Enchong Dee on doing mature roles: “Buti na lang nag-mature ako, kasi akala ko, hindi ako magma-mature.”

Isang patunay raw na nag-mature na si Enchong Dee ay ang komento ni Direk Veronica Velasco matapos gawin ang kissing scene nila ni Empress Schuck sa Tuhog: “Sabi ni Direk, ‘Naku, Enchong, iba ka na!’ Masaya na ’ko sa comment ni Direk na yun.”


Isa sa busiest stars ng Kapamilya network ngayon ang young actor na si Enchong Dee.

Halos sabay-sabay ang mga proyektong ginagawa niya—mapa-telebisyon o pelikula man.

Katunayan, kapalalabas pa lang ng Four Sisters and A Wedding ay nagpo-promote na si Enchong ng bago niyang pelikulang Tuhog na ipalalabas sa July 17.

Bukod pa rito, nagpo-promote na rin siya ng bagong teleserye niya sa ABS-CBN, ang Muling Buksan Ang Puso.

Ang unang tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Enchong, nang makausap namin siya sa press conference ng Tuhog sa Dolphy Theater last June 29, ay kung hindi ba siya nakakaramdam ng pagod.

Sagot ng young actor, “Hindi, sa totoo lang, hindi... masaya ako.

“Hindi ba, kapag masaya tayo, kahit na anong pagod, hindi mo mararamdamdan?

“Nandito ako ngayon sa puntong yun.

“Siguro, mararamdaman ko ang pagod kapag tapos na ang lahat ng ito.”



MULTI-CHARACTERS. Dahil sabay-sabay ang ginagawa niyang proyekto, iba-iba rin ang karakter na ginagampanan niya.

Nagpapa-guide daw siya talaga para hindi niya mapagpalit ang mga karakter niya.

Sabi ni Enchong, “Yun talaga ang hinihingi ko sa mga director—to give me guidance.

“And at the same time, I kept on asking questions na, ‘Direk, paano ko ba gagawin ito na hindi pareho sa ganito? Kasi, sa ganitong proyekto, nagawa ko na.’

“At dito sa Tuhog, I can definitely tell everyone na iba ito.”

Paano niya nasabing iba sa lahat ng ginawa niya ang Tuhog?

“Dahil ginawa ko na ang lahat, sinagad ko na lahat—walang arte, walang arte talaga.”



SEXY AND DARING. Sina Enchong at Empress Schuck ang magkapareha sa Tuhog at may pagka-daring daw ang karakter nila rito.

Paglalarawan ni Enchong, “Ako ang boyfriend ni Empress na patuloy na naghihintay na may mangyari na sa amin—personal moment naming dalawa.

“Kumbaga, lahat ng pagtitiis, ginawa namin.

“Makikita nila ang tunay na reyalidad ng mga teenager ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At yun ang dapat nilang abangan, kung naituhog ba?” natatawa niyang sabi.

Sexy-drama-comedy ba ang tema ng pelikula nila?

“Siguro, kasi tatlong kuwento ito ng iba’t ibang tao, iba’t ibang experience sa buhay.

“So, I guess, mata-tackle rin namin ang part na yun.

“Kung sexy sa tingin nila, yes, because we were able to cater that part.”

Sa trailer ay ipinakita ang kissing scene nila ni Empress. Kumusta naman ito?

Ayon sa young actor, “Sabi ni Direk [Veronica Velasco], ‘Naku, Enchong, iba ka na!’ Masaya na ’ko sa comment ni Direk na yun.”

Ibig bang sabihin ng komento na yun, nag-mature na siya?

“Buti na lang nag-mature ako, kasi akala ko, hindi ako magma-mature!” natatawang sabi niya.



WITH EUGENE DOMINGO. Bukod sa karakter niya sa Tuhog, itinuturing ni Enchong na isa sa magandang nangyari sa paggawa niya ng Tuhog ay ang makatrabaho si Eugene Domingo.

“It’s a dream come true,” sabi niya.

“One of the reasons why I enjoyed doing this film is Uge [Eugene] and at the same time, kung bakit ko tinanggap ang proyektong is because Eugene Domingo is going to be there.

“Naging magkaibigan kami rito.

“Sabi niya, habang naka-tuhog kami, buti na lang, gusto natin ang pagkatao ng isa’t isa.

“Kasi, ang tagal naming naka-tuhog, e, magkakadikit kami.

“Kaya sabi ko, buti na lang din.”



ACCIDENT. Ano ang life-changing event o sitwasyon na nangyari na sa kanya na na-appreciate niya ang kanyang buhay at career?

Sagot niya, “Noong mayroong nangyari... maliit lang naman na aksidente sa Ina Kapatid Anak regarding sa baril.

“Nasabi ko, anything can happen anytime of the day.

“Dangerous or not, kailangan mo talagang i-enjoy ang bawat oras.

“Kasi, hindi mo alam, natutulog ka, the next day, hindi mo alam.

“So, yun ang part na nangyari sa Ina Kapatid Anak na pangyayari.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May plano rin daw magbakasyon si Enchong kahit isang linggo lang, pero wala pa raw siyang ideya kung mapagbibigyan siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN