Jomari Yllana treats ex-wife Aiko Melendez’s daughter from second marriage like his own

Marami raw na-realize si Jomari Yllana sa loob ng tatlong taong pagiging single niya. Saad niya, “Ang dami... ang makatayo ka nang mag-isa, wala kang sinasandalan, independent talaga. Ang feeling ko, teenager talaga. Naging choice ko na rin ang hindi lumalabas, hindi nanliligaw, hindi nagdi-date, hindi rin gumigimik. Yung pag-inom ko naman, itinigil ko na mga two years na."


Ayon sa aktor na si Jomari Yllana, tatlong taon na siyang walang karelasyon mula nang mag-break sila ng Concert Queen na si Pops Fernandez.

Sabi pa niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nag-lie low na rin ako.

"May dates pero very, very few na lang, hindi naman nagtutuluy-tuloy.

“Ngayon, focused muna sa ako sa trabaho—karera, taping, shooting.

“Dito muna umiikot ang mundo ko."



CLOSURE. Nagkaroon na ba ng closure ang kanilang paghihiwalay ni Pops?

Sabi ni Jomari, “Nagkita kami, siguro last year pa. Okey naman.

“Wala namang bad blood sa akin kasi may pinagsamahan naman din kami.

“Ang dami naman din kaming natutunan sa isa’t isa.

“Hindi naman talaga maganda yung may negative na pakiramdam... may closure naman kami.

“Ang hirap lang kontrahin yung sinabi niya na parang walang closure.

“Siguro, sa pagkakaintindi niya talaga ay walang closure.

“Pero sa akin naman, meron naman kaming pormal na ganoon, na pinag-usapan.

“Siyempre, kapag sinabi ng isang tao na walang closure, hindi natin alam kung paano iintindihin yun.

“Magkaibang statements… matagal na rin yun, magta-tatlong taon na.

“Siguro, naghilom na ang closure na yun!” tawa pa niya.

Wala naman daw problema tuwing nagkikita sila ni Pops.

“Oo naman. A few times nagkita kami, nagkikita kami sa events, wedding, binyag… common friends.

“Pero etong lately na hindi ako naglalalabas, wala akong nakikitang ibang tao kundi trabaho at bahay lang talaga.”



TIME FOR KIDS. “Irreconcilable differences” ang isa sa nakitang rason ng paghihiwalay nina Jomari at Pops pagkatapos ng halos tatlong taong relasyon.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit isinantabi na muna ni Jomari ang paghahanap ng makakasama sa buhay.

Sabi niya, “May kinalaman din yung from one relationship to another, kung hindi nagwo-work, tapos mas gusto kong kilalanin ang sarili ko.

“Gusto kong kilalanin ang sarili ko, na kapag nakilala ko na ang sarili ko, mas may oras pa ako sa anak ko [Andrei].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, parang dalawa na ang anak ko. Kasi yung kapatid niyang si Marthena ay itinuturing ko na ring anak."

Si Andrei ang anak ni Jomari sa kanyang ex-wife na si Aiko Melendez, at si Marthena naman ay anak ni Aiko sa ex-husband nitong si Martin Jickain.

Patuloy ni Jomari, “Yun, mas may oras ako sa kanila.

“Kapag may karelasyon ako, happy nga ako, less naman ang oras ko sa kanila.

“Heto, mas may oras ako sa kanila, mas natututo pa ako sa sarili ko.”



AIKO’S CHILD. Sa paanong paraan itinuring ni Jomari na parang tunay niyang anak si Marthena?

Paliwanag ng aktor, “Magaan lang talaga ang loob ko sa bata.

“Noong lumalaki na siya, ang gusto kong mangyari, kapag may binibili ako for Andrei, gusto ko meron din siya.

“Kadalasan gifts, hindi financial.

"Kapag nag-shopping kami ni Andrei, isinasama ko siya [Marthena], ipinangsa-shopping ko na rin siya.

“Kung meron yung isa, dapat meron din yung isa. Para tuluy-tuloy ang bonding nila.

"I’m not doing it for myself. I’m doing it para mas diretso ang closeness nila.

“Gusto ko, ramdam nila na pareho silang may magulang.

“Hindi dapat barrier na iba yung tatay nila. Iba ang tatay nila, pero magkapatid sila.”

Hindi ba nagkakaroon ng conflict kay Martin na baka isipin nito na inaagawan siya ni Jomari ng papel sa anak nila ni Aiko?

Ayon kay Jomari, “Wala naman, wala namang reaksiyon.

“Sana nakikita naman niya na maganda naman ginagawa ko, wala namang masamang intensiyon.

“Ang iniisip ko ay ang bonding lang ng magkapatid, na gusto ko kung happy yung isa, happy din yung isa.

“Kung ano ang magpapasaya sa isa, ganoon din sa isa.

“Hanggan doon lang naman ako, hindi naman ako lumalagpas doon sa obligasyon na para sa kanya.

“At sana ay natutuwa siya para sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung lang naman ang sa akin, walang iba.”



ANOTHER RELATIONSHIP. Gusto pa rin daw ni Jomari na magkaroon ng isang permanenteng karelasyon one of these days.

Hindi pa naman niya isinasara ang posibilidad na muli siyang makakatagpo ng babaeng magiging kasama niya habambuhay.

“Sana, sana nga. Kasi, I live alone, e,” sabi ng 36-year-old actor.

“Binigyan ako ng aso ni Andrei, yun ang laging kasama ko lagi.

“Sana, kasi ang hirap na mag-isa.

“Pero ako, hangga’t hindi ready ang sarili ko na magkarelasyon, hanggang dito na muna ako.

“Hindi ko alam kung tama o mali, pero I really have a good feeling na tama ang ginagawa ko.

"Kung darating, darating.”

Sa pag-iisa niya ay ang dami raw na-realize ni Jomari tungkol sa sarili at sa buhay.

“Ang dami... ang makatayo ka nang mag-isa, wala kang sinasandalan, independent talaga.

"Ang feeling ko, teenager talaga.

“Naging choice ko na rin ang hindi lumalabas, hindi nanliligaw, hindi nagdi-date, hindi rin gumigimik.

“Yung pag-inom ko naman, itinigil ko na mga two years na.

“Pa-wine-wine na lang. Ang wine naman, hindi naman masama sa katawan.”



MORE QUESTIONS. May mga tanong din daw na gusto niyang masagot pagkatapos ng failed relationships niya kina Aiko Melendez, Ara Mina, at Pops Fernandez.

Sabi niya, “Oo nga, ang daming tanong after ng mga bigong relationships ko.

“Tatanungin mo ang sarili mo, e: ‘Ano ang problema? Nasaan ang problema?’

“Hanggang hindi ka nagtatagal bilang single person—sa tingin ko, ha—hindi mo overnight matututunan yung mga issues mo sa sarili mo. Meron niyan, di ba?

“Ako, since twelve years [old], lagi akong may girlfriend, e.

“Nagkaroon ako ng girlfriends, nagkaroon ako ng anak bago nag-asawa, after noon, nagkaroon uli ng girlfriend... girlfriends.

“So, more than half my age, lagi akong may partner, hindi ako lumaki na normal ang teenage life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako nagkaroon ng pormal na ligaw-ligaw stage. Alam mo yun?

“Ngayon, ako, parang bagets. Ngayon ako parang free.

"Mas nae-enjoy ko ang sarili ko—walang pressure.

“So, yun, siguro kailangan lang mas maging mature pagdating sa relasyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN