Bea Binene on "secret" relationship with Jake Vargas: “Mas peaceful kasi kapag walang nakakaalam.”

Bea on advising Jake to distance himself from his "bad influence" friends: “Kasi ako siyempre concerned kasi ako sa kanya. Hindi ko naman sinasabing layuan niya talaga pero ang sinasabi ko is watch out sa people around you kasi you don’t know baka tine-take for granted ka lang, ganun.”


Inamin na rin ni Bea Binene na matagal na pala silang may relasyon ni Jake Vargas.

Ipinaliwanag naman ng Kapuso teen star kung bakit nila itinago ang kanilang relasyon na mahigit isang taon na.

“Hindi, parang mas ano po kasi, mas peaceful kasi kapag walang nakakaalam, yung ganun,” panimulang bungad ni Bea nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan.

February 5, 2012 pa sila mag-on ni Jake.

Ibig ba niyang sabihin, ngayong alam na ng publiko ay hindi na magiging peaceful ang relasyon nila ni Jake?

“Hindi naman po. Hindi naman po sa ganun. Hindi naman po ganun yun.”

Sa tingin ba niya ay mas makakatulong sa loveteam nila ngayong umamin na sila?

“Siguro po, siguro oo.”

KUYA GERMS, THE CULPRIT. Kaya sila napaamin ay dahil mismong ang manager ni Jake na si German Moreno o Kuya Germs ang nagbulgar tungkol sa relasyon nila.

“Nagulat lang po ako, bigla akong tumawag kay Tito Germs,” at natawa si Bea.

In a way ba ay nagpapasalamat siya na out in the open na ang relasyon nila?

“Opo naman.”

Ang pinakagusto ni Bea kay Jake…

“Kasi si Jake gentleman e... gentleman, mabait, at saka, kini-care, sobrang caring niya na tao.”

Sa pisikal naman, ang gusto ni Bea kay Jake ay…

“Yung mata ’tsaka ilong.”

At bilang girlfriend, may gusto ba siyang baguhin sa pagkatao ni Jake?

“Gustong mabago? Wala siguro, ganyan lang.”

WELL-MEANING ADVICE. Sinunod siya ni Jake sa payo niyang pag-iwas sa mga kaibigan ng binata na bad influence.

“Wow! Kasi ako siyempre concerned kasi ako sa kanya.

“Hindi ko naman sinasabing layuan niya talaga pero ang sinasabi ko is watch out sa people around you kasi you don’t know baka tine-take for granted ka lang, ganun.

“Iyon ang sinabi ko sa kanya tapos, ’yon,” saad ng dalaga.

Masaya si Bea na alam na ng publiko na sila na ni Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Opo naman, opo naman, opo.”

Habang kausap namin si Bea sa taping ng Home Sweet Home ng GMA-7 sa Plaridel, Bulacan kahapon, July 5 ay naka-prosthetics ang young actress bilang isang pangit na kuba.

Kaya tinanong namin siya kung gaano katagal inilalagay sa kanya ang naturang prostehtics.

Aniya, “Mabilis lang ito kasi water-based lang, e. Mga thirty minutes lahat.”

Sino ang mami-miss niya sa nalalapit na pagtatapos ng Home Sweet Home?

“Lahat ng kasama sa show,” bulalas ni Bea.

“Yung cast, yung bonding sa set, ’yon.”

DUAL ROLE. Dual role ngayon si Bea sa Home Sweet Home bilang totoong Lucy na mabait at pekeng Lucy na salbahe.

Pag-amin ni Bea, “Mahirap po kasi ako po talaga, since nung storycon [story conference] pa lang nung nalaman kong may doppelganger [double]...

“Natakot po ako kasi baka mamaya mag-isa lang yung acting, isang atake lang ng acting.

“Pero ngayon natuwa naman po ako kasi mga reviews naman sa Twitter, ganyan sinasabi sa akin, na ibang-iba daw.

“At saka ako napapanood ko naman, na kahit papaano iba naman sila kaya natutuwa naman ako.”

At dahil dual roles nga ang ginagampanan niya, tinukso naman siya kung doble rin ba ang talent fee niya?

“Hindi po, e. Sana nga po dalawa e,” at tumawa si Bea.

“Mahirap po itong si real Lucy kasi naka-prosthetics, kuba pa tapos nakangiwi ka pa.”

DARNA WITH LESS SKIN. Kung tatanungin siya ng GMA kung ano ang gusto niyang sususnod niyang project…

“Kahit ano naman po ang ibigay nila.”

Pero kung papipiliin siya...

“Action talaga, action, mala-Angelina Jolie, mala-Salt, ganun.”

Kung Darna?

“Darna po pero balot, puwede po iyon. Darna pero balot,” sagot niya.

EDGY, NOT SEXY IMAGE. At fifteen, natural lang na hindi pa siya inaalok ng FHM si Bea.

Pero kapag nasa tamang edad na siya at alukin siya ng sexy pictorial ng naturang men’s magazine...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay wala po sa pangarap ko ’yan.”

Kahit eighteen na siya?

“Wala po sa pangarap ko ’yan.”

Ayon pa kay Bea…

“Kapag ganun parang, parang kapag nag-FHM ka na parang magpupunta ka na sa sexy na ano... sa daring na side, pero parang, ako ayoko ng ganun.”

Gusto niya ang kanyang sweet image.

“Hindi naman sweet pero parang ang gusto ko yung path ko yung ganito na, edgy, tough... ganun.”

In time, pagdating ng panahon at tamang edad, nakikita na ba niya na sila ni Jake ay magkakaroon ng “home sweet home?”

“Naku, malayo pa yun,” mabilis na reaksyon ni Bea.

“Malayo pa yun. Kasi ngayon po, parang kahit ano, alam pa rin namin yung priorities namin.”

LOYAL KAPUSO. Limang taon ang kontrata ni Bea sa GMA-7, dalawang taon na ang nagagamit niya.

May natanggap raw si Bea na offer mula sa ibang network pero...

“E kasi ako masaya na po ako sa GMA, masaya na po ako dito, dito na po ako lumaki, e. Masaya na ako sa... kumbaga, ito na yung pamilya ko, kaya dito masaya na ako,” diin niya.

Kung papipiliin naman siya ng ibang leading man sa susunod niyang project, sino ang pipiliin niya?

“Wala.”

Si Jake ulit?

“Kung puwede,” sabay tawa ni Bea.

“Joke lang. Kung sana kung kami pa ring dalawa, kasi gamay na namin ang isa’t isa, e. Pero kung may ibibigay naman po ang GMA kahit sino naman okay naman sa akin, basta bigay ng GMA.

“Pero siyempre maninibago pa rin po ako. Kasi ibang pakikisama, mangangapa pa kami sa isa’t isa sa mga eksena.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN