Raymart Santiago on avoiding intrigues: “Hindi tayo magpapaapekto sa mga bagay-bagay na ganyan.”

Raymart Santiago on status of his personal life: “It could have been better, but for now, kung ano yung nandiyan, iyon na lang muna ang pagtutuunan ng pansin.”


Dinalaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng GMA-7 early primetime series na Home Sweet Home sa Plaridel, Bulacan noong Biyernes, July 5.

Dito namin naabutan ang male lead ng teleserye na si Raymart Santiago.

Tinanong namin ang aktor kung paano niya naiiwasang mainis at dalhin sa trabaho ang mga intriga at isyu na ipinupukol sa kanya.

Tugon ni Raymart, “Hindi, kasama naman sa trabaho ‘yan.

“Pero pag may mga ganoon, dapat hindi dinadala sa trabaho yung mga yun.”

Hindi ba siya naiinis o nagagalit kapag may mga balitang hindi maganda tungkol sa personal niyang buhay?

Sabi ng Kapuso actor, “E, tao lang tayo, pero hindi natin kailangang dalhin sa trabaho ‘yan.

“Hindi tayo magpapaapekto sa mga bagay-bagay na ganyan.”

Kung ire-rate ni Raymart, from one to one hundred, ang kaligayan niya sa kanyang career, ilang porsiyento ito?

“Okay naman, happy naman ako... nasa ninety percent.”

Ano naman ang rate niya sa kanyang personal na buhay?

“Paiba-iba, e, depende sa gising!” at tumawa ang aktor.

Ang gising niya nitong umaga?

“A, siguro, hindi ko masagot, e!” at muling natawa si Raymart.

“Hindi ko pa maano kung ano, wala, wala pang number [rating].”



RELIEVING STRESS. Kumusta siya ngayon?

Sagot ni Raymart, “Okay, okay naman na ako.

“It could have been better, but for now, kung ano yung nandiyan, iyon na lang muna ang pagtutuunan ng pansin.”

Paano niya nao-overcome ang mga pagsubok sa buhay? Paano siya naglilibang?

“Ayun, pagluluto, or pag-entertain ng mga friends, pagdyi-gym.”

Regular ba siyang mag-workout?

“Well, pag may time. Yung dati, noong hindi pa nag-i-start itong Home Sweet Home, every day.

“Ngayon, mga twice a week, or three times.”

Doon niya ibinubuhos ang stress, kung meron man?

“Hindi, dahil iyon ang focus ko rin, e, yung parang hindi na tayo bumabata, hindi ba?

"Magku-kuwarenta na ako,” banggit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw siya mahilig lumabas at gumimik kahit may free time.

“Wala. Ano lang naman ako, hindi naman ako palalabas na tao.

“Ganoon din kung ano yung paggising ko, kung wala kong ginagawa, magpupunta lang sa gym.

“Usually ganoon lang, hindi ako mahilig lumabas, e,”



SIDELINE. May restaurant si Raymart, ang Red Garlic, na pinag-uukulan din niya ng panahon.

Kuwento niya, “Three months na ‘ata umaandar iyon.

“Minsan, doon sa restaurant, let’s say meron kaming paella night, Spanish night, ako yung nagluluto doon.”

Paano siya natutong magluto, kumuha ba siya ng culinary lessons?

“Hindi culinary cooking, pero cooking na ano lang.

“Iyon, nagluluto kami, on-the-spot cooking doon, tapos sine-serve namin.”

Ano ang specialty ni Raymart?

“Well, for me, depende kung ano yung nasa mood, depende kung ano yung maisip mo.”

Kapag masaya siya, ano ang niluluto niya?

“Wala. Actually, kung ano lang yung mahiligan ko.

“Let’s say iyon yung mga lechong ganyan, nagle-lechon ako.”

Kapag malungkot siya, ano ang niluluto niya?

“Mahirap magluto nang malungkot—mapait!” tawa niya.

“Yung mga baun-baon ng mga anak ko, minsan pag nagre- request sila.”



FOOD FOR THE KIDS. May mga madalas bang request ang mga bata sa kanya?

“Yung mga cookies, cake... kung ano yung request nila. Tapos, yung mga bread, mga pandesal.

“Dati akala nila, yung mga anak ko, pag pandesal, ako nagluluto.

“Nagluluto ako, pero hindi naman palagi.

“Let’s say pag bumili ng bread, akala nila luto ko yun.

“Kasi, napagluto ko sila dati ng pandesal, so akala nila pag tinapay ako ang gumawa.”

Ano ang regalo niya sa adopted daughter nila ni Claudine Barretto na si Sabina, na nag-birthday kamakailan?

“Ang aking pagmamahal!” sabay tawa niya.

Wala siyang regalo?

“Meron, sa amin na lang yun,” matipid na sagot ni Raymart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN