Jairus Aquino wishes Sharlene San Pedro to be his loveteam partner

Jairus on his positive outlook about being part of LUV U: “Expected ko na po yun, kasi, nandito po sila Nash. E, alam ko naman po na maraming supporters si Nash. Marami ring supporters sina Alexa. Nandiyan din naman po ang mga supporters namin na pupuwedeng sumuporta sa amin. Hindi ko naman po sinasabing papatok, pero, magiging okay siya. Hindi siya yung magbibigay ng disappointment,”


Bukod-tanging si Jairus Aquino lamang ang hindi graduate ng Goin’ Bulilit na nakasama sa bagong batch ng mga teen stars ng Sunday youth-oriented show ng ABS-CBN na LUV U.

Si Jairus ay unang nakilala noong bata pa sa Super Inggo kasama si Makisig Morales at sa Mutya na huling serye niya.

Pero ngayon nga, teenager na si Jairus at sa dalawang linggo na napapanood ang bagong batch nila sa LUV U, isa si Jairus sa sinasabing may malakas na dating, lalo na sa mga teen fans.

Masaya naman daw si Jairus na naging maganda raw ang pagtanggap sa batch nila.

Sabi nga niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin sa taping noong Lunes, July 1,“Siyempre, masaya po kasi, overwhelming kasi po ang ginagawa na para sa kanila. At masaya po, na naa-appreciate po nila ang ginagawa ninyo.”

Kahit paano, positibo raw ang “expectation” ni Jairus na tatanggapin naman daw ng manonood ang bago nilang batch na kinabibilangan din nina Kobi Vidanes, Sharlene San Pedro, Mika dela Cruz at Alexa Ilacad.

Saan nanggagaling yung “positive outlook” niya sa pagpasok nila?

“Expected ko na po yun, kasi, nandito po sila Nash. E, alam ko naman po na maraming supporters si Nash.

“Marami ring supporters sina Alexa. Nandiyan din naman po ang mga supporters namin na pupuwedeng sumuporta sa amin.

“Hindi ko naman po sinasabing papatok, pero, magiging okay siya. Hindi siya yung magbibigay ng disappointment,” paliwanag ni Jairus.

Dahil nga siya lang ang hindi kasama sa grupo ng mga bagong batch ngayon ng LUV U na produkto ng Goin’ Bulilit, hindi ba siya nahirapang mag-adjust sa grupo?

“Hindi naman po, kasi, kami naman po nila Nash, nagkakasama naman po kami sa Star Magic games. Nagkakasama naman po kami sa mall shows. Minsan, nagkaka-Moose Gear, parehas po kami ng sponsor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, may time po na nagkakasama at hindi naman po ako nahihirapan. Medyo okay na rin po at magkakaibigan naman po kami,” dagdag niyang paglinaw.

LOVETEAM PARTNER. Katorse anyos na si Jairus.

Pero, hindi pa raw niya alam kung kanino siya talaga maipe-pair sa tatlong bagong girls din.

Kung siya ang pamimiliin, sino kina Mika, Sharlene at Alex ang gusto niyang maipareha siya?

“Kahit sino naman po, kaibigan naman po natin.”

Yung choice niya nga lang?

“Si Sharlene po,” ang tila nahihiya pang pag-amin ni Jairus.

IDOLS. Sa ngayon, kung tatanungin daw si Jairus, isa sa pangarap niya ay ang makilala rin tulad nina Vhong Navarro at John Lloyd Cruz.

“Si Kuya Vhong po kasi, very light siya at saka, masarap kasama. Pero, si John Lloyd Cruz din po. Kasi, marami po siyang na-achieve. Maganda ang career niya ngayon.

“Maganda siyang gayahin.”

Puwedeng sabihin na masuwerte rin siya dahil hindi siya dumaan sa awkward stage na karaniwang pinagdadaanan ng mga teen-agers.

“Opo nga, pero, nabakante rin po ako, siguro po, mga months. Pero, nagpapasalamat po ako kasi, kahit paano po, may MMK, Wansapanataym na naibibigay po sa akin.”

MORE TWITTER FOLLOWERS. Sa ilang linggo pa lang nilang exposure sa LUV U, may nakikita na ba siyang kaibahan tulad na lang kung nararamdaman na ba niyang mas nakikilala at dumarami na rin ang fans niya?

“Opo,” mabilis naman nitong sagot.

“Dalawa po kasi ang Twitter ko. Yung isa, na-hack. Yung first Twitter account ko, nasa 6,000 or 7,000 lang po ang followers.

“Pero, ngayon, umabot na po siya ng 11,000. Sobrang saya ko po kasi ngayon, mas napapansin na, mas dumarami na po sila.

“Sobrang saya ko lang po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN