Kiray Celis on Echoserang Frog co-star Shalala: “Hindi kami loveteam dito, baka masuka ako.”

Kiray on her "virgin lovelife" and finding her ideal man: “Sobra, sobra, never pa akong nagkaka-boyfriend so sobrang virgin ako sa lovelife. Ayoko, ayoko muna ng lovelife parang ano... bago ako magka-lovelife magkaroon muna ako ng bahay at own car ko. Pag yun nagkaroon na ako, push!”

“Kung merong guwapo tapos mayaman, pero kung mayaman pero hindi ganun ka-guwapo okay lang, ayaw ko nang maging mahirap, sawang-sawa na akong mag


Isang iyakang eksena between Shalala at Kiray Celis ang nadatnan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng pelikulang Echoserang Frog sa isang private resort sa Marikina noong Martes, July 2.

Ito ay isa na raw sa mga highlights sa launching movie ng radio and TV host comedian na si Shalala.

Matapos ang scene, masayang nagpaunlak ng panayam si Kiray, ang nagsisilbing co-star ni Shalala sa indie film na isinulat at idinerek ni Joven Tan.

Kuwento ni Kiray, “Ang role ko dito ay best friend ni Shalala.

“Sobrang nakaka-touch and proud kasi balita ko ako yung choice niya bilang best friend so na-touch naman ako kasi sobrang love ko talaga si Shalala kahit lagi niya akong bina-blind item.”

“Sobrang love din naman niya ako at ganun din ako sa kanya.

“Nag start yung friendship namin nung nagkasama kami sa movie, sobrang saglit lang yun parang isang araw lang pero parang ang tagal na naming magkakilala and ang dali kasi niyang maging kaibigan, e.

“Sobrang kulit niya, parehas kaming makulit, madaldal, bakla, so parang nag-swak lang kami.”

Natatawa pa niyang dugtong, “Hindi kami loveteam dito, baka masuka ako.

“Bestfriend... very, very, very loyal and supportive friend.”

Anong mga natutunan niya sa istorya ng Echoserang Frog?

Aniya, “Siguro pahalagahan yung mga kaibigan mo kasi sila ang next to family mo.

“Siguro may mga kaibigang iiwanan ka pero may mga kaibigan din namang tapat at tunay na magmamahal sa ’yo at lagi silang nandiyan para sayo.”

VIRGIN LOVELIFE. Napuno naman ng tawanan ang set nang mapadako sa lovelife ang usapan dahil aminado ang dalaga na “virgin” pa siya pagdating sa pag-ibig.

Kuwento niya, “Sobra, sobra, never pa akong nagkaka-boyfriend so sobrang virgin ako sa lovelife.

“Ayoko, ayoko muna ng lovelife parang ano... bago ako magka-lovelife magkaroon muna ako ng bahay at own car ko. Pag yun nagkaroon na ako, push!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dahil may time na akong magka-lovelife kung magkaroon na ako ng bahay at magka kotse.

Dagdag pa niya, “Chill lang ako ngayon and I’m not in a hurry para magkaroon ng lovelife.

“I’m not in a hurry para magkaroon ng isang relasyon pero alam ko na life is short pero maraming oras para sa pagkakaroon ng lovelife ’tsaka feeling ko hindi pa siya dumarating.

“Hindi pa dumarating yung right time, kung dumating man yung right guy, wala pa sa right time, so kailangang right guy, right time, and right place and right moment.”

Pabiro pa niyang sabi, gusto daw niya magka-boyfriend nang mayaman.

Halakhak niyang kuwento, “Oo naman, kung merong guwapo tapos mayaman, pero kung mayaman pero hindi ganun ka-guwapo okay lang.

“Ayaw ko nang maging mahirap, sawang-sawa na akong maging mahirap. Gusto ko nang magpaka-donya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN