Karla Estrada denies son Daniel Padilla once performed under the influence of alcohol

Hindi raw agad-agad naaapektuhan si Karla Estrada kapag may negatibong isyu tungkol sa anak niyang si Daniel Padilla. Sabi niya, “Hindi ako naapektuhan kasi, alam ko naman, ever since, si DJ [Daniel], sinasabihan ko siya, ’Anak, kapag lumabas ka ng bahay, ang number one, huwag kang magpapasama ng loob ng ibang tao.’ At kung gumawa ang anak ako, bilang hindi naman siya perpekto, tao lang din. Kung gumawa siya ng mga bagay na wala ako sa tabi niya, siya na ang


Sa unang pagkakataon ay nagsama sa isang TV commercial ang mag-inang Karla Estrada at Daniel Padilla.

Sa press launch ng Lily’s Peanut Butter noong Martes, July 2, sa 55 Events Place, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Karla kung ano ang pakiramdam na ngayon ay magkasama sila ng anak sa isang commercial.

Aniya, “Siyempre, masaya. Sobrang blessed, di ba?

“Masarap yung pinagkakatiwalaan ka nang hindi naman basta-bastang mga produkto.”

Sinabi si Karla sa press conference na malaking bahagi ang ini-endorse nilang produkto sa bahay na naipundar ni Daniel para sa kanila—“isang sala.”

Biniro ng PEP si Karla na siguro ay malaking talent fee ang ibinayad sa kanila.

Tugon ng dating sexy star, “Huwag na lang nating pag-usapan ‘yan, basta kung anuman ang nasabi ko kanina, e, iyon na yun.

“Biro ko lang yun, huwag kang masyadong seryoso sa ganyan!"

Sa mga product endorsements na dumarating kay Daniel, bilang ina, siya ba ang may “say” rito?

Sabi ni Karla, “Ako at ang Star Magic, and meron din si Daniel na partisipasyon.

“Siyempre, kailangan namin siyang tanungin kung gusto niya ang produkto.

“Kasi, siya ang mag-e-endorse noon, hindi naman ako."

NO TO ALCOHOL. Pero kung mga produktong inumin o nakalalasing, hindi raw nila ito maaaring tanggapin.

Paliwanag ni Karla, “Siyempre, ibe-base din natin sa age at saka sa mga fans na nagsusubaybay.

“Dahil siyempre, ang gusto namin, kasama niyang tatanda ang mga fans niya.

“At meron naman kasi tayong nakikitang mga fans niya, young as four years old.”

Sinagot din ni Karla ang isyu na diumano’y may pagkakataon na nag-perform si Daniel na nakainom o lasing.

“Hindi totoo yun!" bulalas niya.

“Unang-una, wala naman kaming pinag-perform-an na may nanood ng 20,000.

“Bongga sana kung totoo, pero walang katotohanan ‘yan.

“Yung mga bagay na ganyan, pinalalagpas na lang namin.”

Hindi raw naaapektuhan si Karla, bilang isang ina, sa ganung balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Hindi ako naapektuhan kasi, alam ko naman, ever since, si DJ [Daniel], sinasabihan ko siya, ’Anak, kapag lumabas ka ng bahay, ang number one, huwag kang magpapasama ng loob ng ibang tao.’

“At kung gumawa ang anak ako, bilang hindi naman siya perpekto, tao lang din.

“Kung gumawa siya ng mga bagay na wala ako sa tabi niya, siya na ang haharap na responsable sa mga bagay na yun.”



LIBERAL MOM. Istrikto ba siya kay Daniel pagdating sa mga ganoong bagay?

Ayon kay Karla, “Istrikto ako sa damdamin ng ibang tao, pero yung sa paglalaro at pagpupuyat, siya naman ang magbabayad noon.

“Ang importante, huwag lang siyang ma-late.

“Kasi, yung sinasabi ko na huwag magpapasama ng loob ng ibang tao, ang daming puwedeng maging dahilan noon.

“Ma-late ka, maghihintay sa iyo, hindi ka nag-smile, hindi ka nagpa-picture...

“Lahat ‘yan kasi, maraming dahilan, so isa lang ang palagi kong sinasabi sa kanya.

“But of course, tao pa rin ‘yan—hindi nga nagiging perfect, pero napapagod din.

“So, sa ganoong bagay, intindihin din ng iba sana minsan.

“Ang mahirap kasi, mas hinahanapan natin ng mali, e.”

Kahit paano, ayaw naman ni Karla na maging masyadong istrikto sa maraming bagay kay Daniel, lalo na pagdating sa usaping lovelife nito.

Aniya, “Ayoko naman na very strict, bata pa, e.

“Ayoko naman na ang palagi naming pag-uusapan at pagsisimulan ng conversation, e, yung lovelife.

“So, I want it very light lang at saka maluwag.

“When I say very light, sorry, hindi dahil anak ko...

"Si Daniel kasi, he doesn’t go out, wala siyang nightlife.

“So, ang after work, bahay ‘yan.

“Kaya lang, pagdating sa bahay, nandoon lahat ‘yan—PS3, basketball, so nandoon lahat.

“Minsan, nagmamadaling umuwi... okay naman for me."

Sabi pa ni Karla, “Si Kathryn [Bernardo] lang naman ngayon ang babaeng nakakasama niya sa buhay niya, in terms sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung meron silang konting ano, huwag kayong mag-alala, nandiyan ang mommy ni Kathryn, 24 hours, hindi katulad ko.”



MOM’S LOVELIFE. Halos lahat naman ng tanong o isyu ay sinagot ni Karla sa naturang press conference, tulad ng pagkaka-link niya sa Ginebra star player na si Mark Caguioa.

Pero mabilis itong itinanggi ni Karla.

Sabi niya, “Alam ninyo, sorry ha? Pero hindi ko pa siya nakikita, never ko siyang nakita pa.

“Unang-una, hindi ako nanonood ng basketball.

"Pero yung mga anak kong lalaki, sobra silang basketball fanatics.”

Kung hindi pa sila nagkakakilala ng basketball player, paanong nagkaroon ng isyu sa kanilang dalawa?

Sabi ni Karla, “Oo nga, e, kung minsan, nakakatuwa.

"Kapag wala na talagang nakikita, kailangan nating mag-imbento.

“E, masakit yun sa damdamin ng iba. Unang-una, may asawa yata ang tao, kung hindi ako nagkakamali."

Diin ni Karla, “Never ko pa siyang nakita.

“Nakita ko siya sa YouTube, ipinakita ng friend ko na ito yung face ng Mark Caguioa.

“Kung UFC fighter ‘yan, baka meron pa tayong chorva, pero hindi, e.

“Yun ang joke ko lagi, kasi hindi ako nanonood ng basketball.”

Kung hindi sila magkakilala ni Mark, ano ang naging reaksiyon ni Karla noong una niyang mabalitaan ang pagkaka-link sa kanila?

Kuwento niya, “Una, nag-relax muna ko.

“Pero kasi, yung pagkakasulat, parang pinangaralan pa ako. Parang, ‘Mali ka na nga, nangaral ka pa.’ Teka lang…

“Tapos, parang naikumpara pa ako sa isang artista—hindi maganda.

“Wala tayong karapatang mangumpara ng ganoon.”

Ano naman ang naging reaksiyon ni Daniel sa intriga?

“Sabi niya, ‘Ano ba yun, Ma? Ano ba hitsura noon?’

“Kilala niya ang name, pero pareho kaming walang idea.”



POLITICIAN FRIENDS. Bukod kay Mark Caguioa, itinanggi rin ni Karla ang isyu ng pagkaka-link niya sa isang politician.

Paglilinaw nito, “Walang katotohanan ‘yan.

“Yung sinabi nilang na-link ako, politician or something, may mga kaibigan ako na ganyan, pero hindi tayo para magbanggit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“They are respected officials ‘yang mga ‘yan.

“Wala e, ang chaka nga, ngayon pa.”

Wala raw siyang lovelife ngayon, pero sabi niya: “Wala akong lovelife, pero meron akong ka-M.U.”

Biniro tuloy siya na parang Daniel at Kathryn lang ang peg niya.

Natatawang sagot niya, “Oo, pero nasa States na siya, ganoon-ganoon lang.”

May chance kayang pakasalan niya ang guy?

“May chance kung meron nang guy!” tawa ulit ni Karla.

“Wala, wala, ‘wag ninyong seryosohin yun, ang chaka naman.

“Single ako, medyo kumota na ako sa lovelife ko.”

Kailan ba siya huling beses nagkarelasyon?

Sagot ni Karla, “Well, si Carmela, yung bunso ko, seven years old, so four years na… four years na akong walang lovelife.”

Kung sakali at mag-aasawa siyang muli, papayag ba naman si Daniel?

“Oo, payag naman ‘yan,” pagsisiguro ni Karla.

“Payag naman sila, alam nila na hindi ako yung masasaktan.”

Pero kailangan, aprubado ba ni Daniel at mga kapatid nito?

“Of course!” sabi niya.

“Siyempre, respeto mo sa mga anak mo yun, hindi ka naman puwedeng basta-basta nagdedesisyon lang.

“So, hindi kami masyadong, ‘Anak, ganito, ha? Ano lang, anak, ang cute ni ganoon.’

“Kapag sinabing, ‘Ma, kadiri!’ Ayoko na.”



ISSUES AND INTRIGUES. Kasabay ng pagsikat ni Daniel, naging kakambal na rin nito ang mga isyu at intrigang ibinabato kay Karla bilang ina ng young actor.

Naramdaman ba niya yun?

“Ay, oo," sagot niya.

"Nakakatuwa kasi mahirap pa rin, meron pa ring mga taong nabubuhay sa inggit.

“So, alam mo yung buhay nila, parang impiyernong walang apoy.

“So, kailangan talaga—ang hirap, e.”

Paano niya hina-handle ang mga ganoong sitwasyon na kahit nakaraan niya ay nauungkat?

“Alam ninyo, ako naman, hindi naman ako super-bato.

"Pero pinagtibay na ako ng panahon—ang galing kong dumedma riyan.

“Kasi, ang mga taong nakakakilala sa atin, alam nila kung ano ang ginagawa natin sa pang-araw-araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam nila kung sino ang mga natutulungan natin.

“At yun ang importante sa akin talaga.”

Pero sa lahat, tila si Daniel din minsan ang hindi nakakapagpigil at may pagkakataong naghamon pa ito sa mga bashers.

Ano ang naging reaksiyon niya rito?

Sabi ni Karla, “’Yan talaga, hindi natin mapipigilan, nasa dugo niyan na hindi kami magpapaapi.

“Pero sinabihan ko siya na, ‘O, anak, last na ‘yan. Alam na nila na may pangil ka. Okay na ‘yan.’”

Kapag sinasabihan siyang “stage mother” sa anak, naaapektuhan ba siya?

“Hindi naman,” sabi ni Karla.

“Sana nga, kaso ayaw naman kasi niya akong sumama.

“Ayaw niya, kasi siyempre, kapag kasama ko siya, ‘Anak, hi raw.’

“Sasabihin niya, ‘Ma, narinig ko.’ So, ayaw niya.”

Yung insidenteng hinagisan daw ng bra si Daniel sa isang show, paano yun?

“Wala ako riyan. Kasi, kapag mga out-of-town shows, meron naman na siyang mga kasama.

“Lalaki ‘yan, mahirap maging lampa na palaging nandiyan ang nanay.

“Ang mas tinutukan ko, yung nasa bahay ako at kaming dalawa at advice na kailangan niya nang bonggang-bongga.”

Sa mga ganoong pangyayari, hindi siya nag-aalala?

“Lalaki ‘yan. Masyokot tayo kung briedtsina ang itapon, ‘no!” tawa ni Karla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN