Amable Quiambao’s family asks for prayers and financial help after veteran actress suffered "heart attack"

Nananatili pa ring nasa ospital ang veteran actress na si Amable Quiambao matapos siyang magkaroon ng cardiac arrest noong Biyernes, June 28, habang nagtatanghal sa entablado.


Maraming taga-showbiz, lalo na sa local theater and indie film circles, ang nalungkot nang mapabalita ang nangyari sa isa sa mga itinuturing na haligi nito—si Amable Quiambao o mas kilala sa tawag na “Tita Ama.”

Nag-collapse ang veteran actress noong Biyernes ng hapon, June 28, habang gumaganap sa gitna ng entablado para sa dulang Pamamanhikan, isa sa mga entry sa kasalukuyang ginaganap na Virgin Labfest sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

Agad namang naisugod si Ama sa San Juan De Dios Hospital, sa Pasay City, kung saan siya nalapatan ng lunas.

Nang dakong gabi, mga 10 p.m., ay naiulat nang "in a stable condition" ang aktres.

Pagkalipas ng isang araw, noong June 29, nailipat na sa Capitol Medical Center, sa Quezon City, si Ama upang patuloy na maobserbahan ang kalagayan.

Nais sana ng pamilya Quiambao na sa Philippine Heart Center, sa East Avenue, Quezon City, ipa-confine si Ama subalit hindi ito napahintulutan dahil wala raw bakanteng ICU Room sa nasabing pagamutan.

May lumabas nang ulat tungkol sa nangyari kay Ama sa isang pahayagan at sa social media tulad ng Facebook, sa mismong account ni ng kapatid ng aktres na si Lui Quiambao Manansala.

Pero nagpadala pa rin ng mensahe ang Corporate Communications Department ng CCP, sa pamamagitan ni Ms. Irene Rada, ang punong tagapamahala.

Rada stated: "The family of Ms. Ama Quiambao is requesting if you and your media friends could possibly hold the story of her collapse on stage..."

Malaking pasasalamat ng mga kaanak, sa pamamagitan ng CCP, ang hindi pagkalat ng balita alang-alang umano sa matandang ina ni Ama na ipinag-aalalang baka labis na maaapektuhan.

But still, hindi saklaw ng nasabing departamento ng CCP ang social media kaya panay pa rin ang pag-uulat dito at pagku-comment ng maraming nagmamahal sa 65-year-old actress, na lahat ay umaasa ng dagliang paggising ni Ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahapon ng umaga, July 1, ganap na 10:50 a.m., nakatanggap naman ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe sa text mula sa nagpakilalang anak ni Ama.

Sabi sa mensahe: "Good morning. I’m Ishmael, son of Amable. My mother suffered a cardiac arrest last Friday afternoon. Please pray for my mother’s recovery..."

May numero sa PEP si Ama dahil naging bahagi kami sa pag-cover ng tinampukan niyang pelikulang Ang Kwento Ni Mabuti ni Direk Mes de Guzman. Bida sa bagong indie film ang Superstar na si Nora Aunor.

Si Direk Mes din ang may likha ng Diablo, ang Cinemalaya Filmfest (New Breed) entry noong isang taon kung saan nanalong Best Actress si Ama.

Kung matatandaan, si Amable ay naipakilala bilang aktres sa pelikulang Himala (1982) na idinirek ng National Artist for Film na si Ishmael Bernal.

Si Nora ang nagbida sa pelikula, bilang si Elsa, ang faith healer. At si Ama ang isa sa naging matapat na tagasunod ng bidang tauhan, bilang si Sepa. Tatlumpung taon na ang nakalilipas magmula noon.

"Yun ang una kong pelikula. At doon na rin ako nagkaasawa," masayang pag-alaala ni Ama sa isang panayam.

Nabalo si Ama noong 2010 nang namayapa ang mister niyang si Gamaliel Viray, isang mang-aawit.

Si Ama ay tiyahin ng 1999 Miss Universe 1st runner-up na si Miriam Quiambao.

Sa 2013 Cinemalaya Filmfest ay kabilang din si Ama sa cast ng Director’s Showcase entry na Amor Y Muerte (Love and Death) nina Cesar M. Evangelista (director) at Jerry Gracio (screenwriter).



PRAYERS AND DONATIONS. Sa Facebook post ng isa pang naging malapit kay Ama na si Jovie Ann Rose Concepcion, napag-alaman ng PEP ang kasalukuyang kalagayan at pangangailangan ng veteran actress.

Mula rin ito sa pamilya ni Tita Ama:

"Ipagdasal po natin nang patuloy si Tita Ama!"

Sa mga bibisita sa ospital, ito ang bilin nila: "Two at a time lamang ang allowed sa loob at kung maaaring hindi buong production house, o theater company ang magtungo nang sabay-sabay. Ikagagalak niya na kuwentuhan, kantahan, o basahan ng mga tula, makabubuti daw, sabi ng doktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Responsive siya kanina sa mga jokes namin at Romeo and Juliet reading.

"Anumang financial help o paraan para makahingi ng tulong ay bukas na tatanggapin ng pamilya.

"Maaaring makipag-ugnayan kay Tita Lui Quiambao Manansala, kapatid ni Tita Ama, o PM ako [Jovie] para maikonek sa kanila. Maaari rin via Virgin Labfest secretariat (care of Ms. Nikki Torres, or Tuxs Rutaquio, VL Festival Director).

"For Bank Deposit: Account Name: Ma. Louella Manansala BPI Family Bank Savings Acct. Number 5616 1048 47."

Pahabol ni Lui: "For those who don’t know yet what happened, Tita Ama had a heart attack in the middle of a performance last Friday (June 28).

"She’s in a stable condition now. One of the organizers of the event... is Perry Escano. Sana maraming makapunta."

Sa Miyerkules, July 3, 3 p.m., at Biyernes, July 5, 8 p.m., ay ipagpapatuloy ang Pamamanhikan sa Virgin Labfest.

Ang papel ni Ama, bilang Ester, ay gagampanan ng kapwa veteran actress na si Hermie Concepcion.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN