Direk Brillante Mendoza on being knighted by French government: “Siyempre proud ako dahil Filipino ako at Filipino ang nabigyan ng ganitong recognition.”

Direk Brillante on his latest citation: “Oo, siyempre naman pag binibigyan ka ng ganitong recognition pakiramdam mo naba-validate lahat ng hard work mo, naba-validate lahat ng trabaho mo so nai-inspire ka. Nai-inspire ka na gumawa pa ng mas maayos, na yung ginagawa mo ay sigurong may maganda dun so dapat ipagpatuloy lang yun.”


Bilang pagpugay sa mga de kalidad na pelikula na nilikha at idinirihe niya na kinilala hindi lang dito sa atin kundi maging sa ibang bansa, kamakailan nga ay itinanghal si Direk Brillante Mendoza bilang recipient ng prestigious title na Chevalier dans l’Ordre des Artes et Lettres o Knight of the Order of Arts and Letters ng French Ministry of Culture.

Si Direk Brillante ang kauna-unahang Filipino director na napagkalooban ng nasabing rekognisyon dahil sa mga kontribusyon ng mga nalikha niyang mga pelikula sa larangan ng sining at kultura.

“Pinadala yung certificate sa opisina, akala ko kung ano yun, na galing sa French Embassy. Tiningan ko, yun na nga, I was given recognition ng French Ministry of Culture.

“Binibigay ang award na ito o yung rekognisyon na ito sa isang indibidwal sa buong mundo kung mayroon kang kontribusyon sa field ng culture or sa arts.”

“Actually, sa aspetong yan nalaman ko na ako lang nung ni-research namin, tiningnan na ako pa lang ang nabigyan sa field ng film making sa Pilipinas.

“Unang-una hindi lang ito sa pag-recognize sa mga pelikula, hindi lang ito sa pag-recognize sa akin kundi pag-recognize sa kontribusyon ko hindi lang sa pelikula kundi sa kultura at hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

“So, yun ang nakakataba ng puso dun at nakakaganda ng pakiramdam... na na-recognize tayo at siyempre proud ako dahil Filipino ako at Filipino ang nabigyan ng ganitong recognition,” pagpapasalamat ng batikang direktor.

AWARDING FORMALITIES. Ayon kay Direk Brillante, nakadalo na siya sa nasabing awarding na ito sa Paris, France. Sa ganitong sitwasyon na wala ka sa nasabing bansa, ibibigay naman daw ito sa embahada ng bansa kung saan ka naninirahan.

“Normally, pag nasa Europe ka binibigay ’yan sa France, sa Paris kasi naka-attend na ako ng ganitong okasyon two years ago.

“Kung nasa Pilipinas ka o nandun ka bansa mo, usually sa embassy. Pinapadala sa embassy tapos may okasyon sa embassy. Doon nila binibigay, doon ka nila gagawaran ng recognition.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sasabihin nila sa akin kasi tumawag palang sila sa akin ngayon, wala pang definite date pero gagawin nila in the near future,” dagdag niyang kuwento.

Kabilang sa mga kilalang celebrities na nabigyan na ng ganitong karangalan sina Tim Burton, George Clooney, Jude Law, Rudolf Nureyev at Shakira.

INSPIRATION. Para kay Direk Brillante, ang ganitong karangalan ay nagsisilbing inspirasyon para sa kanya dahil patunay lamang ito na may ginagawa siyang tama at nakakatulong sa sining at kultura.

“Oo, siyempre naman, pag binibigyan ka ng ganitong recognition pakiramdam mo naba-validate lahat ng hard work mo, naba-validate lahat ng trabaho mo, so nai-inspire ka.

“Nai-inspire ka na gumawa pa ng mas maayos, na yung ginagawa mo ay sigurong may maganda dun so dapat ipagpatuloy lang yun,” saad niya.

THY WOMB GOES GLOBAL Kamakailan ay nanalo bilang Best Actress sa Gawad Tanglaw si Ms. Nora Aunor para sa pelikulang Thy Womb.

Masaya si Direk Brillante sa mga pagkilalang tinatanggap sa ngayon ng Superstar dahil sa mahusay nitong pagkakaganap at sa pagkilala din ng nasabing pelikula hindi lang dito kundi maging sa ibang bansa.

“Natutuwa ako siyempre magaling siyang artista, dapat lang na parangalan siya tapos yung pelikula ngayon nasa Munich siya, nagku-compete siya.

“At this point, two days ago naipalabas siya sa Munich tapos Amsterdam. Ipapalabas din siya sa Russia in the coming months. Tapos ipapalabas din siya sa ibang parte ng Europe at the end of the year,” detalye pang kuwento ni Direk Brillante.

DOCUMENTARIES, ADVOCACY WORK. Kinumusta namin kung anu-ano pa ang mga pinagkakaabalahan niya sa ngayon. Bukod sa pelikulang Sapi ay nakatutok din pala ngayon si Direk Brillante sa paggawa ng mga documentary films na kaugnay sa kanyang advocacy work.

“Katatapos lang namin nung Sapi. Ang artista dito si Baron Geisler, si Dennis Trillo saka si Meryll Soriano. Tungkol ito sa paranormal activities dito sa atin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Puro mga advocacy work kasi ang mga ginagawa ko, e.

“Tungkol sa halibawa may disaster short films kami ngayong ginagawa, it’s a documentary tungkol sa mga disaster na nangyayari ngayon sa atin.

“Tag-ulan na naman, may bagyo, may baha, so dapat i-prepare ang mga tao sa kung ano ang gagawin nila pag may ganitong mga kalamidad,” pangwakas niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN