Teejay Marquez inks endorsement deals in Malaysia and Indonesia

Teejay Marquez on showbiz crush Jennylyn Mercado: “Kasi maganda na siya, magaling na artista, mabait pa, kaya wish ko nga makatrabaho siya. Hihiramin ko muna siya kay Luis [Manzano]!”


Masuwerte ang tween star na si Teejay Marquez dahil hindi lang sa Pilipinas siya nagkakaroon ng print and TV commercials kundi maging sa ibang Southeast Asian countries.

Sa katunayan, nagtungo si Teejay kamakailan sa Malaysia para mag-shoot ng isang telecom commercial at mag-pictorial para sa billboard nito.

Kuwento si Teejay sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Halos karamihan ng mga agency doon nagtatanong sa akin kung may mixed race daw ako.

“Pero sabi ko sa kanila, Pinoy na Pinoy ako, 100 percent.

“Mostly kasi ng mga import model nila doon, mga Caucasian, kaya naman inisip nila na may halo din ako.

“Nakakatuwa lang, kasi kung dito sa bansa natin maraming mga Brazilian, sa ibang bansa, puwede ring magkaroon ng commercial o project ang katulad kong Pinoy."



MORE COMMERCIALS. Bukod sa Malaysia, mayroon ding naka-schedule na gagawing commercial si Teejay sa Indonesia.

Sabi niya, “Hopefully sana, matuloy pa yung isa kong gagawing commercial at print ad sa Indonesia naman.

“Para naman may follow up kaagad doon sa telecom commercial at billboard na ginawa ko doon.”

Paano siya nakuha sa TV commercial at billboard sa Malaysia?

Sabi ni Teejay, “Bale may pumunta ditong advertising agency na naghahanap ng Pinoy model para sa telecom, yun nga daw, for TVC at may billboard.

“Tinawagan ako ng isa kong agent at pinapunta ako para mag-VTR para doon, kaya naman agad-agad akong pumunta para magpa-VTR.

“Hindi na nga ako umaasang matatanggap kasi sobrang dami naming nagpa-VTR.

“Kaya sabi ko sa sarili ko, pag nakuha ako suwerte ko na. Pero pag hindi, better luck next time na lang!” sabay tawa niya.

Dagdag ni Teejay, “Pero after kong mag-VTR, pumunta ako ng Baclaran...

“At idinasal ko sa Ina ng Laging Saklolo na sana makuha ako, kasi gusto kong makarating nga ng Malaysia.

“Tapos, ilang araw yung nakalipas, tinawagan ako ng agent ko at tinanong ako kung may passport daw ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, ako daw ang napili at any day daw ay pupunta kami ng Malaysia para mag-shoot.

“Hindi ko nga maipaliwanag yung sobrang kasiyahan ko kasi yun yung first TVC na gagawin ko sa ibang bansa at may billboard pa.

“Kaya nga nagsimba ako sa Baclaran para magpasalamat, kasi alam ko na siya yung gumawa ng paraan para makuha ako.

“Mabuti na lang at may passport na ako.

"Tapos, ilang days lang yung lumipas, pumunta na kami kaagad para mag-shoot sa Malaysia.

“Mabait silang lahat, asikasong-asikaso ako. At ang treatment nila sa akin, international model!

“At least, kung ang Pilipinas umaangkat ng mga modelo sa ibang bansa, tayo naman ang inaangkat at nabibigyan ng proyekto sa ibang bansa.

“Sana nga mas marami pang Pinoy/Pinay models ang mabigyan ng pagkakataong makagawa din mga TVC o billboard sa ibang bansa.

“Para mas lumawak ang market ng mga modelong Pinoy.”



FANS CLUBS. Isa rin sa ipinagpapasalamat ni Teejay ang pagkakaroon ng fans club sa Indonesia, ang “Indonesian Teejaynatics,” bukod sa fans club niya sa Pilipinas.

Sabi niya, “Very thankful ako sa mga Indonesians, especially sa mga tagahanga ko doon.

“Kasi, kahit hindi nila ako kalahi, nandiyan sila at sumusuporta sa akin.

“Mabuti nga, nakakapagsalita sila ng English kaya nagkakaintindihan kami.

“Tina-translate na lang nila sa Bahasa sa Indonesian fan page ko yung mga mensahe ko para sa mga fans ko doon.”

Bago matapos ang taon ay nagbabalak na bumalik ng Indonesia si Teejay para magkaroon ng mall tours at fans day doon.

Iyon na rin ang paraan para mapasalamatan nito ang kanyang mga Indonesian fans.

Sabi ni Teejay, “Nagbabalak kasi sila na magkaroon ako doon ng fans day na sila mismo ang sasagot ng pamasahe ko papunta doon at hotel na titirahan ko.”



CONTINUING PROJECTS. Samantala, kuntento raw si Teejay sa itinatakbo ng kanyang career sa GMA-7 kahit hindi siya nabibigyan ng lead role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Thankful pa rin siya sa Kapuso network dahil kahit papaano ay nabibigyan siya ng proyekto.

“Sa akin naman kasi, kahit hindi ako maituturing na bida sa mga soap na kasama ako, like sa Home Sweet Home kung saan big brother ako dito ni Bea Binene, ang mahalaga sa akin may trabaho ako.

“Ayoko kasi nababakante. Mas gusto ko yung sunud-sunod yung trabaho ko lalo na’t nagpapagawa ako ng bahay."

Pero gusto rin ba niyang magbida?

Tugon niya, “Oo naman. Sino ba naman ang ayaw magbida? Lahat naman siguro ng artista gusto magbida.

“Pero if ever na mabibigyan ako ng chance, mas pagbubutihan ko ang trabaho ko, para ma-prove ko na puwede ako.

“Pero if hindi naman, okay lang, basta may trabaho lang ako kahit anong role, tatanggapin ko.”

If mabibigyan siya ng pagkakataong mag-bida, sino ang gusto niyang maging leading lady?

Sagot ni Teejay, “Katulad ng sinasabi ko sa interview ko, si Ms. Jennylyn Mercado, kasi hindi pa ako artista, crush ko na siya.

“Nagko-commercial pa lang ako, siya na yung sinasabi kong crush ko.

“Bukod kasi sa maganda at sexy siya, napakagaling niyang umarte at sobrang bait.

“Noong first time ko nga siyang nakita at nakasama, na-starstruck talaga ako sa kanya.

“At ang tanging nasabi ko sa kanya, ‘Ang ganda ninyo po talaga!’

“Dyahe nga ako noon, kasi natawa siya, sabay sabing, ‘Thank you.’

“Kaya naman mas lalo akong humanga sa kanya.

“Kasi maganda na siya, magaling na artista, mabait pa, kaya wish ko nga makatrabaho siya.

“Hihiramin ko muna siya kay Luis [Manzano]!” natatawang sabi ni Teejay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN