Derek Ramsay and Jasmine Curtis Smith say "no" to onscreen pairing: "Parang incest yun!"

Parehong tumanggi sina Derek Ramsay at Jasmine Curtis Smith na magkaroon ng love angle ang mga karakter nila sa TV5 series na Undercover. Ito ay dahil magkapatid lang daw ang turingan nila sa isa’t isa.


Mariing tinanggihan ng Kapatid stars na sina Derek Ramsay at Jasmine Curtis Smith ang ideya na pagtambalin sila o gawing magka-loveteam sa bagong aksyon-serye ng TV5, ang Undercover.

Ginagampanan dito ni Derek ang role ni Roy Velasco, isang criminal investigator, at kasama niya sa trabaho ang IT expert na si Claire, na ginagampanan naman ni Jasmine.

Ito ang napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin sina Derek at Jasmine sa taping ng Undercover kamakailan.

Unang nakausap ng PEP si Derek at tinanong namin siya kung isa ba sa leading ladies niya sa serye si Jasmine.

Sagot ng hunk actor, “Yun, incest na yun kapag ginawa nilang leading lady ko si Jasmine. Hindi ko kaya.”

Para na raw kasing kapatid ang turing niya kay Jasmine lalo na noong maging magkaibigan sila ng older sister ng Kapatid Princess na si Anne Curtis. Naging leading lady ni Derek si Anne sa box-office hit movie na No Other Woman (2011).

Sabi nga ni Derek, “Jas is my little sister. Before, Anne used to live in the same village as me and I saw Jasmine, she’s like a little girl.

“When they said na they might do an angle of a relationship between me and Jasmine, Jasmine and I just looked at each other and we said, ‘No!’

“Hindi namin kaya. Ano yun, e, parang incest.”



JASMINE’S REACTION. Nang makausap naman ng PEP si Jasmine ay sinang-ayunan niya ang mga naging pahayag ni Derek.

Aniya, “Oo, kasi para kaming magkapatid, e, alam mo yun, in real life. Parang incest, e.

“Naintindihan naman yun ng mga writers namin, kasi alam mo yung ita-try mong titigan siya na kunwari love mo siya, parang ‘Yuck! Hindi puwede, e.’

“Sila lang ni Ate [Anne] yung puwedeng magganun.”

Kasi naman daw ay naka-kissing scene na ni Anne si Derek dati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Jasmine, “Parang, ’Ano yun, pasa-pasahan lang ito?’

"Yun nga, para ko lang siyang kuya, so parang ano ba, hindi ko talaga kaya.”

Hindi niya ba nai-imagine na magiging leading man niya si Derek sa future projects niya?

“Pag mas mature na ako and if hindi na ganung nakakailang.

“Kasi talaga, now, I cannot see myself having Derek as love interest for a project.

“But at the same time, never say never, kasi malay mo in the future, and trabaho lang din naman.

“If maganda siya for my career, then why not?

“Pero for this show, dito sa Undercover, it doesn’t call for it naman, e.

“Iba yung theme ng show, so okay lang na hindi gawin.

“And at the same time, it’s not an issue but it might affect our characters.

"Kasi kung hindi kami kumportable with the scenes, hindi rin magiging kumportable yung viewers na pinapanood kami na ganun.

“Maiilang sila habang kami naiilang din, so maganda na rin yung we’re comfortable and hindi mahihirapan yung director na kailangan mas ganito, mas ganyan.”

Ano ang ba relasyon ng characters nila sa story?

Sabi ni Jasmine, “Undercover din ako. Kuya-kuyahan ko siya.

“I see him that way kasi nawalan ako ng kuya.

“Ako yung gadget girl ng team, so he needs me to hack yung certain cameras and find yung syndicate na nagpahirap sa kanya noon.”



ARCI, THE LEADING LADY. Ayon kay Derek, ang isa pang Kapatid Princess na si Arci Muñoz ang talagang leading lady niya sa Undercover. Pero magkakaroon sila ng love triangle with Wendell Ramos.

Ipinagmamalaki nga ni Derek na mabilis silang naging close ni Arci. Para na raw silang matagal na magkabarkada na kaya nilang biruin ang isa’t isa nang walang napipikon.

Kung si Arci ay "baliw" ang paglalarawan kay Derek, "mas baliw" naman kung ilarawan ng aktor ang kanyang kapareha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi nga ni Derek tungkol kay Arci, “Nakahanap ako ng katapat na kasing baliw ko. So, nakakatuwa.

“Kilala ko pa yung boyfriend niya.”

Ano naman ang masasabi ni Derek sa pahayag ni Arci na maalaga ang aktor at magaling umalalay, lalo na sa kissing scenes?

Sagot niya, “Kailangan mong gawin yun, di ba? Kailangan mong respetuhin ang babae.

“She’s a professional actress.

“Sobrang hirap lang kasi na napaka-powerful ng personality niya.

"When she walks in the room at nakita mo… pero pag hindi mo siya kilala, parang, ‘Sino ba ang babaeng ito?’

“Then, when she acts, parang napakanormal niyang tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN