Ritz Azul says combined “assets” of Misibis Bay leading men will make a good boyfriend for her

“Si Vin, yung abs niya. Si Victor Silayan, yung eyes niya, sobrang nagsasalita din. ‘Tapos, si Daniel, yung smile niya. Kasi sa isang guy, gusto ko talaga yung maganda ang smile. Siguro kung pagsasama-samahin sila, puwede kong maging boyfriend,” banggit ni Ritz Azul tungkol sa kanyang Misibis Bay co-stars na sina Vin Abrenica, Victor Silayan, at Daniel Matsunaga.


Ayon sa Misibis Bay star na si Ritz Azul, 20 pounds ang nawala sa kanya mula nang subukan ang “Master Cleanse” diet na rekomendado sa kanya ng business unit head ng show na si Marge Natividad.

“Lahat po kasi sinasabi niya sa akin, nag-a-advice siya para sa ikabubuti ng show,” sabi ng 19-year-old Kapatid artist tungkol sa kanilang business unit head.

“Before po kami nag-taping, workshop… about five days, or five days before the taping, sinabi niya mag-master cleanse daw ako."

Paliwanag pa ni Ritz, detoxification diet daw ito gamit ang lemonade na may halong pepper, mint, at corn syrup.

Wala siyang kinakain na solid at puro liquid lang daw ang tine-take niya. Anim na beses sa loob ng isang araw raw siyang umiinom ng lemonade mixture na ito, at sa loob ng walong araw ay umepekto na agad ang pagda-diet niyang ito.

Tanong ng mga inimbitang miyembro ng press sa pocket presscon para sa kanya ng TV5 na idinaos kanina, July 8, sa Max’s Restaurant, sa Scout Tuazon, Roces Ave., Quezon City, hindi ba nanghina ang kanyang katawan dahil wala nga siyang kinain na solid food?

“Hindi naman po. Energetic pa naman po ako.

"Siguro nasa will talaga, e. Iniisip ko kasi talaga, mind over matter.

“Siyempre, kung iisipin mong hindi kaya, hindi mo talaga kakayanin. Kaya iniisip ko, kakayanin ko ‘to,” sabi pa ng dalagang Kapampangan.

Hindi lang daw para sa Misibis Bay ang pagpapaganda niya ng katawan, preparasyon din daw ito para sa nalalapit na FHM Philippines 100 Sexiest Women in the World 2013 Victory Party, na gaganapin na sa Miyerkules, July 10, sa World Trade Center, Pasay City.

Kinumpirma niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na rarampa nga siya sa event na ito.

Pero sabi pa ng FHM 2013 Sexiest No. 28, bilang isang artista ay mahalaga na lagi siyang fit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi pa nga siya kuntento sa katawan niya ngayong may sukat na 36-26-36.

“Ang laki pa kasi sa screen. Kaya magpapapayat pa ‘ko,” saad ni Ritz.

Tila nagpapagandahan nga sila ng katawan sa Misibis Bay.

“Well, knowing na si Megan Young e sobrang conscious din sa katawan niya, parang nasasabit din kami ni Malak [So Shdifat].

“Nagwo-workout kami sa Misibis, may gym doon.

"So, everytime na may time kami, kapag breaktime, tumatakbo kami sa treadmill, kahit na kumakain kami palagi doon.

"Kaya name-maintain pa rin.”

VIN PLUS VICTOR PLUS DANIEL EQUALS BOYFRIEND. Tinanong si Ritz kung sino sa Misibis Bay hunks na sina Vin Abrenica, Victor Silayan, at Daniel Matsunaga ang may pinakamagandang katawan para sa kanya.

Sagot naman ni Ritz, may kanya-kanyang natatanging “assets” ang tatlong nabanggit na hunks bukod sa pagkakaroon nila ng magagandang pangangatawan.

“Si Vin, yung abs niya. Si Victor Silayan, yung eyes niya, sobrang nagsasalita din. ‘Tapos, si Daniel, yung smile niya.

“Kasi sa isang guy, gusto ko talaga yung maganda ang smile.

“Siguro kung pagsasama-samahin sila, puwede kong maging boyfriend!” natawa pang banggit ni Ritz.

Pero sa set, tila inirereto sa kanya ang Brazilian-Japanese hunk na si Daniel.

Kuwento ni Ritz, “Kasi may pagkahawig daw ako kay Heart [Evangelista, dating girlfriend ni Daniel].

“Pero si Daniel, ok naman talaga. Ang nagugustuhan ko sa kanya, yung ugali niya. Mabait kasi talaga siya. At professional.”

Yung professionalism daw na iyon ang siyang pinaiiral ni Daniel at ng iba pa niyang mga kasamang lalaki sa set ng Misibis Bay, kaya kampante si Ritz na hindi siya tataluhin ng mga ito.

“Very professional lahat ng cast ng Misibis Bay,” sabi pa niya.

DRAWING STRENGTH FROM DADDY. Nakapagtataka naman para sa ilang press na naroon kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring boyfriend si Ritz.

Sa ganda nga naman niya’t kaseksihan, tila imposibleng walang nanliligaw sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ewan ko nga po. Takot yata sa akin ang mga lalaki. Friendly naman ako!” natatawang sambit ni Ritz.

Dagdag pa niya, “Baka natatakot sila kay Papa.”

Napangiti hindi kalayuan ang ama niyang si Richard, na lagi nga niyang kasama’t laging nakaalalay sa kanya.

Ibang klase raw kasi talaga ang closeness nilang mag-ama.

Dahil unica hija, lagi raw nakaalalay sa kanya ang papa niya at laging ibinibigay ang mga gusto niya.

“Pero hindi ako spoiled, ha,” mabilis namang sabi ni Ritz.

Sa ama rin daw siya humuhugot ng lakas kapag nawawalan siya ng kumpiyansa sa sarili.

“Nung in-offer sa akin itong Misibis Bay, sinabi sa akin na magtu-two-piece daw ako.

“Sabi ko, hindi ko yata kaya. Pero si Papa, siya pa ang nagpu-push sa akin, ‘Kaya mo ‘yan.’”

Si Papa Richard din daw ang minsa’y nagku-coach sa kanya sa pag-arte.

“Uma-acting-acting din kasi ‘yan nung araw, kay Fernando Poe, Jr. Kaya nagko-coach din siya,” nakangiting pagmamalaki ni Ritz sa ama.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN