Claudine Barretto confirms husband Raymart Santiago has left family home

Sa unang pagkakataon ay kinumpirma ni Claudine Barretto na umalis na ang asawang si Raymart Santiago sa kanilang bahay. Hindi rin dumalo si Raymart sa post-birthday party ng kanilang adopted daughter na si Sabina.


Hindi nakadalo si Raymart Santiago sa post-birthday celebration ng adopted daughter nila ni Claudine Barretto na si Sabina.

Ginanap ang spa party ni Sabina noong Sabado, July 6. Pero ang aktuwal na ika-siyam na kaarawan niya ay noon pang June 21.

Ayon sa ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras ng GMA-7 kagabi, July 8, ibang-iba ang selebrasyon ng kaarawan ni Sabina ngayong taon kumpara noong isang taon.

Noong nakaraang taon kasi ay kumpleto silang mag-anak—kasama ang anak na lalaki nina Claudine at Raymart na si Santino—kung saan naka-costume pa si Raymart.

“Alam niya na may party,” sabi ni Claudine tungkol kay Raymart.

Ngiti lamang ang isinagot ng aktres nang tanungin kung bakit wala rin ang mga Santiago sa selebrasyon.

Nag-reach out ba si Raymart kay Sabina sa pamamagitan ng pagpapadala ng flowers o gifts?

“No,” mabilis na sagot ni Claudine.

(Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph kay Raymart ay sinabi ng aktor na mayroon siyang regalo kay Sabina, pero aniya, "sa amin na lang yun.")

Sa kabila ng hindi pagdalo ni Raymart, ipinalagay pa rin daw ni Claudine ang pangalan ni Raymart sa birthday cake ni Sabina.

Sabi ng aktres, “Siyempre, gusto ko pa rin maramdaman ng anak ko na mahal siya dahil alam ko na mahal naman talaga siya ng papa niya.”



SEPARATE LIVES. Sa naturang panayam ay kinumpirma rin ni Claudine ang tunay na estado ng relasyon nila ni Raymart.

Ayon kay Claudine, ilang buwan na silang hindi magkasama sa bahay ni Raymart. Hindi rin daw niya alam kung saan tumutuloy ngayon ang kanyang mister.

Banggit pa ng aktres, “Pumupunta-punta siya sa bahay a few weeks ago, ’til hindi naging maganda yung kinalabasan nun.”

Tinanong ni Nelson ang aktres kung sinusubukan ba nila ni Raymart na ayusin ang kanilang problema o pag-usapan ang tungkol sa kanilang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Claudine, “About the kids, yes, yes.”

Pinag-uusapan din ba nila ang kanilang relasyon?

“About everything naman,” sabi niya.

THE VIDEOTAPE. Sa gitna ng panayam ay may nabanggit si Claudine tungkol sa isang video na kinunan diumano ni Raymart.

Aniya, “Yes there was, a video. He videotaped me and my children.”

Ano ang laman ng video na yun?

Hindi direktang sinagot ni Claudine ang tanong, ngunit sabi niya, “Pag lumabas, sa kanila na nanggaling yun.”

Dagdag pa niya, “And it traumatized me and my children.”

Sa pamamagitan naman ng telepono ay nakausap ni Nelson si Raymart, pero tumanggi raw ang aktor na magbigay ng pahayag tungkol sa mga binitiwang salita ng asawa.

Ed’s Note: Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Raymart tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN