Kris Bernal backs out of indie film due to sexy scenes and conflict of schedule

Pagkatapos ng Coffee Prince, natutuwa si Kris Bernal dahil balik heavy drama na naman siya sa upcoming soap na Prinsesa Ng Masa. Sabi niya, “Na-miss kong umiyak! Na-miss kong paglaruan yung arte, na-miss kong paglaruan ang isang character.”


Si Kris Bernal ang pumalit pansamantala kay Jolina Magdangal para maging team leader ng kanilang grupong “Ligang I Like” sa bagong musical-variety show ng GMA-7 na Sunday All Stars (SAS).

Ang paghihirap at pressure ni Kris bilang leader ay nasuklian naman ng pagkapanalo nila noong ikalawang linggo ng pag-ere ng SAS.

“Sa ngayon, ako nga ang team leader ng Ligang I Like.

“Dahil nga si Ate Jolens ay humingi ng two weeks na pahinga, so medyo nai-stress ako!” sabay tawa ni Kris nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng SAS noong Linggo, June 30.

Dagdag niya, “Nai-stress ako every week dahil kailangan kong mag-isip ng concept ng gagawin ng bawat members ng team namin.

“Pero nai-enjoy ko siya, at saka parang feeling ko, magandang opportunity sa akin ito.”



CREATIVE JUICES. Masaya pa rin ang Kapuso actress kahit ang team ni Mark Bautista ang nagwagi noong Linggo.

Paliwanag ni Kris, “Dahil, alam mo yun, mas nauuka yung pagiging creative ko. Yung ganito na hilig ko sa pagiging artistic.

“After the show, nag-meeting nga kami para sa susunod na production number namin.

“Since natalo kami this week, gusto naming bumawi!

“Pero I’m not sad na natalo kami this week, kasi gusto ko rin namang maging fair sa lahat.

“And gusto ko ring maranasan nila kung ano yung feeling ng manalo.”



NEW TELESERYE. Bukod sa Sunday All Stars, naghahanda na rin si Kris para sa bagong soap na kanyang gagawin sa GMA-7.

Ito ay ang Prinsesa Ng Masa kung saan magkatambal sila ulit ni Aljur Abrenica.

“Mag-i-start na po ito sa July,” excited niyang sabi.

“Bukod kay Aljur, kasama rin dito si LJ [Reyes] at si Gabby [Eigenmann].”

Huling nagkasama sina Kris at Aljur sa remake ng Korean romance-comedy na Coffee Prince.

Kahit gamay na nila ang pakikipagtrabaho sa isa’t isa, magwo-workshop pa rin daw sila para sa bagong seryeng pagtatambalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga schedule na kami ng workshops.

"Halos every week, may workshop kami. Two times a week, kailangan naming mag-workshop.

“And may babaguhin din sa look namin. At saka siguro, bagong imaging na rin.”

Ano ang kakaiba sa role ni Kris sa Prinsesa Ng Masa na ikinai-excite niya?

“Siguro kaya ako nai-excite dito dahil… na-miss ko yung umarte ng heavy drama.

“Dahil ang last ko ngang ginawa ay Coffee Prince na comedy, kaya na-miss kong gumawa ng heavy drama.

“Na-miss kong umiyak!” natawang sambit ni Kris.

Patuloy niya, “Na-miss kong paglaruan yung arte, na-miss kong paglaruan ang isang character.

“So I guess marami silang makikitang bago sa akin.”

Tungkol saan ba ang istorya ng bago niyang soap na ito with Aljur?

“I’m not yet allowed to tell it.

“Walang hint akong masasabi kasi hindi pa talaga puwede, e, wala pang final details about it.

“And before kami mag-start ng taping, magpi-Pinoy TV muna kami ni Aljur sa Canada, so mawawala kami for two weeks.

“Tapos, pagbalik namin, diretso na kami ng taping for Prinsesa Ng Masa.”



SOLID FANS. Ayon kay Kris, kahit sa totoong buhay ay may Kylie Padilla si Aljur at siya naman ay may Carl Guevara, solid pa rin ang AlKris fans.

“Oo naman. Yung AlKris na fans namin ni Aljur, hindi naman talaga kasi sila nawawala, nandiyan lang sila.

“At tanggap nila kung ano yung natural na nakikita nila sa aming dalawa ni Aljur at sa relationship namin.

“Na, magkaibigan kami ni Aljur, pero hindi lang kami basta magkaibigan—special kami para sa isa’t isa. Yung ganoon?

“Kung paano nila kami nakikitang sweet sa screen, hindi namin iniaarte iyon, talagang iyon ang natural namin.

“But, of course, may kanya-kanya kaming buhay, so may mga priorities kami na minsan hindi kami magkasama. Yung ganoon?”

Gaya nga ng bakasyon niya sa Singapore last month, hindi si Aljur kundi si Carl ang kasama niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CARL GUEVARA. Kumusta na nga ba sila ni Carl ngayon?

“Okay naman, okay naman,” nakangiting sagot ni Kris.

“Kasi, like ngayon, alam niyang busy ako sa Sunday All Stars simula nang maging team leader ako, so naiintindihan naman niya po.

“At saka, wala, walang demands, walang kahit ano.

“Basta trabaho, naiintindihan niya, and ganoon pa rin naman kami.”

Masusundan pa ba ang vacation nila together ni Carl.

“Hindi na muna, at saka surprise naman yung ginawa niya, e. Hindi ko rin naman naplano yun.”

Mas gusto niya yung nasu-surprise siya at walang anumang plano?

“Hindi naman. Parang bonus na lang yun, e, yung surprise.

“Pero sa ngayon, talagang wala muna, kasi ang daming gagawin.

“Ang daming kailangang asikasuhin, ang daming priorities.”



SEXY PICTORIAL. Ngayon, parang nagiging career path na ng mga young actresses ang pagpu-pose o pagiging cover girl ng FHM.

Kailan naman kaya siya papayag na mag-pictorial na rin para sa men’s magazine?

Ayon kay Kris, “Ako kasi, sabi ko nga, pagdating sa ganyan, game naman ako.

“Pero siyempre, ang network ang mas nakakaalam kung ano ang mas makakabuti sa akin.

“So kung ano ang desisyon ng network, kung gusto nila, ngayon na, okay, susunod ako.

“Pero kung sa tingin nila hindi pa ito ang tamang timing, okay, e, di hindi muna.

“Pero open ako sa ganyan.

“But I guess, ang gusto ko, yung tiwala sa GMA kung kaya ko na.”

If ever, hanggang gaano ka-daring ang kakayanin niya?

“Kasi siyempre, may permiso din dapat ‘yan ng family ko, ng parents ko.

“Ako naman kasi, under pa ako ng mommy ko, ng family ko—hindi pa ako independent, e.

“Ngayon, I live with my family pa, siyempre depende rin sa kanila.

“But alam ko, hindi nila ako papayagan na… two-piece is okay. Pero you know, more than that, hindi na puwede.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At marahil, mahalaga rin na kunin niya ang opinyon ni Carl?

Sabi ni Kris, “Mahalaga ang opinion ni Carl.

“Pero para sa akin siguro, mas mahalaga ang opinion ng pamilya at ng mga nasa likod ng trabaho ko at ng network.”



INDIE FILM. Dapat ay may gagawing indie film si Kris, ang Isang Tag-Araw Sa Buhay Ni Twinkle Payawan, na medyo daring ang kanyang magiging role. Pero hindi natuloy na tanggapin niya ito.

Bakit nga ba nagbago ang kanyang isip?

“Hindi natuloy kasi conflict siya with Prinsesa Ng Masa,” sagot niya.

Pero balita ring yung mga daring at sexy scenes na nire-require ng pelikula from her ang isa pang dahilan ng pagba-backout niya na gawin ito. Totoo ba ito?

“A, oo, may mga ganoon kasi, may mga sexy scenes.

“Kasi, isa akong cocaine addict doon sa story.

“Siguro dahil gusto rin na alagaan ng network at ng GMA Artist Center yung image ko para doon sa soap na gagawin ko, which is Prinsesa Ng Masa nga.

“So kapag ginawa ko iyon, baka maiba yung soap na gagawin ko, so gusto nila na mag-concentrate ako doon sa image ko ngayon.

“Pero okay sa akin ang gumawa ng indie film.

“Like, yung dapat nga ay gagawin ko, nag-audition pa ako at talagang pinag-aralan ko yung role.

“Pero kung talagang hindi para sa iyo, hindi pa para sa iyo.

“And kaya rin sana gusto kong gawin iyon dahil si Direk Gil Portes yung director.

“Sana makagawa pa rin ako ng indie film na masu-showcase ko kung ano pa yung kaya kong gawin,” pahayag ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN