Raymart Santiago on doing gay and daring roles: “Pag yung focus ko, hindi one hundred percent doon, hindi ko gagawin.”

Raymart Santiago on doing action roles: “Puwede, nakaka-miss din naman yung action. Oo, pag bibigyan ng project at nagustuhan ko naman, go.”


Sa Home Sweet Home ng GMA-7, dalawang karakter ang ginagampanan ni Raymart Santiago—isang mabait na Reden at isang salbaheng Reden.

Hindi ba siya nahihirapan sa dual role niya?

Sagot ng Kapuso actor, “Hindi naman... well, medyo, sa taping, medyo mahirap.

“Dahil after na gawin mo yung isang eksena, uulitin mo for the other character na same scene, di ba?

“Pero iyon lang, pero yung character itself, okay naman,” kuwento ni Raymart sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Home Sweet Home noong Biyernes, July 5, sa Plaridel, Bulacan.



DUAL ROLES. Bilang salbaheng Reden, sino ang peg niya?

“Wala, e. Kasi inisip ko kung ano, kung paano ko ia-attack yung role.

"Kung masyadong seryoso naman, di ba, parang nagawa na?

“Ginawa ko na lang na medyo light, na medyo kengkoy na ganoon.”

Since dalawa ang role niya, doble rin ba ang talent fee niya?

“Hindi, e. Sana nga, ano?” sabay tawa ni Raymart.

Sino ang mami-miss niya sa nalalapit na pagtatapos ng Home Sweet Home?

“Lahat, naging close din kami, at si Direk [Gil Tejada, Jr.], first time kong nakatrabaho si Direk.

“At looking forward na magkatrabaho ulit kami,” sabi ni Raymart.



CONTRACT. Per project ang kontrata ni Raymart sa GMA-7.

“Yes, for now, per project... ever since actually, ever since nag-start ako, per project.

“Well, iyon, inaayos na yung for the next, kung ano’ng magiging contract ko, kung exclusive na.”

Ano ang mas gusto niya, per project o exclusive o guaranteed?

“Well, kahit ano,” sagot ni Raymart.

“Basta masaya, basta may trabaho na ibininigay at masaya ka naman doon sa pinagtatrabahuhan mo.”

Inaayos na rin ang posibleng pagkakaroon ni Raymart ng guaranteed contract sa GMA-7.

Papayag ba siya kung gagawin na siyang exclusive contract artist ng Kapuso network?

Tugon niya, “Depende sa usapan, di ba? Kung okay naman, bakit hindi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas maganda nga rin yun dahil kahit papaano, protektado ka, di ba?”

Original at loyal na Kapuso si Raymart. Sa GMA-7 lamang siya nagtrabaho bilang TV star.

“1997 yata ako nag-start,” pag-alala niya.



ACTION ROLES. Wala pa siyang alam kung ano ang susunod niyang proyekto pagkatapos ng Home Sweet Home.

“Usually, pagkatapos naman niyan, doon pa lang sasabihin, e.

"Patapos pa lang ito, so wala pa,” sabi niya.

Kung siya ang papipiliin, ano ang gusto niyang kasunod na proyekto?

abi niya, “Yung ganito [family comedy], medyo enjoy ako sa ganito, e.

“Puwedeng dagdagan ng action, kasi yung ganitong project, nandito na rin naman lahat, e.

“Mas gusto ko rin sana yung para pambata din.”

Light lang ba ang gusto niya?

“Oo, nae-enjoy ko siya, e. Pero kung bibigyan ng iba, kukunin ko rin naman.

“Pero if given a choice, di ba? Gusto ko yung ganito na light.”

Sumikat noon si Raymart bilang isang action star, ayaw na ba niyang magpelikula?

“Kung bibigyan ng pagkakataon, bakit hindi?” sagot niya.

Sa action ba ulit?

“Puwede, nakaka-miss din naman yung action.

"Oo, pag bibigyan ng project at nagustuhan ko naman, go.”



POLITICS. Samantala, hindi raw kailanman naisip ni Raymart na pumasok sa pulitika.

“Hindi ko naisip ‘yan.

“Sa mga kamag-anak ko meron, sa aming magkakapatid wala.”

Si Raymart mismo, ayaw niya.

“Sa ngayon, masasabi ko, ayoko.”

In the future?

“Hindi ko alam e, hindi ko alam.”

So, may chance?

“Hindi ko rin alam talaga.

“Ngayon ayoko, dahil hindi ko naman maibibigay yung one hundred percent, dahil wala yata yung puso ko doon kundi dito sa showbiz.

“Kung saka-sakaling bigyan ng pagkakataon, bakit hindi?

“Pero sa ngayon, hindi ko pa iniisip kahit one percent na pumasok sa pulitika.”



GAY ROLES. Kung bilang artista naman ay alukin siya ng gay role, papayag ba siya?

“Hindi ko alam, hindi ko alam, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakagawa na raw siya noon.

“Dati, yung sa comedy-comedy.”

Kung seryoso na papel ng isang bading?

“Hindi ko pa alam... parang hindi.

"Pag hindi ko kaya, hindi ko gagawin, e, di ba?”

Hindi niya kaya ang aspeto ng acting o ang aspeto ng pagiging daring?

“Hindi, pag yung focus ko, hindi one hundred percent doon, hindi ko gagawin.

“Pero, di ba, kung sa tingin ko kakayanin ko, bakit hindi?

“Pero for now din, hindi ko pa ma-absorb,” sagot ni Raymart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN