Iza Calzado is Pilar Pilapil’s personal choice to play her younger version in Muling Buksan Ang Puso

Iza Calzado on Pilar Pilapil: “Parang she’s so classy in my eyes, ang talino niya the way she answered questions. Tapos, may certain strength... hindi nga strength, parang nakakasindak nga, e, di ba? Yung presence niya, ang lakas—mapi-feel mo kaagad."


Magiging bahagi rin si Iza Calzado ng bagong primetime series ng ABS-CBN na Muling Buksan Ang Puso bilang young Pilar Pilapil.

Ang higit ikinatuwa ng aktres ay mismong si Pilar daw ang nag-request na si Iza ang gawing young Pilar sa flashback scenes ng teleserye na magsisimula ngayong gabi, July 8.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iza sa set ng Muling Buksan Ang Puso last week ay hindi matapus-matapos ang pasasalamat niya sa beteranang aktres.

Pahayag ni Iza, “Ni-request daw ako ni Ms. Pilar.

“Tuwang-tuwa ako, kasi love ko si... nabasa ko ang life story niya [Pilar], I bought a book niya, tapos I’ve always loved her."

Kuwento pa niya, “Hindi pa ako artista, in-interview siya ni Kuya Boy [Abunda] sa Private Conversations With Boy Abunda.

“Sabi ko, ‘Gosh, ang ganda-ganda ng babaeng ito!’

“Parang she’s so classy in my eyes, ang talino niya the way she answered questions.

“Tapos, may certain strength... hindi nga strength, parang nakakasindak nga, e, di ba?

“Yung presence niya, ang lakas—mapi-feel mo kaagad.

“Na-flatter ako when they say nga na... they got in touch with me, kasi request nga ‘ata ni Ms. Pilar.

“So, sabi ko, sige. Tutal, malamang, hindi naman ako magsu-soap this year at guesting lang naman siya.’

“Kasi, ginagawa pa namin yung Biggest Loser.

Si Iza ang host ng Biggest Loser Doubles, ang second season ng Biggest Loser Philippine Edition at siyang pumalit kay Megastar Sharon Cuneta na nasa TV5 na ngayon.

FIRST CHOICE. Sa tingin niya, sa dinami-dami ng mga artistang babae, bakit siya ang napili ni Pilar Pilapil na gumanap bilang batang Pilar sa teleseryeng?

Sagot ni Iza, “Ay, hindi ko po alam.

“Ayaw ko pong mag-assume, tanungin n’yo na lang po siya. Nag-meet na kami dati ni Tita Pilar.

“At saka po, hindi rin ko rin alam ang istorya lalo na’t hindi ko naman teleserye ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala po akong karapatang magsalita, ako po ay guest lamang dito.”

Naiparating na ba ni Iza ang pasasalamat niya sa award-winning actress?

Nahihiyang sagot ni Iza, “Hindi pa, kasi hindi ko naman alam ang number niya.

“Siguro pag nagkita na lang kami, or maybe I’ll leave a note at ipabigay ko na lang sa kanila [production staff] or something. Ganoon.”



BIGGEST LOSER. Kailan naman nakatakda ang susunod niyang teleserye sa ABS-CBN?

Ang una at huling drama series na ginawa niya ay ang Kahit Puso’y Masugatan with Gabby Concepcion, Andi Eigenmann, and Jake Cuenca.

Ani Iza, “Hindi ko pa alam kung meron akong gagawin this year.

“Kasi, ayaw ko namang isabay sa Biggest Loser na ginagawa pa rin namin ngayon.

“Nag-grind na kami for Biggest Loser, pero sporadic taping days pa lang, naka-camp pa yung mga contestant."

Napanood ba niya yung unang season nito?

“Parts of it, pero hindi yung buo... but I have to.

“Yung sa amin, doubles na.

"Kahit kami, yung dynamics niya kasi, dati si Ate Shawie [Sharon] at Derek [Ramsay], now we have the TBL [Team Biggest Loser]—sina Robi [Domingo], Matteo [Guidicelli], and the two coaches.

“Ako naman, minsan din akong naging... iba kasi yung oveweight sa chubby, e. Iba kasi yung... it’s a very personal story.

“But I’m so priviledged na makakapagbigay ako ng inspirasyon sa maraming tao.

“Abangan ninyo kasi para maging maganda ang pag-aabang ng mga tao, magsi-share din ako ng mga kuwento ko.”



HEALTH REGIMEN. Noong bata pa si Iza ay nagkaroon din siya ng problema sa timbang, until ginawa niya ang lahat para pumayat.

Ngayong more than fit na siya, nahihirapan ba siyang i-maintain ang kanyang timbang at may kurba ang katawan?

Sagot ng 30-year-old actress, “Mahirap, hindi siya madali.

“At saka, mahirap, nandito ka sa industriya na peferct lahat, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, sige lang, hindi ako maggi-give up, hindi ako susuko.

“Diyeta-diyeta, workout... Heto nga, sa kaka-workout ko, na-injure ko yung likod ko.

“Ilang days na akong hindi nakaka-workout, which is a long time for me... promise.

“Kasi hindi talaga lumalampas ang two or three days na hindi ako nagwo-workout, anything, kahit takbo lang sa ano.”

Paano nakuha ni Iza ang injury niya sa likod?

Aniya, “Parang ligaments sa likod ko, nakuha ko sa pagyu-yoga.

“Parang nagmadali ako doon sa last pose... pero okay naman.”



IN LOVE. Iba-iba ang aura ngayon ni Iza. May kinalaman ba ito sa kanyang masayang lovelife ngayon?

Ang boyfriend ni Iza ay ang Filipino-British entrepreneur na si Ben Wintle.

Natatawang sagot ng award-winning actress, “Lagi naman akong in love. Charot!

“Nakakatulong lang, kasi pareho kami ng lifestyle.

"Hindi mo ako mapapa-date na ibang-iba ang lifestyle sa akin. Kailangan athletic siya, he works out, kailangan pihikan din sa pagkain.

"Kasi, kung hindi, dyusko, pareho kaming lalaki if ever!”

May balita pa ngang ikakasal na raw siya.

“Ha?” balik-tanong niyang halos mamilog ang mata.

“Bata ko pa, kaedad ko lang si Julia [Montes]!” biro ni Iza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN