Barbie Forteza plans to go out with Derrick Monasterio to celebrate her 16th birthday

Aminado si Barbie Forteza na hindi niya alam kung ano ang ikikilos niya ngayong magsi-sixteen years old na siya. Sabi niya, “Depende po sa mood ko. Feeling ko, kahit na magsi-sixteen na ako, may mga time pa rin na feeling ko, bata pa ko.”


Binisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng GMA-7 primetime series na Anna KareNina sa isang mansion sa Tanauan, Batangas, noong Biyernes, July 5.

Pahayag ni Barbie Forteza, isa sa mga bida ng teleserye, kahit halos araw-araw ang taping nila sa Batangas ay masaya pa rin sila.

“Super okay naman, super light, lalo na kapag dito sa mansion ang location.

“Pero ang hirap din niyang i-maintain, yung character, lalo na kapag madaling-araw na dahil sa sobrang hyper ni Karen [her character’s name].

“Pero okay naman, masarap siyang gawin.”



THE REAL MONTECLARO. Sa istorya ay hinahanap ng mga Monteclaro ang tunay na Anna Karenina at tatlo ang pinagpipilian nila—si Anna (Krystal Reyes), Karen (Barbie), at Nina (Joyce Ching).

Sa palagay ba ni Barbie ay siya ang tunay na Anna Karenina sa istorya?

“Ako naman talaga si Anna Karenina!” natatawang sabi naman niya.

Pero dagdag niya, “Hindi, hindi pa naman… kasi marami rin naman na ang gusto si Karen.

“Yung iba naman, si Krystal, si Anna; iba naman, si Nina po.”

Nararamdaman ba niyang siya ang tunay na Anna Karenina sa takbo ng kuwento?

Sabi ni Barbie, “Lalo na ngayon, may pang-apat? Hindi.

"Kumbaga, noong may pang-apat na nagpanggap, hindi na namin alam kung isa sa amin, nagpapanggap din.

“Lalo na... kasi hindi naman namin napanood ang dati, so hindi talaga namin alam ang takbo ng istorya.”

Ang tinutukoy ni Barbie ay ang pagpasok sa istorya ni Thea Tolentino na nagpapanggap bilang siyang tunay na Anna Karenina.

Natuwa naman si Barbie nang iparating namin sa kanya ang sinabi ng direktor nila na si Gina Alajar.

Ayon sa actress-director, ang personal choice niya na maging tunay na Anna Karenina sa kuwento ay si Karen, na ginagampanan ni Barbie.

Reaksiyon ni Barbie, “A, talaga po? Nakakatuwa naman si Direk Gina.

“Sinabi niya pala yun. Nakakatuwa naman si Direk Gina, hindi ko alam na sinabi niya pala yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, yun din po ang maganda sa Anna KareNina ngayon, iba-iba naman po ang roles naming tatlo.

“Magaling si Krystal bilang Anna, dalang-dala niya.

“Si Joyce, hindi siya ganoon, pero nagagawa niyang emo siya.

“Feeling ko, iba-iba naman ang atake naming tatlo.

"Wala naman akong masasabi na may mas magaling, kasi iba-iba naman.”



BONDING. Kung dati ay sina Barbie at Joyce ang masasabing malapit sa isa’t isa, ngayon ay nakakasama na rin nila si Krystal sa kanilang bonding moments.

Kuwento ni Barbie, “E, bongga, kasi hindi na namin kailangang gumawa ng lakad dahil halos araw-araw naman na ang taping namin kaya nakakapag-bond kami nang walang gastos!

“Tapos, si Krystal, nakakatawa siya, kasi ang galing-galing niyang umarte ng mabait.

“Pero sa totoong buhay, ang harot-harot niya rin, para rin siyang kami ni Joyce. Ganoon na rin siya, kaya nakakatuwa.

“Kumbaga, ang sarap mag-taping kasi totoong magkakaibigan na rin kami.”



CHARITY BIRTHDAY. Sa July 31 ay ipagdiriwang ni Barbie ang kanyang 16th birthday.

Pero mukhang magtatrabaho pa rin siya sa mismong kaarawan niya dahil araw ng taping nila iyon—Miyerkules.

Ang sigurado lang daw magkakaroon siya muli ng charity event.

Ayon kay Barbie, “Siguro po, doon po ulit kami sa Philippine Children’s Hospital—doon din po ako nag-birthday last year.

“Mas okay na rin po na yun na talaga ang maging regular kong charity.”

Hindi naman daw kasi siya mahilig sa mga party.

Katuwiran niya, “Kasi po, kapag party, mag-e-effort pang pumormal.

“Alam mo yung hindi ka kumportable sa birthday mo at, pagkatapos, lahat ng tao, ie-entertain ko?

“Parang gusto mo lang magpahinga.

“Siguro ano lang, manonood ng sine, kasama ko si Derrick [Monasterio], bilang birthday na rin naman niya kinabukasan [August 1].

“At saka sa birthday niya kami makakalabas kasi Thursday yun.

“E, Wednesday, taping, so siguro manonood na lang kami ng sine, kakain sa labas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga ganoon lang siguro at hindi bonggang party.”



BIRTHDAY DATE. Si Derrick ba ang ka-date niya sa kanyang birthday?

Sagot ni Barbie, “Hindi naman date, kasi palagi na rin naman kaming lumalabas nito.

“Kung available si Krystal at saka si Joyce, why not, isasama na rin namin.”

May gusto ba siyang matanggap sa darating niyang kaarawan?

Sagot ng teen actress, “Siguro ngayon, wala akong materyal na gusto.

“Siguro time—time na lang para ma-spend ko ang birthday ko nang maayos.”

Pakiramdam ba ni Barbie ay overworked siya?

“Medyo,” nakangiti niyang sagot.

“Kasi, bukod sa araw-araw, as in literal na araw-araw na taping ng Anna KareNina, meron pa akong Sunday All Stars.”

Naiisip ba niya na sa edad niya ngayon ay dapat relax-relax lang siya at nag-aaral lang sa halip na nagtatrabaho?

“Kung nagre-relax ako, wala akong budjang [budget], wala akong ganitich [sabay turo sa kanyang Prada sunglasses].

“So, work-work muna tayo!” natatawa niyang sabi.

Dagdag ni Barbie, “Actually, gusto ko naman lahat, gusto ko naman ang trabaho ko ngayon.

"Light lang sa set magtrabaho.

“Sa Sunday All Stars, ayokong umalis kasi nakakatuwa ang grupo ko—determinado silang manalo.

“Kaya nakakahiyang mag-absent sa Tropang Trending... si Mark Bautista po ang leader namin.”



LADYLIKE. Ngayong magsi-sixteen na siya, nararamdaman na ba ni Barbie na dalaga na siya, lalo na sa mga karakter na ginagampanan niya?

Sagot niya, “May mga… depende po sa mood ko.

"Feeling ko, kahit na magsi-sixteen na ako, may mga time pa rin na feeling ko, bata pa ako.

“May panahon na ang feeling ko, twenty na ako. Yung ganoon.”

Sa batch nila, siya ang napapansin na parang dalaga na—sa pananamit at maging sa pagkilos. Meron ding nagsasabi na tila nagmamadali siyang magdalaga.

Ano ang masasabi niya sa mga komentong ito?

“Ako po? Hindi naman po sa nagmamadali. Siguro, dala na lang din ng showbiz talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na ang tawag sa amin ay awkward stage na hindi mo alam kung matanda na kami o bata na kami.

“Siguro, yung way ng pananamit ko minsan, nakikita ng iba, pambata. Pero nakikita ng iba, pang-matanda.

“Hindi ko pa alam, hindi ko pa alam kung ano ang isusuot ko, ano ang ikikilos.

“Hindi ko pa alam kung ano ang tingin ng tao sa pambata, pang-matanda,” saad ni Barbie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN