Jake Vargas thanks Bea Binene for steering him away from his "bad influence" friends

Jake on Bea’s concern for his welfare: “Nag-usap kami na parang, napag-usapan namin na iiwasan ko yung mga ganung bagay kasi iyon nga, sinasabi niya na baka masira ako sa ganun.”


Sa nalalapit na pagtatapos ng Home Sweet Home, ang buong cast daw na kinabibilangan nina Raymart Santiago, Roxanne Guinoo, at Jillian Ward ang mami-miss ni Jake Vargas.

Hindi naman niya mami-miss si Bea Binene dahil magkasama pa rin naman sila sa Pepito Manaloto at sa Sunday All Stars ng GMA-7.

At sa taping ng Home Sweet Home sa Plaridel, Bulacan kahapon, July 5, naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jake kung ano ang pinakagusto niya kay Bea.

“Ah, yung simple lang, yung mukha niya maliit ’tsaka okay si Bea para sa akin, mabait siya. Siya yung tipong babae na pagkakatiwalaan mo sa lahat,” pagmamalaki ni Jake.

May ugali ba si Bea na gusto niyang mabago?

“Wala naman, wala naman. Okay na ako sa kanya ngayon.”

Open na sina Jake at Bea na may relasyon sila.

“Nung Alice [Bungisngis] pa kami, e. Mahigit one year na,” saad nito.

May nadidiskubre pa ba siya sa girlfriend niya?

“Wala naman.”

Lagi rin daw siyang updated sa mga nangyayari kay Bea, maging sa schedule ng kasintahan.

“Updated naman ako sa kanya, sa mga nangyayari sa kanya, kung saan siya pupunta, kung may mall shows siya, kung may pictorial siya,” kuwento ni Jake.

RELATIONSHIP WITH BEA. Mahigit isang taon na ang relasyon nila. Sa pagkakaalala ni Jake, nagsimula ito noong February 5, 2012

“Si Kuya Germs po ang nagbulgar,” sabay tawa ni Jake.

Hindi naman daw siya nainis ng ibulgar ng manager niyang si German Moreno ang relasyon nila ni Bea.

“Nagulat lang pero ready naman ako kasi alam ko naman na sasabihin niya talaga, e,” paliwanag niya.

Bakit ba itinago nila ang relasyon nila?

“E, para po hindi agad maano... wala lang po, napag-usapan lang po namin na parang okay na po yung ganun,” paliwanag ni Jake.

Mas maganda kung inamin nila agad, makakatulong pa sa loveteam nila ni Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pansin naman po ng mga fans ’yon. Sila na ang bahalang makadiskubre sa amin,” at muling tumawa si Jake.

Isa rin si Jake sa naapektuhan ng sobra sa naging eskandalo nina Bea at Atty. Ferdie Topacio

“Oo, medyo po.”

Nasaktan ba siya o nagalit sa nangyari?

“May time na ganun, na dumarating sa point na parang naiinis din... naiinis, nagagalit.

“Pero okay na yun e, past na so wala na, tapos na.”

GIFTS. Ang pinakamahal na nairegalo na niya kay Bea...

“Nung nagpunta po ako sa States bumili ako ng bag para sa kanya.”

Michael Kors ang brand ng naturang bag na regalo ni Jake sa girlfriend niya.

Si Bea naman, ang pinakamahal na naibigay na sa kanya…

“Binigyan niya po ako ng relo na Lacoste po.

“Hanggang holding hands lang po, mga ganyan,” ang sagot naman ni Jake kung hanggang saan na umaabot ang sweetness nila ni Bea.

BI FRIENDS. Naresolba na rin daw ang isyu na hindi nagugustuhan ni Bea ang mga kaibigan ni Jake na bad influence sa binata.

“Opo, naayos na po. Okay na po.”

Ang mga naturang friends na BI ay nagtuturo diumano kay Jake na uminom at palaging gumala.

“Nag-usap kami na parang... napag-usapan namin na iiwasan ko yung mga ganung bagay kasi iyon nga, sinasabi niya na baka masira ako sa ganun,” dagdag pa ni Jake.

Hindi siya nahirapan na mamili kina Bea at sa mga barkada niya.

“Sa akin po mas okay yung ganun.”

Hindi naman raw niya kagalit ngayon ang mga naturang kaibigan niya.

“Friends ko pa rin sila pero lie low muna po, lie low lang.”

IDEAL WEDDING AGE. At dahil mga bata pa sila ni Bea, hindi pa raw nila napag-uusapan ang tungkol sa pagpapakasal.

Tumawa muna si Jake bago sinabing…

“Kasal agad? Wala po trabaho muna po, trabaho lang muna, ipon muna, ipon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Thirty-years-old raw ang ideal age para mag-asawa, ayon kay Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN