Ama Quiambao fondly recalled by colleagues from theater, movie, and television

Kasabay ng balitang pagpanaw ang beteranang aktres na si Ama Quiambao ay ang pag-ulan ng mensahe ng pakikidalamhati mula sa kanyang mga kasamahan sa teatro, pelikula, at telebisyon.


Pumanaw na kagabi, July 5, ang aktres at propesora na si Ama Quiambao matapos ang walong araw na confinement sa Capitol Medical Center, Quezon City, sanhi ng hypertension leading to cardiac arrest.

Si Ama—o "Tita Ama" sa kanyang mga kaibigan at kasamahan sa show business—ay si Amable Quiambao-Viray sa totoong buhay.

She was 66 years old.

Ama is survived by her son Ishmael Viray and sister Lui Quiambao-Manansala, isa ring aktres.

Pamangkin ni Ama si Miriam Quiambao, dating beauty queen (1999 Miss Universe 1st runner-up) at ngayo’y aktres sa telebisyon at pelikula.

Noong 2010 ay pumanaw ang kabiyak ni Ama, ang kilalang mang-aawit (baritone) na si Gamaliel "Gammy" Viray.

Nagkakilala sina Gammy at Ama noong 1982, habang ginagawa ni Ama ang una niyang tinampukang pelikula—ang klasikong Himala ng National Artist for Film na si Ishmael Bernal.

Nauna rito’y isang kilalang stage actress si Ama, na nagpatuloy sa pagganap sa tanghalan hanggang sa mga huling araw ng kanyang buhay.

REMAINING DAYS. Noong June 28, Biyernes, tumaas ang blood pressure ni Ama habang kasalukuyang umaarte sa entablado—sa dulang Pamamanhikan, na bahagi ng ongoing 9th Virgin Labfest sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

Agad siyang isinugod sa San Juan De Dios Hospital, Pasay City, at sa pansamantalang pagkaka-confine dito’y naiulat na naging stable naman ang kanyang kundisyon.

Pero nanatiling comatose si Ama, hanggang mailipat sa Capitol Medical Center kinabukasan, June 29.

Nauna rito’y nais ng pamilya Quiambao na sa Philippine Heart Center for Asia malapatan ng lunas ang aktres, pero wala raw bakanteng ICU (Intensive Care Unit) room sa pagamutan.

Maraming kasamahan sa industriya—mula sa teatro, telebisyon, at pelikula—na pinaglingkuran ni Ama ang labis na nalungkot sa pagyao ng isa sa mga itinuturing na beteranong haligi ng sining.

Nakalap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang sumusunod na mga pahayag at mensahe ng pakikidalamhati mula sa ilang social media, tulad ng Facebook at Twitter, at text messages.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mula sa kapatid ni Ama na si Lui ang Facebook post na ito:

"My sister, Ama Quiambao passed away, peacefully, at 8:09PM on Friday, July 5. She was surrounded by all members of her family and close relatives. Let us pray for the eternal rest of her soul."

Sa Arlington Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City ilalagak ang mga labi ni Ama.

Ayon din kay Lui, magsisimula ang viewing ngayong Sabado, July 6, sa ganap na alas-singko ng hapon.

Paalala rin niya, "The family requests friends to please omit flowers.

"Let us all remember Ama with fondness as a colleague, a mentor, and a friend."

GRIEVING FRIENDS. Ang isa sa mga unang nakaalam ng pagpanaw ni Ama, among her friends from the theater industry, ay si Adriana Agcaoili, ng Gantimpala Theater Foundation (GTF), Inc.

Ayon sa post ni Adriana, "Just got a text from Lui Quiambao Manansala: ’SHE IS GONE.’ My heart is so heavy... my deepest sympathies, Lui and Ishmael Viray."

Ayon naman kay Kalila Aguilos, "Tita Ama passed away this evening. We mourn the loss of a great thespian."

Ang isa rin sa mga unang nag-ulat ng kalagayan ni Ama ay si Jovie Ann Rose Concepcion, isang baguhang aktres sa indie cinema na nakasamang gumanap ng yumaong aktres sa Diablo (2012) at Ang Kwento Ni Mabuti (2013), na parehong idinirek ni Mes de Guzman.

Sa Ang Kwento Ni Mabuti ay muling nagkasama si Ama at ang Superstar na si Nora Aunor, ang bida sa Himala.

Naging makahulugan ang reunion ng dalawang aktres matapos ang tatlumpung taon.

Kasali rin si Ama sa cast ng Amor Y Muerte (Love And Death), idinirek ni Cesar M. Evangelista mula sa screenplay ni Jerry Gracio, para sa 9th Cinemalaya Film Fest 2013.

Matatandaang nanalong Best Actress si Ama noong isang taon, sa 8th Cinemalaya Filmfest, para sa Diablo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tuwang-tuwa si Ama sa kanyang pagwawagi. Napayakap daw siya kay Ricky Lee, premyadong screenwriter at isa sa mga hurado, at bumulalas ng "Ricky, may himala!"

Taliwas naman ang sitwasyon ngayon, o gaya ng shoutout sa FB ni Jovie Ann: "Nakakalungkot na balita. Tita Ama Quiambao just passed away... rest in peace, Tita Ama!"

Sinundan ito ng iba pang pakikidalamhati among Ama’s theater colleagues; kabilang si Hermie Concepcion, ang nag-alternate kay Ama sa Pamamanhikan na nagkaroon ng matatagumpay at full-packed shows sa CCP.

Noong Miyerkules, July 3, lumuluha si Hermie sa pag-aalaala sa kalagayan ni Ama, for whom she read and partly acted out the part of Ester sa dulang isinulat ni Bernadette Neri at idinirek ni JK Anicoche.

Sabi naman ni Paul Jake Paule, "Tita Ama, pahinga na po kayo. Salamat po sa mga kwento n’yo."

"Rest in peace, Tita Ama" ang halos magkasabay na post sa Twitter nina Andoy Ranay at Jose Javier Reyes; at shoutout sa Facebook nina Jonathan Tadioan, Joey Paras, at ang couple na sina Chrome at Che Ramos-Cosio.

Mula naman kay Miles Kanapi: "Tita Ama... Good night, sweet princess, go with the angels - Tito Gammy’s waiting for you. Happy second honeymoon! Tita Lui Manansala, I’m so sorry for your loss. I love you..."

"Paalam po, Tita Ama..." parehong sabi nina Jeremy Benjamin Domingo, stage actor at product endorser; at Dino Manrique, who thanked Ama "for all your contributions to the Arts... Mabalos!"

Nakasama ni Dino si Ama sa Ka Oryang (2011) nina Sari Dalena at Keith Sicat.

Bong Cabrera, 2011 Cinema One Originals Filmfest Best Actor for Sa Ilalim Ng Tulay, shared: "Naalala ko pa ang sabi mo sa akin dati, Tita Ama, ’Bong, ’wag na ’wag kang hihinto sa ginagawa mo. Ipagpatuloy mo lang yan! Ma-mi-miss kita! Paalam...’"

Dagdag pa niya, "Nakaka-inspire ka. Kung saan ka nakilala at minahal, doon mo din tinapos at isinara ang telon mo. I salute you! Mabuhay ka!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naisatinig din ito ng kasalukuyang festival director ng Virgin Labfest na si Tuxs Rutaquio:

"Tita Ama Quiambao passed away as Pamamanhikan was taking its final curtain. Rest in peace. Condolence po sa mga kapamilya at kaibigan..."

ANECDOTES. TAG President Kalila Aguilos, na kilalang-kilala rin ngayon bilang si "Miss Liza" ng daytime teleseryeng Be Careful With My Heart, has this to say:

"Ama Quiambao was my mama in F. Sionil Jose’s Pretenders for which I was also the costume designer.

"She loved everything I made her wear, especially the pink tailored dress, and she rocked it. Goodnight, Mama."

Ang mag-ama ng premyadong character actress na si Irma Adlawan, sina Dennis Marasigan at Mara Paulina Marasigan, na kapwa aktibo ngayon hindi lang sa theater kundi pati sa telebisyon at pelikula, ay may magagandang pananalita rin tungkol sa namayapang veteran actress.

Dennis recalled the early years of working in the theater with Ama, matapos siyang mapanood ng publiko sa Himala, at gumanap sa mga dula ng CCP.

Sabi niya, "The first play I did for Teatro Pilipino was Ang Mga Tagahabi (The Weavers) by Gerhart Hauptmann.

"If I’m not mistaken, it was also the first play for the company by Ama Quiambao; at the least it was the first play we worked in together.

"Often, we would be riding together in the same jeepney, going home. She preferred to stay in the front seat, but always with a soft drink bottle handy as her form of self-defense in case it was needed.

"Ama was in Silang Nalugmok Sa Gabi, my stage adaptation of Without Seeing The Dawn that was performed by Bulwagang Gantimpala.

"Rest in peace, Ama. Have a (sweet) time with Gamy up there..."

Mula naman sa dalagang anak nina Dennis at Irma, si Mara Paulina:

"The first taping I ever went to was Pahina, where I first met Tita Ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She played the woman who made ube halaya and I remember telling mom how amazing she was.

"I got to work with her, finally, as AD [assistant director] after more than 10 years and she entrusted her wedding ring to me while she did the scene.

"Thank you for the privilege, tita Ama. And for remembering me wherever and whenever we saw each other.

"Break a leg on your next journey..."

BENEFIT SHOWS. Maging noong nakaratay pa lamang si Ama ay nagkakatipon na ang mga kaibigan nito sa industriya para mag-fundraising para sa gastusin sa ospital at iba pang pangangailangan.

Ang isa rito’y ang Ms. Ama Quiambao Viray Benefit Film Showing, in cooperation with Singkuwento Internasyonal Films.

Nakatakda na sanang magpalabas ng mga pelikulang tampok si Ama this week, bilang benefit fundraising project, pero sanhi ng pangyayari’y naurong ang unang naitakdang petsa.

Sabi ni Jovie Ann Concepcion, "We will move the benefit show next Saturday, July 13, 2013, 5PM and 8PM. Please wait for the announcement. We will confirm first the venue and approval of her family.

"Let’s pray for her soul. We will miss you, Tita Ama."

Samantala, ang TAG ay mayroon ding pabenepisyo para kay Ama at sa naiwang pamilya nito.

Ani Kalila, "The Theater Actors Guild is organizing tita Ama Quiambao’s benefit on Monday [July 8] 9PM, at TauMBAYAN with Aiza Seguerra, Vince de Jesus and Liza Diño.

"Singers have already volunteered (Thank you, guys!!!!). Wanna sing for her benefit? Please let me know asap. We appreciate all the help we can get.

"On Monday, we will sing to celebrate her life."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN