pantay yung role namin.

“Kasi, iba-iba naman yung pinanggalingan naming tatlo, yung mga roles namin, kaya nag-standout kami siguro in our own.”



HIGH RATINGS. Masaya rin si Barbie sa mataas na ratings ng Anna KareNina.

“Yun nga, sa Mega Manila daw! Kaya mas excited kami na mas pagandahin pa yung Anna KareNina.”

Kinabahan ba sila na ang unang Anna KareNina ay mataas din ang ratings at talagang sumikat nang husto?

“Siyempre po, oo. Ang gusto sana naming ma-achieve, yung limang taon para masaya.

“Kaya nga ngayon, sobrang saya namin kasi nga, dati na-pressure kami since malakas yung kalaban namin, di ba?

“Kaya masaya kami na mataas ang ratings namin.

“Dati kasi, ang goal lang namin, e, kahit lumapit man lang ng konti yung rating namin sa kanila.

“E, ngayon, nakakatuwa kasi sa Mega Manila, tumaas na kami.

“Actually, hindi lang naman yun sa aming tatlo, pati na rin yun sa mga ka-loveteams namin," pagtukoy niya kina Derrick Monasterio, Hiro Magalona, at Julian Trono.

Dagdag niya, “Siyempre yung mga seniors, nandiyan din, kaya talagang powerhouse talaga kami!”

May mensahe rin si Barbie sa mga sumusuporta sa kanilang show.

“Sana huwag kayong bibitiw sa panonood ng Anna KareNina, dahil mas lalo pa naming pagagandahin ang bawat episode nito araw-araw.

“Thank you very much sa suporta ninyong lahat sa aming lahat,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN