Heart Evangelista buys her own apartment; misses her dad so much

Nakabili at nakalipat na si Heart Evangelista sa sarili niyang apartment. Ayon sa Kapuso actress, ito na ang hudyat ng kanyang pagiging "fully independent" mula nang umalis siya sa poder ng kanyang mga magulang.


Nakabili na si Heart Evangelista ng sarili niyang apartment mula sa kanyang kinita sa TV projects at endorsements niya.

Ayon kay Heart, ito na ang magsisilbing hudyat ng kanyang pagiging fully independent.

Dito kasi sa bago niyang tahanan ay siya raw mismo ang namamalengke, namimili ng tangke ng gas, at iba pang mga gawaing bahay.

Saad pa niya sa GMA News TV, “My very own, on the ground… not in a condominium, on the floor, I have my own garden, I have everything I ever wanted.”

Dati daw ay sa condominium nakatira si Heart, na ilang floors lamang ang pagitan sa tinitirhan ng kanyang mga magulang.

Masaya raw ang Kapuso actress ngayon dahil malaki ang naitulong ng kanyang boyfriend na si Senator Chiz Escudero pagdating sa pagtayo niya sa sariling paa.

Pero ngiti lang ang tugon nito kung plano na ba nilang lumagay sa tahimik.

Sabi ni Heart, “Oo nga, marami ang nagtatanong kung ikakasal na nga ba si Heart... oh no, not yet.

“In this relationship, of course, siguro.

“I hope that it will get into that, but I’m not in a rush.

“Like what I’ve said, I have so much to do, naghahabol ako ng oras na magawa lahat ang mga gusto kong gawin dati pa.”

HEART MISSES HER DAD. Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin sila nag-uusap ng kanyang mga magulang, pero maayos naman daw ang relasyon nilang magkakapatid.

Kuwento pa ni Heart, labis daw ang pagka-miss niya sa kanyang amang si Rey Ongpauco.

Saad niya, “I miss my dad so much, I miss him.

“It’s almost his birthday and, you know, I’m sure in time, with prayers and everything, something will spark in his mind, you know, and I’m sure that he misses me too.

“So I’m very confident with the love that I have for my dad and the love that he has for me, may, eventually, he will look for me, and he would not want to waste any more time of our lives to be apart.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN