Amy Perez might leave Face To Face because of body pains

Makikipag-usap pa lamang daw ngayong araw, July 8, si Amy Perez sa TV5 executive na si Percy Intalan tungkol sa napapabalitang pagre-resign niya sa Face To Face. Pero inamin ng TV host na marami siyang iniindang sakit sa katawan na nakasasagabal sa kanyang trabaho.


Ikinalungkot ng loyal viewers ng Face to Face ng TV5 ang balita tungkol sa resignation ni Amy Perez bilang host.

Si Amy ang host ng “talak-serye” ng TV5 mula nang magsimula ito noong March 2010. Isa ang Face To Face sa toprating programs ng Kapatid Network bago ito inilipat sa afternoon timeslot.

Bilang “Tiyang Amy,” marami ang pinahanga ni Amy dahil sa mga word of wisdom na ibinahagi niya sa televiewers at sa mga problema na tinalakay sa Face to Face na nabigyan ng solusyon.

Agad na hiningi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Amy tungkol sa resignation issue.

Ayon sa kanya, ngayon pa lamang sila mag-uusap ng TV5 executive na si Perci Intalan.

“Mag-uusap pa kami ni Perci today.

"Physically, hindi ko na kaya.

“I thought recovered na body ko. Alam mo naman, medyo marami ako pain sa neck at back now."

Sa mga hindi nakakaalam, regular ang pagbisita ni Amy sa isang therapy clinic para mabawasan ang mga sakit sa katawan na kanyang nararamdaman.

Kung matutuloy ang resignation ni Amy sa Face to Face, ang Good Morning Club na lamang ang magiging programa niya sa TV5 dahil noong Sabado (July 6) ang huling taping ng Ang Latest Updated, ang showbiz-oriented talk show nila nina House Representative Lucy Torres-Gomez, Joey Reyes, Mr. Fu, at Cristy Fermin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN