Assunta de Rossi not interested in politics; raring to resume acting career

Assunta on rekindling her passion for acting: “May certain limitations na nga lang siguro... yung sa working time, yung klase ng roles na puwedeng tanggapin but at the end of the day, masarap isipin na pinagbibigyan ka pa rin ng asawa mo sa hilig mo. Nasa pag-uusap na lang talaga ’yan. Yun ang sinabi nga namin nina Alex [palayaw ni Alessandra], once actress ka, actress ka talaga. Saan ka man mapadpad or ano man ang mangyari sa buhay mo, lalabas at lalabas talaga ang hi


Sa kabila ng kanyang edad at pagkakaroon ng asawa ay maituturing pa rin na isang “hot momma” ang 32-year-old actress na si Assunta de Rossi.

Sa kanyang tangkad at balingkinitang pangangatawan, marami ang gustong malaman kung paano niya nami-maintain ang dati niyang porma at kaseksihan noong nagsisimula pa lang siyang mag-showbiz.

“Ay, thank you naman, I feel so flattered,” panimulang reaksiyon ni Assunta nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito kamakailan lang.

“I’m happy naman that I’m blessed with good genes.

“Good genes lang talaga kaya kahit tinatanong nila ako ng, ’Ano ang ginagawa mo? Nagwu-workout ka ba?’

“Sasabihin ko, ’wala, wala talaga. Mabuti na lang ang magulang ko, magulang ko talaga, di ba?’

“Ay oo, kundi, baka nalosyang na ako. Hindi, siguro ano, happy and positive outlook in life talaga. Lalabas talaga sa ’yo yun.”

SEXY PICTORIALS? Kaya nga hindi malayong may mag-offer sa kanya na mag-pose sa FHM Philippines tulad ni Sunshine Cruz na naging FHM Cover Girl nitong nakaraang April 2013 issue.

“Wala naman silang makikita sa akin, kasi nakita na lahat, di ba?” natatawang pagbibiro niya.

“I don’t really know, puwede pa ba?

“Nasa sa kanila yun actually but tingnan natin.”

Paano kung may offer sa kanya to pose in a men’s magazine, tatanggapin ba niya?

Aniya, “Oo, wala namang problema. Basta yung concept na tulad lang nang kay Sunshine na walang gaanong ipinakita, wala namang problema sa akin.

“Yung parang kaswal lang. Siguro, mapapag-usapan naman.”

Isa siya sa itinuturing noon na pinakaseksing aktres kaya hindi malayong marami pa rin ang umaasang makita siyang mag-pose sa mga seksing pictorials.

“Salamat naman salamat,” ang tanging nasambit ng nakakatandang kapatid ni Alessandra de Rossi.

MARRIED LIFE. Sa puntong ito, inalam ng PEP ang tungkol sa kanyang married life.

Si Assunta ay ang asawa ni Negros Occidental lst District Representative Jules Ledesma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ng award-wnning actress, “Okay naman. Happy naman. ’Yun, landslide uli ang asawa ko sa nakaraang election.

“Buti na lang ay graduating na rin siya para makapagpahinga na rin siya sa 2016.”

Si Jules Ledesma ay nasa huling termino na ng kanyang pagiging isang kongresista.

Hiling ba niya na huminto na ang kanyang mister sa pulitika?

Ayon sa kanya, “Well, he already did that in 2004. Okey naman.Wala namang ano... parang sa showbiz din, sa pulitika kailangan mo rin ng break, di ba?

“’Coz it’s tiring and really stressful. Siyempre, di ba, we also want to build a family, so kailangan din naman ng quality time.”

NO TO POLITICS. Paano kung sakaling hikayatin siya nito na pumasok sa pulitika. papayag ba siya?

Saad ng batikang aktres, “Buti na lang ay hate ng asawa ko ang dynasty, e. At saka ako, artist ako, e.

“Hindi ako puwede, e.

“At saka never naman naming napag-usapan yun kasi in the beginning ay sinabi na n’ya na, ’hindi ikaw ang papalit sa akin.’

“Sabi ko naman, ’good. thank you.’

“Maski nga mga kamag-anak n’ya, sinasabi n’ya na, ’hindi talaga puwede sa akin’. Ever since talaga, hindi puwede.

“Even before na yung mga anti-dynasty issues came out, he’s been doing that, my God, for seventeen or eighteen years. He doesn’t like it talaga.”

What keeps Assunta busy ngayon?

“Well, kababalik lang namin from Negros kasi nagka-eleksyon, di ba?” kuwento ng 32-year-old actress.

“So, I stopped working.

“Ang dami namang shows na tinurn-down ko. Sabi ko, ’Hindi ako puwede, magbi-base ako dito ng dalawang buwan.

“Pero, siyempre, alam mo na, pag nawala ka, wait ka uli... ang tagal. Pero, I’m sure naman meron, di ba?

“I mean, marami namang binubuksan na shows, kahit saang channel naman, lagi may bagong shows, e. So, tingnan natin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ONCE AN ACTRESS... Tulad ni Dawn Zulueta at iba pang aktres na asawa ng isang politiko, hindi naman ito hadlang sa kanila para maging abala sa kani-kanilang showbiz commitments.

“Hindi naman siguro,” komento niya.

“Nakilala naman nila kami before na isang artista, so, I believe na naiintindihan kami ng mga asawa namin.

“May certain limitations na nga lang siguro... yung sa working time, yung klase ng roles na puwedeng tanggapin but at the end of the day, masarap isipin na pinagbibigyan ka pa rin ng asawa mo sa hilig mo.

“Nasa pag-uusap na lang talaga ’yan.

“Kay Dawn, sobrang happy talaga ako sa nangyayari sa kanya. Look, ang ganda ng roles n’ya, hindi nagbabago ang ganda n’ya, ang galing n’ya. Nakaka-inspire talaga.

“Yun ang sinabi nga namin nina Alex [palayaw ni Alessandra], once actress ka, actress ka talaga.

“Saan ka man mapadpad or ano man ang mangyari sa buhay mo, lalabas at lalabas talaga ang hilig mo sa pag-arte.

“Babalik at babalikan mo talaga s’ya.”

Tungkol naman sa pagiging childless niya sa mahabang panahon na.

“Kung kelan gustong ibigay sa amin ng Diyos,” ang tanging isinagot ni Mrs. Jules Ledesma.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN