Mr. Fu resigns from Wow FM

Mr. Fu’s text message to PEP: “Effective July 15 wala na ako sa Wow FM. Inaayos na ang lilipatan kong istasyon. I am thanking WOW FM for the great opportunities. It is just time to move up, move forward. Three years [din ako sa Wow] Nagpapasalamat ako sa great opportunities. Naging maganda ang simula namin. Dumarating lang talaga minsan yung puntong may kulang, may hinahanap kaya nababawasan na ang saya. Kailangan mong punuan yun para mas maging makabuluhan ang pagtatr


Effective July 15 ang nakasaad na petsa sa resignation letter ni Jeffrey Espiritu, a.k.a. Mr. Fu, na ipinasa niya kahapon, July 5, sa pinaglilingkuran niyang radio station, ang 103.5 Wow FM.

Tumakbo ng halos tatlong taon ang pang-umagang programang “Tagabulabog Ng Buong Universe” ni Mr. Fu sa Wow FM.

Text ni Mr. Fu ngayong araw sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Effective July 15 wala na ako sa Wow FM.

“Inaayos na ang lilipatan kong istasyon. I am thanking WOW FM for the great opportunities. It is just time to move up, move forward.”

Dagdag pa niya, “Three years [din ako sa Wow]. Nagpapasalamat ako sa great opportunities. Naging maganda ang simula namin.

“Dumarating lang talaga minsan yung puntong may kulang, may hinahanap kaya nababawasan na ang saya.”

“Kailangan mong punuan yun para mas maging makabuluhan ang pagtatrabaho. Kaya i-push na ’to! Push! May ganon?!”

Sa biro ng PEP kung baka isa sa mga dahilan niya ay ang magpakasal na sa kanyang girlfriend na isang chef sa Hongkong, tugon niya, “Kailangan din mag-ipon para sa kasal at binyag. Chos!!!!!”

Ayaw pang sabihin ni Mr. Fu kung saang istasyon siya lilipat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN