Senator Sonny Angara acknowledges support from showbiz as big part of his victory

IMAGE Noel Orsal

Aminado si Senator Sonny Angara na malaki ang naitulong ng showbiz sa kanyang pagkapanalo noong nakaraang eleksyon. Saad niya, "Mas malaki yung nagawa ni Mother Lily at ng showbiz. Yun, ramdam na ramdam ko. Yung nag-iikot kami ni Coco, sa TV guestings ko, sobra talaga yung showbiz craze. Ganoon talaga. Malaking tulong sa akin in getting my advocacies across."


Isang luncheon ang ipinahanda ni Senator-elect Sonny Angara para sa entertainment media kahapon ng tanghali, July 4, sa mezzanine ng Imperial Palace Suites sa Timog Avenue, Quezon City.

Ito ay bilang pasasalamat niya sa naitulong ng entertainment press sa kanyang pagkapanalo noong nakaraang May elections.

Naikuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media na nagkaroon na siya ng pagkakataong malibot ang buong Senado ngayong nag-assume na sila ng office simula noong July 1.

“Kasama sina Grace [Poe], JV [Ejercito], Nancy [Binay], at si Ma’am Cynthia [Villar], inikot kami ng mga personnel sa Senate, yung ibang staff, sa iba’t ibang departamento at saka itinuro sa amin kung sino ang pupuntahan namin kung sakaling may kailangan kami.

“Lalo na kung may ginagawa kaming panukalang batas. Kunyari kapag may kailangan kami sa opisina."

Wala pa raw assigned office si Senator Angara sa Senado.

“Sa akin, wala pa, wala pa... hiningi ko yung sa father ko. End of July pa malalaman.”

Si Sonny Angara ay anak ni dating Senator Edgardo Angara.

SUPPORT FROM SHOWBIZ. Malaki rin ang naitulong sa naging kandidatura ni Sonny ang suporta o pag-endorso sa kanya ng mga taga-showbiz, tulad nina Coco Martin, Sarah Geronimo, at Mother Lily Monteverde.

Marami ang gustong malaman kung papaano niya ito susuklian ngayong nasa posisyon na siya.

Saad ng bagong senador, “Naalala ko yung mga conversations namin before tungkol sa industriya, yung…

"Kasi ang laki raw ng tax na binabayaran nila at sana ay maramdaman daw nila in the form of government service.

“So, yun. Patibayin at palakasin pa natin in the form of service, like sa education.

"Yun ang linya ko, e. Yun ang tututukan natin.”

Biro namin sa kanya, sa tingin ba niya ay nakatulong din ang pagiging guwapo niya kaya siya nanalo?

Nangingiting sagot ni Senator Angara, "Mas malaki yung nagawa ni Mother Lily at ng showbiz. Yun, ramdam na ramdam ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung nag-iikot kami ni Coco, sa TV guestings ko, sobra talaga yung showbiz craze. Ganoon talaga.

"Malaking tulong sa akin in getting my advocacies across.”

THE SENATOR'S WIFE. Pagdating naman sa kanyang pamilya, napag-usapan na ba nila ng kanyang asawa na si Tootsy Angara ang magiging takbo ng kanilang buhay ngayong senador na siya?

Sagot ni Sonny, "Mukhang mas malawak ang responsibilidad ngayon.

“Yung trabaho ay mukhang mas mabigat sa isang senador—mas maraming assignment, mas maraming pupuntahan, mas maraming gagawin.

“Yung committee [on education], mukhang hindi maibibigay sa akin. Ibibigay muna natin sa mga seniors.”

Dagdag pa ng 40-year-old senator, “Parang napag-usapan na namin 'yan bago pa ang kampanya.

“Nasabi namin na grabe ang pressure ngayon ng bagong trabaho.

“So, ini-expect niya na magiging busy ako. Hindi lang ako, pati siya, kasi yung Senate spouses, maraming charity works.

“Sabi ko, maghanda na rin siya kasi magiging demanding na rin ang mga gawain niya.

"At least, psychologically, prepared siya.”

GOVERNMENT ISSUES. Tungkol naman sa pinag-uusapang Senate Presidency, kanino mapupunta ang kanyang boto?

Mabilis na sagot ni Senator Angara, "Ako, I’ll go for Senator [Franklin] Drilon.

"I think…nakaupo na siya dun and he has proven his worth.

“Sa advocacies, siya ang nagtulak ng iba’t ibang batas na importante—yung sin tax, bill sa ARMM [Autonomous Region in Muslim Mindanao], and many others.

“Siya talaga yung nagtutulak at kabisadong-kabisado niya ang gobyerno.”

Isa pa nga raw na pinagdedebatehan ngayon ay tungkol sa illegal settlers na gustong i-relocate. Ano ang take niya dito?

“Sa tingin ko, kailangang pag-aralan ng gobyerno.

“Kami sa Senate, we should be initiating long-term housing.

“Kasi galing ako sa Singapore, dun sa kanila, lahat ng middle-class units for example, kayang-kaya maging ari-arian ng isang taxi driver kasi may subsidy sa gobyerno.

“Pinag-aralan kasi nila, although kinakaltas sa suweldo. Yun ang dapat pag-aralan natin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa sarili niyang kakayahan, paano niya matutulungan ang ating mga kababayan?

Wika ni Senator Angara, “Yung sa basic services.

"Tsaka sana pag may forum, sana ay maimbitahan din ako. Makita ko kung paano ako makakatulong.

"Sana ang turing sa akin ay isang kaibigan.”

Ayon kay Senator Angara, importante sa kanya ang pagbabalik sa mga taong pinangakuan at tumulong sa kanya sa kampanya.

Sa paanong paraan niya ito gagawin?

Paliwanag niya, “Sa akin, sana ipaalala sa akin ang lahat ng ipinangako ko and ako, I will try to remember yung lahat ng taong na-meet ko, ano yung hiningi ko.

“Importante kasi sa akin yun, e. Yun yung tinatawag nating social contract natin sa tao, e.

"Pag hinalal ka, part yun ng inyong unwritten contract sa taong bayan.

“Ang inaasahan talaga nila sa akin ay yung plataporma ko sa trabaho, e. Yun ang isa sa palalakasin pa natin.

“Nakita naman n’yo nang bumagsak ang stock market, apektado tayo kasi yun ang medyo vulnerable.

"Ang pumapasok dito ay yung short-term investments.

"Hanapin natin yung long-term investments, like yung tumatayo ng mga pabrika. Yung malakihang trabaho.”

Paano niya palalakasin ang kanyang mga balakin para mas lalo pang ma-appreciate ng taumbayan.

“National na kasi scope natin, e.

"Dati, Aurora [Province] lang tayo. Now, we also have a bigger means to our disposal.

“Yun naman ang kagandahan,” saad ni Senator Sonny Angara.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN