Rocco Nacino replaces JM de Guzman in San Pedro Calungsod biopic

Ang Kapuso actor na si Rocco Nacino (kaliwa) ang napiling pumalit kay JM de Guzman (kanan) upang gumanap bilang San Pedro Calungsod sa biopic ng Pilipinong santo.


Ang Kapuso actor na si Rocco Nacino ang kapalit ni JM de Guzman sa biofilm na San Pedro Calungsod, Batang Martir, official entry sa 39th Metro Manila Film Festival sa December 2013.

Ngayong umaga, July 6, ay kinumpirma ito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng writer-director ng pelikula na si Francis Villacorta at ng Hubo Productions, ang producer ng pelikula headed by Ida Tiongson.

Sa nakaraang exclusive interview ng PEP kay Direk Francis, sinabi nitong si JM ang "ideal actor" upang gumanap sa much-coveted role ng bagong santong Pilipino mula sa Cebu.

Kung kaya’t sa simula pa lang nang i-conceptualize ni Direk Francis ang proyekto more than two years ago ay si JM na ang kanyang nasa isip.

Pero lumipas ang mga buwan at marami nga ang nangyari, tulad ng hindi pagkakatuloy i-produce ng ibang indie producers ang pelikula, at may mga personal na "pinagdaanan" si JM sa kanyang buhay.

Hanggang sa ang ama na nitong si Ronniel de Guzman ang personal na tumawag kay Direk Francis na wini-withdraw na ang partisipasyon ng anak sa proyekto dahil sa "health reason."

Ayaw raw ng ama ni JM na mag-take ng risk ang production, sakaling magkaroon ng "aberya" sa daloy ng shooting nang dahil kay JM.

Kung kaya’t kahit gustung-gusto nilang mag-ama gawin ang project, nag-sacrifice na lamang si Mr. de Guzman to withdraw his son from doing it.

Nirespeto naman ng production ang desisyong ito ng ama ni JM, at laking pasasalamat na rin nila sa kanya sa concern.

(Read: JM de Guzman’s father withdraws actor’s participation in San Pedro Calungsod biopic due to "health reasons")

FINDING THE REPLACEMENT. Dahil sa pangyayaring ito ay ilang araw ring nagdiskusyon ang mga tao sa likod ng San Pedro Calungsod, Batang Martir kung sino bang aktor ang nararapat na kapalit ni JM.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapag-contract signing na nga kasi ang producers with Direk Francis noong July 3 sa Makati office ng Hubo Productions, bukod pa sa naisumite na ng produksiyon ang P500,000 bond sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang organisasyon na namamahala sa taunang MMFF.

Ilan sa mga aktor na nakunsidera upang gumanap sa pangunahing tauhan ay sina Coco Martin, Dominic Roco, Paulo Avelino, Alden Richards, Kristoffer Martin, at Enchong Dee.

Nakapag-inquire ang production sa ilan sa mga managers/ handlers ng mga nabanggit na aktor. Pero yung iba’y hindi swak ang schedule at ang iba nama’y na-consider at hanggang deliberation pa lamang among the group at hindi na umabot sa formal inquiry.

Hanggang si Rocco Nacino na nga ang naging final choice to play Pedro Calungsod sa MMFF film.

Sabi ni Direk Francis, "Ilang araw rin kaming nag-usap sa production, with my executive producer and associate producer.

"Ipinagdasal ko rin siyempre kay San Pedro Calungsod to enlighten my mind to choose kung sino ang magpi-fit sa role.

"Aside from JM, si Rocco kasi, based on the physical traits, hindi nalalayo kay San Pedro among our actors sa generation nila.

"Pinoy looks, tama lang ang height, can act, and nakatulong din sa weight ng decision yung pag-portray niya ng Pedro Calungsod in television last year.”

Last October 2012, sa "kainitan" ng historical canonization ni Calungsod—kasama ang iba pang bagong santo mula sa buong mundo—sa Saint Peter’s Basilica sa Vatican City, Rome, Italy, naglabas ang GMA News TV ng mini-documentary program sa buhay at kamatayan ng nasabing martir. Si Rocco ang gumanap na bida rito.

Wala nang inaksaya pang panahon si Direk Francis in looking for his "final" Calungsod nang mag-withdraw si JM, kaya kinausap agad nito si David Fabros, ang head ng GMA Artist Center, ang talent management arm ng GMA-7 kunsaan contract artist si Rocco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Francis, "Hindi kami nahirapang kausap ang GMA Artist Center dahil siguro they believe in the project.

"Aayusin lang ang schedule ni Rocco dahil may regular taping days siya ng teleserye niya.

"I was informed na Rocco is excited about this good news, and he doesn’t feel a bit uneasy for being a replacement only or dahil second choice siya.

"Naniniwala akong given the right motivation, passion, and understanding of the character of Calungsod, Rocco can play the role well, with justice.

"After all, baka it’s God’s will talaga na mapunta sa kanya ang role, through the intercession of San Pedro Calungsod."

WITH BLESSING. Kasalukuyan pang inaayos ang ibang detalye para sa formal contract signing ni Rocco para sa paggawa niya ng pelikula.

Pero officially ay may "basbas" na ito ng direktor, base sa pagsang-ayon na rin verbally ni Fabros sa komunikasyon nito kay Villacorta.

Sa pamamagitan naman ng text message na ipinadala ni Rocco sa PEP associate editor na si Erwin Santiago kaninang umaga, ipinarating ng aktor ang kanyang kasiyahan sa pagkakapili sa kanya upang gumanap bilang San Pedro Calungsod.

Aniya, "I feel honored to be considered for the role. I’m just happy to be part of the project."

Samantala, masaya rin ang producer ng pelikula na si Ida Tiongson sa naging takbo ng mga pangyayari, dahil naging healthy naman daw ang discussion ng production sa aktor na papalit kay JM.

Sabi ni Ida, "I am happy, at ease, and at peace now that we have a new actor to portray Pedro Calungsod.

"Hindi biro ang maghanap ng aktor to play the part ’coz after all, he’s a new Filipino saint.

"For some reasons, I can see in Rocco’s eyes that he can deliver the role of San Pedro Calungsod.

"Of course, I also trust the vision of our director, Francis, who created this material and he has researched to do the script for more than two years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m glad that you introduced me to him."

Si Ida ay isang bagong film producer, at isa sa mga na-produce na indie films ng kanilang Hubo Productions ay ang In Nomine Matris, nanalo ng Gender Sensitivity Award at Best Festival Actress for Liza Diño sa New Wave Section ng MMFF 2012.

A few days ago ay naisumite na ni Direk Francis ang formal letter nila informing the MMFF Executive Committee na si Rocco na ang kapalit ni JM. The letter was addressed to MMDA Chairman Francis Tolentino, thru Jesse Ejercito na chairman naman ng MMFF.

Kasamang isinumite ni Francis ang formal waiver na pirmado ng ama ni JM na si Mr. Ronniel de Guzman, na pormal na pinuntahan ng una.

Kabilang pa rin sa original cast ng San Pedro Calungsod, Batang Martir sina Christian Vazquez, Ryan Eigenmann, Robert Correa, Carlo Gonzalez, Arthur Solinap, Mico Palanca, Geoff Taylor, Isadora Velasquez, BJ Forbes, Cholo Barretto, Johnron Tañada, at Kiko Matos.

Si San Pedro Calungsod ay isang Katoliko at tubong-Cebu.

Isa siyang migrant, sakristan, at missionary catechist.

Kasama ang Spanish Jesuit missionary na si Padre Diego Luis de San Vitores, nakaranas siya ng matinding pagpapahirap mula sa mga Chamorro natives sa Marianas (old Guam) sa kanilang pagpapalaganap ng Salita ng Diyos noong 1672, hangggang sa naging martir sila’t namatay sa ngalan ng Kristiyanismo.

Pormal na na-beatify si Calungsod noong March 2000, by Pope John Paul II, at na-canonize bilang ikalawang santong Pinoy, ni Pope Benedict XVI, at Saint Peter’s Basilica in Vatican City noong October 2012.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN