Susan Roces on working with Pilar Pilapil: “I look forward to many, very emotional scenes with her.”

Magiging katrabaho ni Ms. Susan Roces ang dalawa pang veteran stars—Dante Rivero at Pilar Pilapil. Ang pananaw ni Ms. Susan: “I think, the three of us together, with the story like this, with the situations written in the script, we will be looking forward to very tense situations.”


Malaki ang kaibhan ng karakter na ginagampanan ni Susan Roces sa Muling Buksan Ang Puso kumpara sa huling ginawa niya sa Walang Hanggan.

Sa press conference ng Muling Buksan Ang Puso noong Martes ng gabi sa ABS-CBN, pahapyaw na inilarawan ni Ms. Susan ang karakter niya sa bagong teleserye.

Saad niya, “Tungkol sa role ko rito sa Muling Buksan Ang Puso, nagagalak ako na binigyan ako ng pagkakataon.

“At matagal ko na rin hiniling na sana, mabigyan naman ako ng kakaibang personalidad na ipo-portray.

“Salamat naman at nakaisip sila na bigyan ng kasagutan ang aking kahilingan.

COMPLEX CHARACTER. Masalimuot ang karakter na ginagampanan ni Ms. Susan.

Pakilala niya sa karakter, “I’m portraying Adelina.

“Si Adelina ay totoong tao. Lahat naman ng tao, merong good and bad side.

“Umiiral, either one of the side, depende sa mga pangyayaring nagaganap sa buhay ng isang tao.

“Sa kasaysayan ni Adelina, dahil sa mga napagod na pangyayari sa buhay niya, ang umiral ay ang pagiging mapusok niya, pagiging prangka.

“Walang patumpik-tumpik, matigas, straight to the point, matapang, very independent, bitter.

“But of course, lahat ng ‘yan, magbabago paglipas ng panahon.

“Kaya lumalabas din ang pagiging sweet niya noong nagka-apo na siya.

“Kaya lang, baka kapag kinuwento ko sa inyo, hindi niyo na subaybayan.

“Basta, yun lamang ang maikling deskripsiyon ng role ni Adelina, na pino-portray ko.

“At masayang-masaya ako na nabigyan ako ng pagkakataon na ma-portray ang character na tulad na ito.

Pahabol pa niyang natatawa, “Hindi po siya naiiba sa aking tunay na karakter.”

YOUNG STARS. Sa mga senior stars ng Muling Buksan Ang Puso, si Ms. Susan ang nagkaroon na ng pagkakataon na makasama ang bidang babae nito na si Julia Montes.

Nakumpara ni Ms. Susan kung paano makatrabaho ang mga batang henerasyon ng mga artista ngayon.

Ayon kay Ms. Susan, “I worked with Julia in Walang Hanggan, it was a very memorable experience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masarap si Julia na katrabaho, katulad din ng mga fellow actors niya sa ABS.

“Very professional sila. Now, I’m working with Enchong [Dee] for the first time and Enrique Gil.

“Maganda, maayos ang trabaho namin—seryoso sila sa kanilang trabaho.

“Nakaka-inspire at malaking bagay para sa kapwa artista na seryoso ang mga ka-eksena, kaya napapagandang mabuti ang mga scenes.”

Sa isang panayam naman kay Julia, sinabi niyang si Ms. Susan ang isa sa mga inspirasyon niya.

Dahil sa mga espesyal na pangyayari sa buhay ng Kapamilya young actress, nandoon daw ang veteran actress para sa kanya.

“Ay, suwerte, hindi nalalayo sa buhay ni Julia ang buhay ko,” sabi naman ni Ms. Susan.

“Ako ay nagsimula rin na batang-bata pa and when I did Walang Hanggan with Julia, hangang-hanga ako sa kanya.

“Napakabata pa niya, pero nagkaroon siya ng kauna-unahang bahay na sariling sikap niyang pinagawa.

“Mababait ang mga co-stars ko na miyembro ng network na ito.

“Naalala ko, habang kasama ko sila, naalala ko yung pagsisimula ko noon sa Sampaguita Pictures as a teenager.

“Ngayon, ako naman ang gumagabay sa kanila.

“Sila naman ang ginu-groom natin for deeper roles ahead of them and I’m very honored, I’m part of that.”

CAST CHANGES. Sa orihinal na casting ng Muling Buksan Ang Puso, pumalit si Pilar Pilapil sa karakter na gagampanan sana ni Amalia Fuentes.

Nagbigay ng kanyang saloobin sa bagay na ito si Ms. Susan.

Aniya, “Tungkol sa question kanina kung ano ang nararamdaman ni Pilar na siya ang nagpo-portray ng role na originally, para kay Amalia…

“Bilang fellow actor niya at co-star niya sa proyektong ito, sa tingin ko, higit na nababagay kay Pilar ang role ni Elvira na pino-portray niya, in every aspect.

“Perhaps, that’s what the reluctance of Amalia [was] in accepting the role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ramdam na ramdam ko na kahit kakaunti pa lang ang mga eksena namin ni Elvira, ramdam na ramdam ko si Elvira in Pilar Pilapil.

“I look forward to many, very emotional scenes with her.”

SENIOR STARS. Co-star din ni Ms. Susan ang veteran actor na si Dante Rivero, na bumbuo sa tunggalian ng mga senior stars.

Kuwento niya, “Marami na kaming pelikulang pinagsamahan.

“I think, the three of us together, with the story like this, with the situation written in the script, we will be looking forward to very tense situation.

“Na hindi rin naman naiiba sa mga tunay na pangyayari sa buhay.

“Kasi, sa mga nabasa ko, sa mga scripts na nasulat na, yung iba, nakunan na, yung iba, hindi pa.

“Pero, totoong nangyayari sa tunay na buhay.

“At yun ang kinagugusto ko sa proyektong ginagawa ko at ginagawang pangkasalukuyan dito sa ABS.

“Kasi, ako, nanonood din ng telenovela.

“Masugid akong follower ng telenovela at naka-relate ako sa mga eksenang nakasulat sa script.”

POLITICAL FAMILY. Hindi man naging First Lady si Ms. Susan dahil sa sinapit ng namayapang mister na si Fernando Poe Jr., ina naman siya ng numero unong bagong halal na senador ng bansa, si Senator Grace Poe-Llamanzares.

May pagbabago ba sa buhay niya ngayong may anak na siyang senador?

Ayon kay Ms. Susan, “Sa kasalukuyan, oo, dahil napaka-busy niya.

“At ang sagot naman niya sa akin ay, busy rin daw ako sa aking ginagawa.

“Kaya, masaya ang buhay naming mag-ina dahil may kanya-kanya kaming careers na dapat tutukan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN