Art Acuña denies rumor linking him to Gretchen Barretto

Pinabulaanan ng aktor na si Art Acuña ang mga usap-usapan na nag-uugnay sa kanila ni Gretchen Barretto. Sabi ni Art, "There’s nothing going on between us, but we are good friends."


Pinabulaanan ng character actor na si Art Acuña ang usap-usapan tungkol sa diumano’y ugnayan nila ng aktres na si Gretchen Barretto.

Naging magkatrabaho sina Gretchen at Art sa dating teleserye ng ABS-CBN na Princess And I.


Ngayong gabi, July 4, sa ulat ng TV Patrol, iginiit ni Art na wala silang espesyal na ugnayan ni Gretchen.

Sabi ng aktor, “I just smiled at it, you know, and there’s no truth to it anyway.

"There’s nothing going on between us, but we are good friends.

"You know, were like having drink together. Tonyboy is a friend of mine, I mean, we’re all good friends.”

Si Tonyboy Cojuangco ang longtime partner ni Gretchen.

DIPLOMAT HOTEL. Matagal-tagal na ring nauugnay ang pangalan ni Art kay Gretchen.

Sa May 7 report ng InterAksyon, nakasaad dito na napunta raw kay Art ang role sa Cinemalaya entry na Diplomat Hotel, na pinagbibidahan ni Gretchen, dahil sa pangungumbinsi ng aktres sa direktor ng pelikula na si Christopher Ad. Castillo.

Sabi pa ni Art noon, “I owe her for getting me the part in Diplomat Hotel. You know, she endorsed me. She endorsed me strongly.”

Ngunit nilinaw ng Gawad Urian 2013 best supporting actor na inirekomenda siya ni Gretchen, hindi dahil gusto nitong makatrabaho siya ulit kundi naniniwala raw ito na bagay sa kanya ang karakter.

Saad pa nito, “I was not first or even second choice, I think. But she said, ‘No, bagay ‘to kay Art.’”

Kamakailan naman daw ay nag-post si Gretchen sa kanyang account sa photo-sharing website na Instagram ng mensahe ni Art sa kanya matapos ang isang mahirap na eksena nila sa Diplomat Hotel.

Mensahe ni Art para kay Gretchen: “miss gretchen your face of anguish stirs up two emotions in me… Extreme sadness and extreme vengefulness. Vengeful because I want to destroy whatever hurts you. In my future ‘acting moments’, I hope you don’t mind if I conjure your beautiful face in pain. Because it takes me there to places… I need to be. Thank you for being so damn brilliant miss Gretchen. i owe you.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naantig daw ang aktres sa mensahe ni kaya Art kaya sinagot niya ito sa pamamagitan ng ganitong mensahe:

“I received this message from a brilliant actor. It makes me thank god for the blessings of friendship and the ability to express my innermost feelings (my emotional history) and being appreciated by my co-actors… Thank you art acuna.”



GRETCHEN: "I’M TOO OLD FOR THAT CRAP." Noong May 24 naman, sa artikulo ni MJ Marforie para sa InterAksyon, itinanggi ni Gretchen na may namamagitan sa kanila ni Art.

Sabi niya, “That’s impossible. I’m very happy with my relationship with Tonyboy.”

Dagdag pa nito, na halata na raw ang pagkairita, “Oh, please, I’m too old for that… crap.”

Dito na raw tinapos ni Gretchen ang panayam ng News5 at umalis na ito bago pa matanong ulit.



CHERIE GIL. Samantala, noong 36th Gawad Urian na ginanap sa NBC Tent sa The Fort last June 18, "pinansin" ng isa mga host ng programa na si Cherie Gil si Art, nang tanggapin nito ang kanyang trophy bilang best supporting actor, dahil hindi raw ito sumunod sa poper dress code.

Ngunit ipinagkikibit-balikat lamang ito ni Art.

Paliwanag pa niya, “Natawa ako dun sa sinabi niya. Kasi kalilipat ko lang apartment and I didn’t have all my clothes.

"I got one good shirt and see, I’m wearing this [pants] again.”

Bukas naman daw si Art na makatrabaho si Cherie.

“It’s great, I think she’s terrific,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN