Richard Gomez on posing again in his underwear: "Pag may magandang okasyon, puwede!"

Si Richard Gomez ang kauna-unahang celebrity endorser ng local clothing line na Bench, at hanggang ngayon ay bahagi pa rin siya nito. Sabi ng aktor tungkol dito, “Maraming nagtangkang kunin ako, pero gaya ng sinabi ko, yung relationship is very important. Ang pera madaling maubos, e. Pero yung relationship, you can keep it for years. Ilang taon na kaming magkakaibigan ni Bench [Ben Chan]? Matagal na.”


Ang semi-nude photograph ni Richard Gomez ang isa sa tampok sa opening ng exhibit ng Bench noong Biyernes, July 5, na ginanap sa basement ng Bench Tower sa The Fort, Taguig City.

Ang naturang event ay bilang pagkilala sa trabaho ng veteran photographer na si Ronnie Salvacion na matagal nang pinagkakatiwalaan sa pictorials at photo shoots para sa lahat ng models at image endorsers ng Bench product lines.

Nakapuwesto sa dulong gitna ng main floor ang larawan ni Goma.

Pagpasok mo pa lang main function room ay makikita na ang higanteng larawan ng actor-athlete.



STILL YOUNG-LOOKING. Sa hitsura ni Richard ngayon, walang bakas na nagkaedad na siya dahil pormadong-pormado pa rin ang katawan niya.

Proud ngang sinasabi ng 47-year-old actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters na kaharap niya na “five years ago” lang daw ang naturang larawan.

“Kasi we were getting ready for a Bench fashion [at that time], ‘yang pictorial na ‘yan,” banggit pa niya.

Ano ang naramdaman niya nang makita ang sariling photograph?

“Kaya nga nung sinasabi nila ’huwag ka munang bumababa kasi…’ yun pala, may magandang picture ako.

“Na-surprise talaga ako. And I’m happy kasi binibigyan ka ng importansiya, di ba?”

Inamin ni Goma na maluha-luha siya sa kagalakan nang makita niya ang kanyang picture.

“It’s nice kasi lahat ng mga nakikita mong mga larawan dito, mga nakasama mo, mga kaibigan mo.”

Ilan sa mga may mga larawan sa exhibit ay ang dating Guwapings na sina Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso, at Jomari Yllana. Mayrooon din si Wendell Ramos at ang yumao nilang manager na si Douglas Quijano.

May sarili ring photo ang asawa ni Richard na si Ormoc Representative Lucy Torres-Gomez at anak nilang si Juliana.



GOMA IN HIS UNDERWEAR. Ipinagmamalaki ni Richard na name-maintain naman niya ang kanyang katawan, pero mas payat nga lang daw siya sa larawan niya sa exhibit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya pa ba niyang magpa-sexy gaya nung kay Dingdong Dantes? May isang malaking larawan si Dingdong sa exhibit na naka-brief lang ito.

Puwede pa ba siyang mag-pictorial nang naka-underwear lang?

“Huwag muna ngayon. Pag maganda ang okasyon. Pag may magandang okasyon, puwede!” tawa pa niya.

Wala raw magiging problema kina Lucy at Juliana kung sakaling mag-pictorial siya nang naka-underwear lang.

Nagwu-workout pa ba siya?

Sagot ng aktor, “Alam mo namang hindi ako nagwu-workout masyado, e.”

Kapansin-pansin din na halos walang nabago sa dating at hitsura ni Richard. Ikinatutuwa naman ng aktor kapag sinasabing wala pang puwedeng ipabago sa kanyang mukha at pangangatawan.

Sabi niya, hindi siya sasalang sa cosmetic enhancement para lang mapanatili ang kanyang hitsura.

“It’s nice to grow old gracefully. Kailangan palaging positive yung thoughts mo, yung views mo.”



LONG-LASTING RELATIONSHIP. Binigyang-diin ni Richard ang long-lasting friendship nila ng owner ng Bench na si Ben Chan, kaya solid ang pamilya niya sa pagsuporta sa product ng nasabing clothing line.

Sabi ng aktor, “Ako kasi, marunong lang ako magbigay halaga ng relationship—sa trabaho, sa kasama.”

Hindi raw maiwasan ni Goma na mapangiti kapag naaalala niyang siya ang unang celebrity endorser ng Bench, at nasubaybayan niya ang paglago nito.

“Kaya nga ang gandang panoorin ngayon na ang dami mo nang kasama.

“Ikaw lang nagsimula, tapos ngayon may kasama ka nang iba,” sabi niya.

Hindi raw niya naisip na umalis ng Bench o lumipat sa ibang clothing company.

Saad ni Richard, “Walang rason para lumipat, e.

“Maraming nagtangkang kunin ako, pero gaya ng sinabi ko, yung relationship is very important.

“Ang pera madaling maubos, e. Pero yung relationship, you can keep it for years.

“Ilang taon na kaming magkakaibigan ni Bench [Ben Chan]? Matagal na.”

Wala ba siyang balak mag-franchise ng Bench since matagal na rin ang pinagsamahan nila ng kumpanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Richard, “Hindi, e. Hindi yun ang ano ko… hindi yun ang linya ko, e.

“But what I do naman with Lucy, nag-i-invest kami. Hindi kami yung type na magpapatakbo ng business.

“I know my strength, I know my weakness, kaya more on investing na lang kami.”



PROJECT WITH DAWN AND JOHN LLOYD. Tungkol naman sa kanyang acting career, bahagi raw ng pinirmahang kontrata ni Goma sa ABS-CBN ay paggawa niya ng isa pang teleserye at pelikulang pagsasamahan nila ni Dawn Zulueta kasama si John Lloyd Cruz.

Ayon sa aktor, “Wala pang title, pero ang alam ko, ngayong last week of July ang start ng shooting namin.

"But basically, it’s a love story.

“Kami ni Dawn, mag-college sweetheart. Naging mag-asawa kami.

“Dawn became a doctor at ako naman naging abugado. Pero hindi ako masyadong tanggap ng pamilya ni Dawn kasi maliit na abugado lang ako.

“Yung tatay niya, de kampanilya.

“Tapos nagkaroon kami ng anak na naging very close kay John Lloyd.

“At nung namatay ang anak namin, ang close link naming ni Dawn nung naghiwalay kami, si John Lloyd.”

Tumanggi naman si Richard na magbigay ng impormasyon sa gagawing teleserye, pero ibinalita niyang nag-meeting na raw sila last week.

Pinagbilinan lang siya ng production na huwag muna niyang ipagsabi ang casting sa project.

Sa pagdadala uli ng ABS-CBN ng tandem nina Richard at Dawn sa pelikula, hindi maipagkakailang nabuhay nang husto ang team-up nila.

Napangiti muna si Richard at saka sinabing, “Oo nga, e. Natatawa nga kami ni Dawn, e.

“Kasi after all these years, yung tandem namin, nandoon pa rin, may kilig pa rin, di ba?

“Eto na nga, yung mga anak ng matatanda naming fans, fans na rin namin.

“Saka si Lucy, fan yun ng tandem namin ni Dawn.”

Nakakausap ba ni Richard ang asawa naman ni Dawn na si Davao del Norte Representative Anton Lagdameo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A, oo. Magkakasama kami sa Congress, e.

“Dahil siyempre, tinutulungan ko si Lucy, e. So, nakikita ko si Anton.”

Ano yung madalas nilang pag-usapan pag nagkikita sila?

“Basically, politics lang,” sagot ni Goma.



FAILED ELECTION BID. Noong nakaraang eleksyon ay tumakbo si Richard bilang mayor ng Ormoc City ngunit hindi siya pinalad manalo.

Ang asawa niyang si Lucy ay nanalo namang bilang kongresista sa Leyte.

Sabi ni Richard tungkol dito, “Hindi, ang importante sa akin, more than anything, kailangan kong protektahan yung posisyon ni Lucy.

“Kung walang lumaban kay Lucy, hindi naman ako tatakbo, e.”

Hindi raw susuko si Richard sa plano niyang pagtulong sa mga kababayan nila ni Lucy sa Ormoc.

Aniya, “Basta may clamor ang tao, walang problema dun, e.”

Tatakbo pa rin ba siya sa susunod na eleksyon?

Tugon niya, “Basta, number one, I have to protect the position of Lucy.

“And, di ba, dinisqualify siya ng Supreme Court? E, di parang first time pa lang niya ngayon.

“So, tatlo pa.

“Fo as long may clamor ang tao…”

Ano ba ang natutunan niya sa nakaraang pagtakbo niyang muli sa pulitika o sa nakaraang eleksyon?

Ayon kay Richard, “The PCOS Machine is good, very good… except that it created another evil.

“The evil that PCOS Machine created was vote-buying, massive vote-buying.

“Kasi sa experience namin, mahirap magdaya sa PCOS. Hindi naman one hundred percent yun.

“Para manalo ka, kailangan talagang bumoto ng tao.

“Unlike dati, dadagdagan mo lang ng zero yung boto mo, ang laki na ng diperensiya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN