Ogie Alcasid on network transfer plans: “I will let you know in about two weeks.”

Ogie on making another major decision regarding his career: “Ganito lang ’yan... in every decision I make, kahit kung saan ako kakain o kung ano ang kakainin ko, I always pray. So, this has to be a decision that I seek God’s will. Number one, I’d like to be of help. So, wherever I go, it has to be a place where I’m really needed. Because, I’m already okay. My career is okay. My family life is good. Wala na akong mahihiling, e. It&a


Bago pa namin nakausap si Ogie Alcasid, may nabalitaan na kami na hindi na raw siya mapapanood sa Sunday All Stars ng GMA-7 simula bukas, July 7.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie kahapon, July 5, sa ika-25 anniversary ng Bench, kung saan nagkaroon ng photo exhibit sa Bench Tower, Bonifacio Global City, at kung saan din idinisplay ang mga celebrity photos na kuha ni Ronnie Salvacion.

Sa pagkakataong ito ay nilinaw namin sa kanya ang naturang isyu.

“Well, my contract ended June 30, so right now, I am jobless,” nakangiting sabi niya.

“I mean, I’m relaxing lang, nagre-relax lang ako ngayon. I’m preparing for my concert on August 16, sa SM MOA Arena. It’s called I Write The Songs—25 songs, 25 artists, 25 hits.”

Kinumpirma nga ni Ogie na wala na siya sa SAS ngayong Linggo.

Sabi pa niya, “Hindi rin ako nagti-taping.”

Bakit hindi siya pinagtuloy-tuloy ng Kapuso network, kahit sa SAS?

“Hindi e,” saad niya.

“Kasi, contractually, wala ka pang contract. Paano ka magta-trabaho?”

Sa ngayon daw, plano niya talagang magpahinga muna.

Pero hanggang kailan ang plano niyang pagpapahinga?

“Well, until my concert. Until my manager... si Leo Dominguez is the one talking,” paglinaw niya.

ONGOING NEGOTIATIONS. May negosasyon din siya sa TV5 at marami na nga ang lumabas noon pa man na diumano’y sigurado na ang pagiging Kapatid niya sa pagtatapos ng kontrata niya sa Kapuso network.

“I will let you know in about two weeks. Magkakaroon na siguro kami ng linaw kung ano ang mangyayari,” pangako ni Ogie.

Ngayong araw naman na ito, nasa Balesin (Quezon Province) daw siya kasama ang kanyang pamilya, maging ang kanyang mga kapatid.

Diretsahan naman naming tinanong si Ogie kung siya nga ang tatanungin, nasaan ang puso niya?

“Sa wife ko, at saka, kay Lord,” nakangiti niyang sabi.

May naging pagkukulang ba ang Kapuso network sa kanya kaya umabot sa puntong kinailangan niyang mamili o mag-desisyon kung saang network na siya pipirma?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala, walang kulang. GMA has been an amazing network to me and my family,” diin niya.

Kailan dumating ang offer ng TV5?

“’Eto lang, when it ended. Kasi, ganoon naman yun, you let your contract end. Siyempre, GMA muna ang kakausapin mo kasi, you’re obligated to deal with GMA first.”

REGINE’S PLANS. Ayaw namang sumagot ni Ogie ng anuman basta may kinalaman sa career ng asawa niyang si Regine Velasquez at sa mga plano nito.

Sa Linggo, hindi na rin ba mapapanood ang misis niya sa Sunday All Stars?

“Ay, I can’t answer that. Kasi, I can’t answer for my wife, e.”

Hiningan na rin namin si Ogie kung ano ang naging damdamin niya nang palitan nga ng SAS ang Party Pilipinas.

Naging masaya ba siya sa naging desisyon ng management?

Ayon kay Ogie, “At first, hindi. I was sad.

“Siyempre, napamahal na sa amin ang Party Pilipinas. Siyempre, marami ring nawala. Pero, ganoon talaga. Wala naman kaming control dun.”

Pero dugtong din niya, “Ngayon naman, excited ako kasi, I like watching them competing. And it’s time for the others to be given a chance to shine, na nakakatuwa.

“But I think, yung audience, medyo nagulat.

“I don’t know. Ultimately naman, the audience will decide, hindi naman kami. So, if the audience will start watching it, then, okay.”

PAYBACK TIME. Sa nangyayari ngayon, nagpapahinga siya at tila tinitimbang ang offer sa kanya ng parehong network, ang TV5 at ang GMA-7.

Ano kaya ang nakikita niyang puwedeng gawin ng mga ito para makuha ang loob ng batikang singer at komedyante?

“Ganito lang ’yan... in every decision I make, kahit kung saan ako kakain o kung ano ang kakainin ko, I always pray. So, this has to be a decision that I seek God’s will.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Number one, I’d like to be of help. So, wherever I go, it has to be a place where I’m really needed. Because, I’m already okay. My career is okay. My family life is good. Wala na akong mahihiling, e.

“It’s time for me to really give back.

“Kung sino yung mas kailangan yun, ibibigay ko,” sabi niya.

Hindi na ba niya nararamdamang kinakailangan pa siya ng pinanggalingang network?

“Yes, I think, they need me naman,” pahayag niya.

Sa magiging desisyon niya sa susunod niyang network, nangangahulugan din ba ito na posibleng sumunod din sa kanya si Regine?

“No, no, it has nothing to do with that, wala. Ayaw ni ano—ni Ogie,” patawa pa niya.

BENCH ENDORSER. Sa isang banda, si Ogie ay isa sa mga Bench celebrity endorsers. May sarili siyang line ng perfume sa Bench kung kaya’t isa siya sa mga artistang dumating sa 25th anniversary exhibit.

Pero sa halip na mga litrato niya ang nakasabit tulad ng ibang Bench celebrity endorsers, isang video wall ni Ogie ang naka-display sa venue.

Biro naman niya na natatawa, “Parang hindi ko nga deserve. Pero, naku-kyutan ako sa idea na nandiyan ako.”

Mas matutuwa ba siya kung siya ang nasa standee na kita ang mga abs?

“Okay na, mas gusto ko na ’to,” sabay turo sa video wall niya.

Pero kung biniyayaan daw siya ng magandang "abs" baka raw nag-pose rin siya.

Nagwu-work-out ba siya ngayon?

“I box, I run,” saad ni Ogie.

Nakikita na pinu-post naman niya sa Instagram account niya kapag nagwu-work-out silang mag-asawa.

“E, way ko na rin yun para ma-engganyo siyang mag-gym. Ang pagdyi-gym naman, hindi para gumanda ang katawan mo, para maging healthy,” pagtatapos ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN