Yeng Constantino very proud of her first boyfriend

Ini-expect ni Yeng Constantino na mabubura na ang gender issue sa kanya ngayong ipinakilala niya ang kanyang boyfriend. Sabi niya, “Masaya po ako na mawawasak na ngayon yung ganoong klaseng issue dahil hindi naman po talaga totoo. Siguro, late bloomer lang po talaga ako!”


Walang dudang very much in love ngayon si Yeng Constantino dahil iba ang glow ng kanyang mga mata at hindi rin mawala ang ngiti sa kanyang labi.

Kita ito sa mukha ni Yeng nang humarap siya sa media kahapon, July 3, sa launch ng mga bagong Samsung Galaxy phones, sa 55 Events Place, Quezon City.

It’s only been two weeks pala since officially naging sila na ni Victor Asuncion—last June 18.

Kapansin-pansin din na kinikilig si Yeng habang sinasagot ang mga tanong ng press tungkol sa kanyang boyfriend.

“I’m so proud, e,” sabi ni Yeng sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press.

“Alam mo yung… ewan ko, pati ako naninibago rin ako sa sarili ko, e.

“Na parang, wow, naa-amuse din ako na nagiging ganito ako.

“At ang nakakatuwa sa kanya, hindi niya mina-mind ang mga tao, sobrang focused lang siya sa relationship namin.

“And sa akin naman, I really want to share that same joy na nararamdaman ko ngayon sa mga taong sumusuporta sa akin.

“Alam naman nila kung gaano ako katagal naghintay.

“And finally, to share this moment with someone, parang gusto ko lang din na mai-share sa kanila, makita nila na parang, ‘Uy, nasa safe hands naman ako.’”



PARENTS’ REACTION. Napaka-protective ng father ni Yeng, ano ang nasabi nito nang malamang may boyfriend na siya?

“Okay naman,” pagsisiguro ni Yeng.

“Nakilala na niya yung Papa ko, pumunta siya sa bahay namin.

“A, nakakatuwa!

“Hindi na ako kinausap ng tatay ko, sila nang dalawa ang nag-uusap.”

Ayon kay Yeng, tanggap naman si Victor ng kanyang mga magulang at buong pamilya.

“Masaya sina Papa at Mama. Lagi lang silang nagpapaalala na, ‘Anak, ingatan mo ang sarili mo.’

“Na, ‘Alam naman namin na critical yung ganyang stage, na kung may magawa kang mali, magiging domino effect.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, sobrang grateful ako na pinapaalalahanan ako ng mga magulang ko na mag-ingat sa mga ginagawa ko.”



LATE BLOOMER. Sa nakalipas na pitong taon na wala siyang boyfriend, may mga nagduda na baka lesbian siya.

At least ngayon daw, naklaro nang hindi totoo yun—na babaeng-babae talaga siya.

“Oo!” natawang sambit nga niya.

“Masaya po ako na mawawasak na ngayon yung ganoong klaseng issue dahil hindi naman po talaga totoo.

“Siguro, late bloomer lang po talaga ako!

“Aminado naman po ako doon.”

Paano ba siya niligawan ni Victor?

“Nagpupunta siya sa bahay, nagdadala siya ng… alam mo yung tradisyunal?

“Pero mas more of… parang getting to know talaga, e.”



GOOD-LOOKING. Lahat ng miyembro ng media na kausap ni Yeng ay curious na malaman kung ano ang hitsura ni Victor.

Kinuha ni Yeng ang kanyang phone sa kasama niya at saka ipinakita yung photos ng boyfriend niya na nandoon.

Base sa mga larawang ipinakita ni Yeng, masasabing guwapo si Victor, artistahin ang dating, at may hawig sa Kapuso actor na si Mark Herras.

Ano ba ang nagustuhan ni Yeng sa kanyang boyfriend?

“Lahat!” nakangiting sagot ng singer.

Sa mga ipinakita niyang pictures nila ni Victor sa kanyang phone, walang intimate moment na nagki-kiss o nagyayakapan sila.

Paliwanag ni Yeng, “Yun din ang gusto ko sa kanya, e, pareho kaming conservative.

“Older siya sa akin ng four years—twenty-four ako, twenty-eight na siya.”

Nagkakilala raw sila last year through a common friend, at mula noon, naging masigasig na ito sa panliligaw sa kanya.

“Sabi ko sa kanya, ang dami namang ibang mas magagandang babae.

“Pero ang sagot niya… parang umaangat daw ako sa lahat!” nangiti at kinikilig na kuwento ni Yeng.

Dagdag niya, “Talagang sabi niya sa akin, parang hindi niya raw maintindihan kung bakit kapag ako na ang nakikita niya, iba raw talaga ang nararamdaman niya. So, yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pareho kami na… first boyfriend ko siya at first girlfriend din daw niya ako.

“Sobrang naghintay din daw siya, matagal na panahon din bago siya nagka-girlfriend kaya nga pareho kami.

“Gusto ko, siya na.

"Sana nga, siya na, siya ang maging una at huli.”



COMPATIBLE. Nasa field ng music din si Victor kaya nga mukhang compatible talaga sila ni Yeng.

“Workshop director siya sa isang Church—full-time work niya iyon,” banggit niya.

Ano ang term of endearment nila?

“Love. ‘Hi, love!’ Ganoon.

“Ang dami ko nang natutunan. Sa dalawang linggo pa lang na relationship namin, ang dami kong natutunan.

“Parang dati, ano… kapag babae ka, parang dapat ako, puro papunta sa iyo.

“Na, babae ako, dapat i-pursue mo ako… ganyan-ganyan!

“Pero kapag mahal mo pala ang isang tao, natututo ka.

“Kusa siya, e, na, ano ang gusto kong gawin para sa kanya?

“Parang gusto mong i-express na mahal mo siya, e.

“Hindi naman kayo pareho ng love language, e, iba yung babae at lalaki, pero gusto mong iparamdam lagi na mahal mo siya.

“Pumunta nga ako ng office niya, nilinis ko yung table niya.

“Tapos, naglagay ako ng food and chocolates,” muling kinilig na kuwento ni Yeng.

Sabi pa niya, “Hindi ko nga alam kung bakit ganoon, e.

“Pero ganoon siya, sobrang gusto ko lang gawin.”

Ano naman yung pambihirang ugali ni Victor na nagustuhan niya?

“Yung love niya para sa mga tao, and he speaks about malasakit.

“Like, kapag nakakakita siya ng ibang tao, iyon ang gusto niyang gawin, he really wants to serve God.

“Iyon ang pinaka-rurok para sa akin.

“Kasi naniniwala talaga ako na kapag yung lalaki, mahal si God, alam na alam niya kung paano ka niya mamahalin.

“Hindi naman sa magiging perpekto, e, alam ko naman yun, e, kasi tao yun, e.

“Pero alam niya kung saan siya babalik kapag sumablay siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ADJUSTMENT PERIOD. Bago pa lang silang magkarelasyon ni Victor, kaya for sure ay nasa adjustment period pa lang sila.

“Hanggang ngayon, inaaral pa namin ang isa’t isa, e.

“Minsan, feeling ko hindi niya ako nami-miss, kasi hindi niya ako tini-text, e, hindi raw kasi talaga siya ma-text na tao.

“Pero dahil gusto ko, tini-text ako lagi, yun, magte-text na raw siya, marunong na siya ngayon.”

So, na-discover na niya kung anong klase o tipo ng girlfriend siya?

Sabi ni Yeng, “Communication talaga yung language of love ko, gusto ko kausapin ako.

“At saka time… parang gusto ko lagi, nag-i-spend ng time. Yung ganoon.”

May theme song ba sila?

“Wala kaming theme song pa, wala pa.

“Pero may isinusulat kaming mga kanta, may isinusulat akong kanta for him.

“Sa next album, parang feeling ko, lalabas yun.”



CONCERT WITH BAMBOO. Makulay ang simula ng kanyang lovelife, habang tuloy rin siya sa pamamayagpag bilang singer.

Excited na si Yeng sa nalalapit niyang concert na gagawin sa Araneta Coliseum.

“Sa August 17 na iyon, with Bamboo. Ang title, BY Request, Bamboo and Yeng, kaya BY.

“And iba ang concept ng concert na ito, e, kasi grabe yung technology na gagamitin namin sa concert. Sobra!

“Alam ninyo yung mga concerts sa mga Grammys, yung mga video effects nila na parang kumakanta ka, sumasabay yung video?

“First time ko ito sa Araneta and with Bamboo, so excited talaga ako.

“Hindi lang rock music, makakarinig din sila ng iba pang genre ng kanta.

“Kasi, Poprock Princess ka of the Philippines, so parang markado ka as pop-rock artist.

“And for people to see you who would sing other genres, parang exciting for them.

“Exciting sa akin, exciting for them, and challenging.

“Hindi pa kami nagri-rehearse ni Bamboo, pero excited na akong maka-bonding siya.

“Right now, nagga-gather pa lang kami ng mga songs, nagawa na namin yung mga lineups.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero soon, magkakaroon na kami ng general rehearsal, so iyon na yung time na magkaka-bond kami.

“And sabi, si Bamboo, kahit sa rehearsal pa lang, bigay-todo na—iyon din ang hinahangaan ko sa kanya.

“Iyon din ang gusto kong makuha from him, gusto kong ma-impart niya sa akin yun as a performer.

“Na laging ibigay yung best ko kahit rehearsal pa lang. Alam mo yun? Para nasasanay ka rin na bigay-todo.”

Naka-ilang concerts na rin si Yeng, pero kinakabahan pa rin daw siya.

“Mas kabado ako ngayon, ang laki kaya ng Araneta, e!” tawa niya.

“Pero ayoko na lang… I leave that to my management.

“And I just trust God, na sobrang magwo-work everything na okay.

“Grabe si God! Iyon na lang ang masasabi ko.

“Sobrang daming biyayang natanggap ko sa Panginoon ngayon, I just want to be grateful.

“And yun, gusto ko ring pasalamatan lahat ng mga nagmamahal sa akin since noong 2007 na nanalo ako until now.

“Maaaring may mga downs, pero ang importante ay yung mga nangyayari ngayon,” huling nasabi ni Yeng.



FRIEND SARAH GERONIMO. Ngayong may lovelife na siya, ano kaya ang puwede niyang maipapayo sa kaibigan niyang si Sarah Geronimo?

Hanggang ngayon kasi, kahit nasa tamang edad na ay hindi pa rin allowed ng magulang na makipag-boyfriend.

Sabi ni Yeng, “Huwag naman! Ayoko namang bigyan siya ng payo.

“Masaya ako para sa kanya and kanya-kanya namang season ang mga tao.”

Kung siya ang nasa posisyon ni Sarah, paano niya iha-handle ang sitwasyon ng kaibigan?

“Hindi ko alam, kasi hindi pa kami nagkakausap.

“Parang hindi naman yata ganoon.”

But if she’s into Sarah’s shoes nga, magrerebelde na ba siya o susunod pa rin sa gusto ng magulang?

“Hindi ako magrerebelde,” deklara ni Yeng.

“Dumaan ako sa ganoon, na magkaroon ng strict na magulang.

“Pero natuto rin ang parents ko na i-let go ako, e. So, alam mo yun? Learning process din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bagong season yun, yung mag-isa na lang ako sa condo ko, yung nagbukod na ako, ‘Uy, ganito pala ang pakiramdam kapag wala si Mama at Papa.’

“Ang hirap din, kaya umuuwi ako sa Montalban lagi.

“Hinahanap ko yung, ‘Pagalitan mo nga ako, Papa!’

“Mas okay nga sa akin yun kapag pinupuna nila ako na, ‘Oy, magtsinelas ka nga!’

“Or, ‘Oy, bakit ganyan ang suot mo? Pawis ka na!’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN