My Husband’s Lover director Dominic Zapata understands CBCP’s concern

"Alam po ninyo, yung CBCP, mga pari... Kaya nga tawag sa kanila ’Father’, para natin silang magulang. So, bilang mga magulang, kailangan nila tayong paalalahanan, duty po nila yung ginagawa nila. In fact, natutuwa ako na they’re doing their duty," pahayag ni Direk Dominic Zapata kaugnay ng reklamo ng CBCP sa idinidirek niyang primetime series sa GMA-7, My Husband’s Lover.


Nagsalita na si direktor Dominic Zapata kaugnay ng mga batikos na natatanggap ng kanyang idinidirek na primetime soap sa GMA-7, My Husband’s Lover.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay nagpahayag ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Youth Commission (CBCP-ECY), sa pamamagitan ng executive secretary nitong Fr. Kunegundo Garganta, na kailangan pag-aralan mabuti ng mga writer ang tema ng mga ginagawa nilang palabas.

Kailangan din daw maging sensitibo ang mga television network sa bansa sa mga ipinapalabas nilang programa, lalo na ang magiging epekto nito sa kabataan.

Partikular na binanggit ng CBCP ang My Husband’s Lover, na tumatalakay sa pag-iibigan ng dalawang lalaki, na ginagampanan nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez.

(Read: CBCP scrutinizes My Husband’s Lover, says TV networks should be sensitive about the theme of the shows they air)

LIKE PARENTS. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Dominic sa taping ng My Husband’s Lover sa may Timog Avenue, Quezon City, kahapon, July 3. Hiningan namin siya ng reaksiyon sa naging pahayag ng CBCP.

Saad ng direktor, “Iyan ang gusto kong sagutin, CBCP.

"Alam po ninyo, yung CBCP, mga pari... Kaya nga tawag sa kanila ’Father’, para natin silang magulang.

“So, bilang mga magulang, kailangan nila tayong paalalahanan, duty po nila yung ginagawa nila.

“In fact, natutuwa ako na they’re doing their duty.

"Minsan yung magulang mo, you’ll find them to be naggers, ganun talaga yung magulang, but they mean well.

“Kaya gusto ko pong sabihin sa kanila, sa ating mga ’magulang,’ salamat po sa inyong pagpapaalala.

“Huwag po kayong mag-alala, hindi po kami gagawa ng bagay na taliwas po sa inyong itinuturo tungkol sa pag-ibig, sa pagmamahal, sa ganun pong mga bagay.”

Patuloy ni Direk Dominic, “Taong simbahan ako...

"Nakausap ko nga yung mga pari, e, sabi sa akin ng paring nakausap ko nun, kasi in-explain ko, nag-taping kami sa simbahan, sabi ko, ‘Father, ang programa namin ganito, ha.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya, ‘Alam mo, marami ngang ganyan, marami kaming kina-counsel na ganyan.’

“So, aminado naman sila. They understand that na it’s a fact of life nowadays, na maraming ganung member sa ating society.

"I don’t think the Church has ever been the type of an organization or institution na nanghuhusga sa pagkatao.

“Si Hesus nga, ang in-attract pa niya, yung mga outcasts ng society, iyon ang hinahanap niya.

"Yun yung mas kailangan ng tulong, e—yung mga taong inilalayo ng lipunan.

“So, I think on a personal… personally, ’yang mga pari, naiintindihan nila that it’s also a case-to-case basis.

“That they can’t really speak absolutely about certain things, about certain sector of society basing it on the stand of the whole institution, ganun.

“Because palagay ko, ang tagal-tagal na kasing hinintay.

"I think, at least sa entertainment… has been too fearful of what the consequences might be.

“Pero eto na, e, matagal nang hinihintay, and I’m glad to be part of it."

Saad pa niya, “Ang landi ng pagkaka-shoot? Kasi may landi, e, may landi yung buong kultura, e. May arte yung buong kultura na ito.

“These are our gay brothers and sisters, sila rin yung... they are the ones also who move fashion forward, who move our industry forward—movers sila ng industriya na ito.

“It has a lot to do with art, it has a lot to do with fashion, so kailangan pag panoorin nila, ‘Ay, amin ito.’

“Kasi very artful yung pagkakagawa.”

CHANGING THE FACE OF TV. Marami ang nagsasabi na binago ng My Husband’s Lover ang mukha ng telebisyon. Ano ang reaksiyon dito ni Direk Dominic?

“Ganun ba? Palagay ko po ang telebisyon kasi ay maraming mukha, depende lang kung saan ka nakapuwesto.

“Sa likod po ng telebisyon, eto po, marami pong ganitong nangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ipinakita lang siguro natin yung flipside, yung hindi nila nakikita, because marami tayong kasamahan sa industriya who are gay.

“So, baka nga ito yung istorya ng marami na kasama natin sa industriya.”

Magkakaroon ba ng kissing scene o lips-to-lips sina Dennis at Tom sa teleserye?

Sagot ng direktor, “Well, we’ll play by the rule.

"Of course, hindi ako gagawa ng bagay na hindi… that’s against the rules.

"Pero kapag oras na sabihin ng MTRCB, ‘We’re convinced na yung ginagawa ninyo is about love, hindi siya tungkol sa kahalayan, that a kiss is an expression of love. As long as you could show a kiss onscreen that is a show of true love, it is a faithfull kiss...’


“So we’re also for faithfulness. Is it a kind of faithful love?

“Pag sabihin sa amin ’Okay’ ng governing body, ng MTRCB or whoever it may be, di gagawin namin, by all means.

“Kasi I think iyon yung makatotohanan, e.”

Nagpaalam na ba sila o humingi na ba sila ng permit sa MTRCB na lalagyan nila ng man-to-man kissing scene ang show?

“Ngayon po, hindi pa," sabi ni Direk Dominic.

"I think we’re still in the process of convincing them and also winning their confidence na ito yung... its not the kind of thing that you thought it might be and might become.

"We’re not gonna go that way, yung maging... yung doing a kissing scene for controversy’s sake.

“We were never like that, we never had an agenda to begin with.

"I think that’s the strong point of the show, wala kaming agenda, wala kaming gustong patunayan.

“Gusto lang naming magkuwento ng isang love story na close to home sa maraming tao.”

UTMOST CARE FOR POSSIBLE ENDING. Marami ang naku-curious kung ano ang magiging ending ng My Husband’s Lover; kung sino ang magkakatuluyan—sina Eric (Dennis) at Tom (Vincent) ba, o ang mag-asawang sina Vincent at Lally (Carla Abellana)?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wow! Ako, hindi... Una, hindi, in denial ako na magkakaroon ng ending!” at tumawa si Direk Dominic.

“Ito, medyo... kasi pinahirapan ko din ang sarili ko dito.

"Kung malalaman ninyo, it’s one of the... ang bagal ng ano, ang konti ng nakukunan namin kasi bantay na bantay ako.

“I don’t want to make a mistake, na sobrang I have to be really, really sensitive.

"Because some things, baka may makalusot sa aking sensibilities, makalusot, biglang umere, tapos may masaktan ako—whether it’d be the gay community or the heterosexual community.

"Ayokong magkaroon ng ganoong mistake.

“So, talagang medyo busisi siya. Mahirap sumablay.

"Tapos yung ganda rin niya, kailangan maganda, e. Maganda yung mga gays, e!” tawa niya ulit.

Kumusta ang mga artista niya, lalo na ang dalawang bidang aktor?

Si Dennis ay given na ang pagiging mahusay na artista, pero si Tom ay naging rebelasyon sa programa.

Sabi ni Direk Dominic, “Siguro kung hindi ko pa sila nako-convince doon sa system na ine-employ namin, hindi ko nahahalata.

“A system of willingness to embrace your character.

"Whatever the portrayal of a character might entail, kailangan yakap na yakap sila dun. Kumbinsidung-kumbinsido sila dun sa character nila.

"Yung walang pag-iimbot, na ipo-portray nang tama yung character, to the point na nae-enjoy mo na, na naging pagkatao mo na ito, hindi ka na nangangapa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN