James Yap and Kris Aquino finally settle James’s visitation rights in court

Bagamat nagkasundo na sina James Yap at Kris Aquino tungkol sa visitation rights na hinihingi ni James para sa kanilang anak na si Bimby, tila hindi naman nagustuhan ng basketbolista ang pagpasok ni Bimby sa pag-aartista nang hindi siya kinokonsulta. Sabi ni James, “Siyempre bilang tatay, e… respetuhin naman niya ako. Hindi ka naman magkaroon ng anak na ganyan kung wala ako, di ba? Sana i-consult naman sana ganyan. Madali naman ako kausap, e. Sana respeto man lang s


Pagkatapos magharap ng dating mag-asawang sina James Yap at Kris Aquino, kasama ang anak nilang si Bimby, sa sala ni Judge Cristina J. Sulit ng Branch 140 ng Makati Regional Trial Court kahapon, July 1, tikom na ang bibig ng dalawa at ng kanilang mga abugado tungkol sa visitation rights na hinihingi ni James para sa kanilang anak.

Sabi lang ni Kris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media, “Masaya ako sa resulta. I’m happy sa desisyon ni Judge Sulit today.

“At yung inayos niyang agreement between both parties will really benefit my son very much.

“I’m grateful to her. I’m grateful to Atty. [Sigfrid] Fortun, and finally mukhang okay na kami ni Atty. [Lorna] Kapunan also.”

Si Atty. Fortun ang abugado ni Kris, habang si Atty. Kapunan naman ang legal counsel ni James.

Si James naman ay tipid lang ang sagot na masaya siya sa napag-usapan at wala na raw siyang masasabi pa.

Pero mukhang masaya nga si James na umalis, pati ang mga abugado nito.



VISITING HOURS. Bago nagharap sina James at Kris, at hindi pa nagbababa ng gag order si Judge Sulit, nakausap ng PEP si James at ang abugado nitong si Atty. Lorna Kapunan.

Ayon kay Atty. Kapunan, dapat humarap si Kris sa hearing na iyon dahil doon na raw dapat mapagkasunduan ang visitation rights na ibinigay ng korte kay James.

Ang napagkasunduan daw ay Miyerkules ng 4:30 ng hapon hanggang alas-nuwebe ng gabi, at Biyernes ng hapon hanggang Sabado ng alas-dos ng hapon.

Ang concern lang daw nila ngayon ay ang venue ng pagdalaw ni James dahil hindi ito maaaring makalapit sa tinitirhan nina Kris at Bimby sa One Roxas sa Makati. Ito ay bunsod ng Permanent Protection Order (PPO) kay Kris at pati sa yaya ni Bimby laban kay James.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw rin daw ni James na mag-overnight ang anak niya sa tinitirhan nito sa Serendra dahil sa nangyaring pagsabog doon, at hanggang ngayon nga raw ay iniimbestigahan pa ang insidente.

Kaya kailangang maayos na raw nila ito sa korte.

Ayaw na ni James na sagutin pa ang mga binitiwang pahayag ni Kris nung nakaraang presscon nito, kung saan sinabi ng TV host-actress na pinalalabas siyang kontrabida ng kampo ni James.

(Read: Kris Aquino to James Yap’s camp: “Honestly, huwag naman akong gawing kontrabida”)

Saad ng basketbolista, “Huwag na nating ungkatin kung ano pa ang mga sinabi niya.

“Ang mahalaga ay pag-usapan na ang visitation… kung saan ang visitation place o kung saan kami magkita.”

Dagdag naman ni Atty. Kapunan, “Huwag na nating pag-usapan ‘yan dahil sabi nga ng court… we respect the court.

“Let’s not look at the past, Marami na ang nangyari…. he said, she said… he said, huwag na lang.

“Because the court rightfully points out, let’s look forward.

“Ang importante, James is here, and he wants to see his child.”



SORRY, KRIS. Dito na rin sinamantala ni Atty. Kapunan ang pagkakataon na humingi ng paumanhin kay Kris Aquino.

Sabi ng abugado ni James, “I’d like to say to Kris… many things have been said and done, and nag-aaway ang parties, pati mga lawyers sa social media.

“Tapos na yun.

“If there was anything that I said that may have had offended her or that she misunderstood, I do apologize.

“This is not about the lawyers, this is not about whom James is seeing, this is not about Kris.

“At the end of the day, the court will decide what is the best welfare of the child.

“So, Kris, in good faith, please accept this apology from us if you did feel offended.”

Ito ang dahilan kaya nasabi ni Kris na okay na sila ni Atty. Kapunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ITALIAN GIRLFRIEND. Samantala, iniiwasan ni James na pag-usapan pa ang kanyang Italian girlfriend.

Kinulit namin kung ano ang pangalan ng girlfriend nito, pero “Michaela” lang ang sinabi niya at huwag na raw ang apelyido nito. Mas gusto raw niya sanang mapanatili ang privacy nito.

Hindi naman itinanggi ni James na girlfriend nga niya ang babaeng kasama niya sa litratong ipinost sa kanyang Instagram account.

Napangiti lang si James nang tinanong namin kung totoong isang taon na ang kanilang relasyon.

“One year na ba?” patanong niyang sagot sa amin.

Dagdag nito, “Sinabi ko naman sa inyo na meron.

“Basta ang mahalaga, masaya ako. Kung ano man ang pinost ko, happy ako.

“Pero mas masaya ako kung makita ko si Bimby—yun naman talaga ang ipinaglalaban ko, ang karapatan ko bilang tatay.

“Kung ano man ang nangyari before, kalimutan na.

“Basta ang mahalaga is makasama ko ngayon ang anak ko.”

BIMBY’S ACTING CAREER. Alanganin naman ang sagot ni James nang tanungin tungkol sa pag-aartista ni Bimby.

Nakarating din daw sa kanya ang balitang may gagawin ang anak niya na pelikulang pang-Metro Manila Film Festival na iko-co-produce pa mismo ni Kris.

Saad niya, “Sana magku-consult muna sa tatay. Pero mahirap din naman kontrahin kasi baka gulo na naman.”

Hindi naman daw niya masasabing kontra siya sa pag-aartista ng anak nila ni Kris, pero sana ipinarating man lang daw sa kanya ang bagay na iyon.

“Siyempre bilang tatay, e… respetuhin naman niya ako.

“Hindi ka naman magkaroon ng anak na ganyan kung wala ako, di ba?

“Sana i-consult naman sana ganyan. Madali naman ako kausap, e.

“Sana respeto man lang sana, kung maaari.”

Dagdag na paliwanag ni Atty. Kapunan, “Ang maganda, yung sinabi ng psychologist, ng psychiatrist at ng social worker, ‘no?

“Yung report na pinagbasehan ng desisyon ng court tungkol sa visitation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi sa Branch 144… si Judge, based on the findings of these experts, a child needs both parents.

“Dun na lang sana natin tingnan ang kahalagahan ng both parents participating in the…

“Kasi ang sabi ng decision, ’both parents participate in the growth of the child.’

“Well, I guess that includes schooling, that includes medical… matters that concern the child.”

Ang dalangin lang daw ni James ay maging maayos ang paglaki ng kanilang anak sa ganitong magulo at masalimuot na paligid.

Sabi niya, “Nalulungkot ako at naaawa ako sa anak ko, dahil siyempre paglaki niya, hindi naman natin maiwasan may mga taong mag-aano sa kanya… baka mapapaaway. Naawa ako sa anak ko.

“Sana matapos na ‘to lahat, sana move on na lahat.

“Sana mag-focus na kaming dalawa [ni Kris] kung papa’no mapalaki nang maayos [si Bimby].

“Kasi nga, hindi naman kami naging successful bilang partner, sana maging successful naman kami bilang nanay at tatay.

“Yun lang ang lagi kong ipinagdadasal talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN