Rufa Mae Quinto on her love life: “Parang hindi ko lang feel muna ang magpaka-girl.”

Rufa Mae appreciates her participation in the creative process for her latest movie Miri: Ang Huling Henya. She says: “Nakakapanibago kasi nga kasama ako sa pag-decide kung okay bang gawin yung ganitong eksena. Ibang-iba siya kasi parang importante ang opinyon ko for the movie. Kumbaga, may say rin ako sa mga mangyayari. Kaya ang pakiramdam ko ay henyang-henya ako! Feel na feel ko ang title ng movie namin!”


Umabot ng halos isang taon bago matapos ang pelikula ni Rufa Mae Quinto na may titulong Miri: Ang Huling Henya.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rufa Mae kamakailan, inamin ng sexy comedienne na binusisi nga raw nang husto ng kanilang director na si Marlon Rivera ang naturang project na nakatakdang ipalabas sa darating na Agosto.

Pagmamalaki niya, “Kasi naman, pang-international ang dating ng movie naming ito.

“Unang-una, Marlon Rivera ang director namin. Siya din ang sumulat ng story kaya talagang napakametikuloso niya.

“Umabot kami ng almost a year kasi nga ang dami naming gustong gawin sa movie. Ang Viva Films naman, full support sila sa project. Kaya kahit ano ang kailangan ni Direk Marlon, binibigay nila.

“Nag-training pa ako rito ng martial arts. Nag-shooting practice pa ako. Tapos pinag-acting workshop pa ako sa PETA. First time kong ginawa lahat ’yon. Kaya maraming bago para sa akin in this movie.

“’Tsaka si Direk Marlon nga, very serious siya. Gusto niya perfect ang mga eksena namin.

“Ngayon lang kasi ako nakapagtrabaho sa ganyang klaseng director. Yung kahit comedy lang ang movie namin, seryoso siya. Gusto niya maayos lahat,” pahayag pa ni Rufa Mae nang mag-guest ito sa The Jon Santos Show ng Viva Channel.

COLLABORATIVE EFFORT. Ang maganda pa nga raw sa naturang project ay sinasama si Rufa Mae tuwing pag-uusapan ang mga eksena sa pelikula.

Hinihingan nga raw siya ng opinyon ng kanyang director kung okay bang gawin ang eksena or kung may iba pa siyang suggestions.

“Nakakapanibago kasi nga kasama ako sa pag-decide kung okay bang gawin yung ganitong eksena.

“Ibang-iba siya kasi parang importante ang opinyon ko for the movie. Kumbaga, may say rin ako sa mga mangyayari.

“Kaya ang pakiramdam ko ay henyang-henya ako! Feel na feel ko ang title ng movie namin!” sabay tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COMPARISON WITH PAST MOVIES. Hindi nga raw mapigilan ang komedyante na ikumpara ang pag-shoot niya ng Henya sa pag-shoot ng ng pelikula niyang Booba at Super B.

Sa mga solo movies niyang iyon, taga-sunod lang daw si Rufa Mae sa kanyang director noon at wala siyang nagiging input.

“Sunud lang ako nang sunod kay Direk Joyce Bernal noon.

“Hindi naman ako matanong pa kasi noon. Basta sinabi sa akin ni Direk Joyce ay gagawin ko.

“Kasi nga malaki naman ang tiwala ko kay Direk Joyce granting na nagkatrabaho na kami before Booba.

“In fairness naman, todo-todong pagpapatawa naman ang ginawa ko at kumita naman ang mga pelikulang ginawa namin.

“Ngayon iba kasi si Direk Marlon. Gusto niya na kumportable din ako sa ipapagawa niya.

“Siya pa rin naman ang masusunod pero nandun yung kagustuhan niyang maging okay din sa akin ang mga eksena.

“Kaya, alam mo ’yun, ang sarap na may ganyang kang director na katrabaho for a change.

“Hindi lang tingin sa ’yo ay komedyante kundi tingin sa ’yo ay isang artista na kailangan alagaan,” ngiti pa niya.

Ang ibang mga kasama nga ni Rufa Mae sa Miri: Ang Huling Henya ay sila Edgar Allan Guzman, Deejay Durano, Ayen Munji-Laurel at special pariticipation nila Marvin Agustin at Ms. Cherie Gil.

WORKING WITH FABIO IDE. Ang love interest nga rito ni Rufa Mae sa Henya ay ang Brazilian-Japanese model na si Fabio Ide.

Ayon kay Rufa Mae, ikalawang beses na raw nilang magkasama ni Fabio sa pelikula, pero hindi pa raw naipapalabas yung una nilang pinagsamahan.

“Sa ilalim ng Regal Films yung una naming movie, Ride To Love. Ewan ko ba kung bakit hindi pa nari-release, e ang tagal na no’n.

“Anyway, second na naming pagsasama ito ni Fabio sa Henya. Choice ko talaga si Fabio kasi nga okay siyang katrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naging partner ko nga siya before sa Dwarfina sa GMA-7, di ba? Kaya kumportable na ako working with him,” pag-amin niya.

Marami nga ang nakapansin na very sweet sa bawat isa ang dalawa noong ginagawa nila ang Henya. Hindi tuloy maalis sa isipan ng marami na baka may “M.U.” or mutual understanding na ang dalawa.

“Lagi na lang akong may ka-M.U., di ba? Parang hindi na bagay sa akin ang ganyan!” sabay tawa niya.

“Si Fabio kasi matagal ko nang kilala ’yan. Model pa lang siya noon magkakilala na kami.

“Noong maging artista na nga siya, nagkikita na kami parati.

“We’ve always been close naman. Ka-textmate ko ’yan noon pa.

“Ngayon leading man ko na siya sa Henya. May chemistry naman daw kaming dalawa.

“Mabait si Fabio. He is such a gentleman. ’Tsaka wala akong naririnig na hindi magandang chika sa kanya. Lahat sila nagsasabi na he’s a nice guy.

“Kaya masuwerte ako na naging kaibigan ko siya.

“Basta kami ni Fabio, okay kami. Masarap siyang katrabaho kasi laging naka-smile tapos full of energy pa!” tawa pa niya ulit.

WORK FIRST BEFORE LOVE. Wala ba siyang nararamdaman na type siyang ligawan ni Fabio?

“Never ko naman naisip ’yan. Kayo naman, friends nga kami, di ba?” tawa ulit niya.

“Ang alam ko, may girlfriend yata siya. Hindi naman ako nagtatanong kay Fabio. Pakiramdam ko lang na may karelasyon siya.

“Ako naman kasi, single and ready to mingle, di ba?

“May mga nagpaparamdam pero wala akong time na mag-entertain. Parang hindi ko lang feel muna ang magpaka-girl.

“’Tsaka abala nga ako sa pagtapos nitong Henya. Malapit na rin kaming matapos kasi kaya trabaho muna tayo.

“Isang reason nga kung bakit hindi ako tumatanggap ng series ngayon kasi nga focus ako rito sa Henya.

“Tapos yung mga suitors, dedma muna ako kasi ayoko ng distraction sa work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag natapos naman na lahat ito, magiging ready na ulit ako na harapin sila.

“Kumbaga mag-iipon muna ako ng lakas bago ako makipag-mingle ulit sa mga boys!” masaya niyang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN