Shalala on the making of his launching movie: “Ang hirap pala talagang may starring role, ibibigay mo yung buong buhay mo, pagkatao at oras mo.”

Shalala got misty-eyed when he uttered one of his lines in the movie which went: ‘Ganito ba talaga ang buhay, lagi na lang akong supporting role?”


Ilang shooting days na lang at matatapos na ang launching movie ni Shalala na Echoserang Frog.

Sa tuwing nakakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang comedian, lagi niyang sinasabing hindi pa rin daw siya makapaniwalang may nagsugal para i-produce ang kanyang launching movie.

Masayang kuwento niya sa PEP last Tuesday, July 2, “Third shooting day na namin ito, ito na yung mga may matitinding eksena.

“Noong nakaraan, nilublob ako sa putik as in putik talaga with crying scene and everything and merong ulan from the firemen.

“Ngayon naman, ito yung iyakan kasi ito yung moment na nagkagalit kami ni Kiray, yung Jessa na best friend ko dito.

“Hindi naging maganda ang takbo ng buhay ko dito, nagkandautang-utang kami, kailangan kong magbayad kaya rumaraket ako, nag-clown-clown ako rito.”

Seryosong kuwento pa ni Shalala, “Tapos naiyak ako dun sa isang line na sinabi ko, ‘Ganito ba talaga ang buhay, lagi na lang akong supporting role?”

Excited din si Shalala sa araw na yun dahil nakatakdang mag-guest si German “Kuya Germs” Moreno sa pelikula niya.

Saad niya, “Tonight kukunan ang eksena naming dalawa. Ito yung eksena na may sunog-sunog, medyo comedy.”

Dagdag pa nito, “Yung sunog na eksena kasama namin si Lilia Cuntapay, si Vin Abrenica at saka si Jojo Alejar.”

STAR-STUDDED. Masaya din si Shalala na maraming artista ang nagpaunlak na magkakaroon ng cameo role sa movie.

Saad niya, “Oo nga, nabibigla ako, di ba may Wendell Ramos, may Dennis Padilla, may Joross Gamboa, Odette Khan, may Marco Alcaraz...

“Tapos kanina si Angelu de Leon, tapos umoo na si Derek Ramsay, at si Iza Calzado naka-schedule na rin.”

May pinangarap ba siyang makasama dito?

Lahad niya, “Si Ate Guy [Nora Aunor], si Ate Vi [Vilma Santos], si Sharon [Cuneta], pero isa pang dream ko na makasama dito yung mag–asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo pero according kay Noel [Ferrer], pagkadating galing Japan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala ba siyang kissing scene?

Halakhak nitong tugon, “Wala nga e, ayaw nila. Bed scene meron ako, kaso lagi akong natutulog, tapos tumatayo yung ka bed scene ko, ayun tapos na ang bed scene. Walang nangyayari.”

MEMORABLE. Memorable daw para kay Shalala ang nasabing movie dahil first time daw niyang may mahabang exposure sa pelikula.

Kuwento niya, “Memorable, kasi kilala niyo naman ako, sa pelikula laging ten minutes lang ang eksena ko, mahaba na yun... patay na agad ako pero ito mahaba.

“Alam mo, ang hirap pala talagang may starring role, ibibigay mo yung buong buhay mo, pagkatao at oras mo.”

Anong mga natutunan niya sa paggawa ng pelikula?

Sagot nito, “Mahirap pala, tapos makikisama ka mula sa utility paakyat hanggang kay Direk.”

Anong leksyon naman kaya ang matutunan ng mga tao dito?

Tugon niya, “Meron naman, parang ang feeling ko meron naman. Andito yung tunay na pakikipagkaibigan, na yung kaibigan na totoo.”

Nakikita niya ba ang sariling mananalo ng Best Actor sa mga award giving bodies next year?

Natatawang sagot nito, “Ayoko, baka mabuta, ang hirap, pero siguro maka-break even lang dito yung producer okay na sa akin yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN