Rayver Cruz dating Binibining Pilipinas 2013 candidate, says source

Kumalat sa Internet ang larawang ito ng Kapamilya young actor na si Rayver Cruz kunsaan kayakap niya ang Binibining Pilipinas 2013 candidate na si Imelda Schweighart—o mas kilala bilang Imee Heart na naging co-host ni Willie Revillame sa Wil Time Bigtime.


Ang bagong girlfriend ba ni Rayver Cruz ay ang Binibining Pilipinas 2013 candidate at Viva Artist Agency talent na si Imelda Schweighart—o mas kilala bilang Imee Heart?

Ito ang naging hinala ng ilang nakakita sa Facebook page ni Imee ng larawan kunsaan kayakap ng 18-year-old aspiring actress and beauty queen si Rayver.

Nang i-feature ang larawang ito sa showbiz segment ng News5, agad daw nagpadala si Imee ng text message upang pabulaanan na sila na ni Rayver. Magkaibigan lamang daw sila.

Agad ding nawala ang naturang larawan sa Facebook wall ni Imee, pero marami na ang nakapag-download nito at kumalat na rin sa Internet.

Mula sa isang source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), isang buwa na raw na nagde-date sina Imee at Rayver.

Matagal na ring hiwalay si Rayver sa ex-girlfriend niyang si Cristine Reyes, kaya malaya nang makipag-date ang young actor sa iba.

Sabi pa ng source, nagkakilala sina Rayver at Imee through common friends at madalas raw silang magkasama sa iba’t ibang lugar. Minsan ay kasama pa raw nila ang kapatid ni Rayver na si Rodjun Cruz at ang girlfriend nito.

WILLIE’S CO-HOST. Bago sumali sa Binibining Pilipinas si Imee, naging co-host siya ni Willie Revillame sa programa nitong Wil Time Bigtime noong 2011.

Dati ring talent ng Star Magic si Imee.

Sa naging panayam ng PEP noon kay Imee sa Viva Entertainment office, fifteen years old pa lang daw siya noong kunin siyang co-host ni Willie sa show nito.

Inamin ni Imee na “awkward” ang pakiramdam niya dahil first TV exposure niya ang show ni Willie at wala pa siyang proper training sa pagiging TV host.

Saad niya, “Sobra po akong na-intimidate sa mga kasamahan ko sa show.

“Sila po kasi, mga sanay na sila. Bago pa lang ako noon and I don’t know what to do.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But Kuya Willie was very supportive. He was always giving me pointers on how to interact with the audience.

“Tanggalin ko raw ang pagiging mahiyain ko and go with the flow.

“Because of that, natuto po ako and I owe that to Kuya Willie.

“When I left the show to pursue acting, naintindihan naman ako ni Kuya Willie.

"I will never forget his generosity sa isang baguhan na tulad ko noon.

“Up to now naman, I still have a communication with Kuya Willie. I always tell him that I miss him and I hope to work with him again.”



VIVA TALENT. Nang kunin naman siya ng Viva Artists Agency, pinasok si Imee sa youth-oriented series ng TV5 na Bagets: Just Got Lucky.

Sa second season ng naturang show ipinakilala si Imee bilang isa sa girls na pagkakaguluhan ng mga boys sa series.

Kasama rin si Imee sa cable gag show ng Viva Channel na Wapak!.

Sa Puerto Princesa, Palawan lumaki si Imee, kasama ang kanyang Pinay mother, German father, at kapatid na lalaki.

Pangarap daw talaga ni Imee na makapag-aral sa Manila at pasukin ang showbiz.

“At first, ayaw nila akong payagan to move to Manila. Bakit pa raw ako pupunta ng Manila, e, sanay na ako sa buhay namin sa Palawan.

“But I have other dreams din and I want to achieve that sa ibang lugar naman.

“I love Puerto Princesa but I want to build a whole new life for myself.”

Noong payagang mag-aral si Imee sa Manila, nakapagtapos ito ng high school at dito na rin siya nagbigyan ng sunud-sunod na trabaho.

Hindi ikinakahiya ni Imee na dumaan siya sa pagiging “body double” ng ilang modelo para sa commercials.

“I’m not ashamed of that, kasi trabaho po iyon.

“If I want to succeed, I need to start at the bottom. Hindi naman po lahat ay sinusuwerte sa simula lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas maraming kailangan na to work their way up from nothing. For me, that is much more rewarding.

“Because of those odd jobs, I was able to save up and bring my mom and my brother to live here with me in Manila.”



ASPIRING SINGER. This year nga ay sumali si Imee sa Binibing Pilipinas. Isa siya sa naging early favorites ngunit nabigo siyang mapanalunan ang alinman sa mga korona.

Ngayon ay gusto namang pasukin ni Imee ang pagiging singer.

Sa naging interview ni Imee kamakailan sa The Jon Santos Show, sinabi nitong sumusulat siya ng sarili niyang kanta na kanyang ire-record balang-araw.

“I’m writing my own songs now and it brings out my creativity when it comes to words and music.

“I guess this is who I really am.

“Yes, I enjoyed acting, TV hosting, and joining a beauty pageant, but singing is what I really enjoyed the most pala.”

Mga kanta raw nina Lana del Ray, Kimbrough, at The Weeknd ang inspiration ni Imee sa kanyang pagsusulat ng kanta for her soon-to-be recorded album.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN