Jake Vargas’s wish on 21st birthday: Less controversies for him and his family

Jake Vargas dedicates song “Forevermore” to onscreen partner Bea Binene: “Para walang katapusang pagsasama, walang katapusang pagkakaibigan, walang katapusang saya na dumarating.”


Ngayong araw, July 9, ang 21st birthday ni Jake Vargas.

Ano ang kanyang birthday wish?

Sagot ng Kapuso young actor, “Wish ko na sana ay mapagtagumpayan kong malagpasan ang mga intriga at pagsubok na dumadating sa akin at sa aking pamilya.

“Kasi lately, parang lagi akong laman ng intriga na minsan, hindi lang ako, damay pa pamilya ko.

“Sa akin kasi, okay na ako na lang, sana ‘wag na lang isasama pa pamilya ko.

“Kasi, pag nasasaktan sila, nasasaktan din ako, kasi mahal na mahal ko ang pamilya ko.

“Kaya nga ako nagtatrabaho nang nagtatrabaho para sa pamilya ko yun.”

Nakausap ng PEP.ph (philippine Entertainment Portal) si Jake sa taping ng Walang Tulugan With The Master Showman.



AFFECTED FAMILY. Ano yung mga pagsubok na dumating sa kanya?

Sabi ni Jake, “Ayaw ko na isa-isahin.

"Siguro lang yung mga problema, yung mga issue sa akin, sana mawala lahat.”

Madali ba siyang maapektuhan ng intriga?

Sagot niya, “Hindi naman.

"Yung issue, pag ako na ang laman, hindi ko na lang pinapansin, no comment na lang at dedma na lang ako.

“Pero pag dawit yung pamilya ko, doon na ako naapektuhan kasi hindi naman sila artista, kaya sana ‘wag na lang isama.

“Kumbaga, kung may iintrigahin sila, ako na lang, huwag na lang isama pamilya ko.”

Ano ang mensahe niya sa mga nang iintriga sa kanya?

“Wala naman, kasi alam ko naman na lahat ng artista dumadaan sa ganyan.

“Basta pakiusap ko lang sa kanila na ako na lang, huwag na isama family ko.

“Ako kasi, katulad ng sabi ko, deadma lang sa mga intrigang dumarating, hindi ako masyadong naapektuhan.

“Yung family ko lang ang naaapektuhan kapag idinadawit na sila sa issue.”



MORE BIRTHDAY WISHES. Ano pa ang wish ni Jake ngayong kaarawan niya?

“More blessings and more projects to come sa akin at sa family ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tsaka wish ko na mas maging professional pa at mas maging masipag pa ako sa pagtatrabaho kahit minsan wala na talagang tulog.

"Pero masarap kasi magtrabaho.

“Sabi nga ni Tatay [German Moreno, Jake’s manager], hangga’t binibigyan ka ng trabaho, galingan mo.

“Kasi, maraming naghahanap ng trabaho, pero hindi sila mabigyan, samantalang ako, sobra-sobrang daming trabaho.

“Kaya naman kahit halos araw-araw akong nagte-taping, okay lang kasi trabaho ‘yan at mahal ko ang trabaho ko.

“At nagtatatrabaho ako, hindi lang sa akin, kung hindi lalung-lalo na para sa pamilya ko."

Dagdag niya, “Kaya nga very thankful ako kay Tatay Germs, kasi nandiyan siya lagi para alalayan ako at pangaralan.

“Kung wala si Tatay Germs, siguro wala ako sa showbiz, walang Jake Vargas.

“Lahat kasi ng proyektong meron ako ngayon, sa kanya galing yun.

“Siya yung dahilan kung bakit may magagandang projects ako, kaya sobra-sobra talaga ang pasasalamat ko sa kanya.”

Ano naman ang materyal na bagay ang gustong matanggap ni Jake sa birthday niya?

“Siguro kung may magreregalo... siguro mga instruments na lang, like gitara, drums, okay na sa akin yun.

“Kasi mahilig talaga akong maggitara na sinasabayan ko na ng kanta.

“Yung drums, gusto ko ding matututunan.

"Kaya kapag may gustong magregalo sa akin, iyon yung gusto kong regalong matanggap!” sabay tawa niya.



GIFT FROM BEA. Ano naman ang regalo sa kanya ng ka-loveteam niyang si Bea Binene?

“Hindi ko pa alam, baka siguro sosorpresahin ako,” sabi ni Jake.

Hindi ba sila lalabas sa birthday niya?

“Pinag-uusapan pa namin, may plano, pero hindi pa kami ganoon ka-sure, kasi baka may trabaho kami pareho.

“Pero kung wala naman, sana matuloy.”

May plano ba siyang magkaroon ng malaking party?

“Nagpaplano yung mga kaibigan ko, kasi sila naman ang gusto kong makasama—mga kaibigan ko, pamilya ko, si Bea, si Tatay Germs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero depende kung wala akong trabaho, hindi ko pa kasi alam,” sabi ni Jake.



SHOWBIZ COMMITMENTS. Hindi ba siya napapagod sa sobrang dami ng trabaho niya?

Apat ang shows niya sa GMA-7: Pepito Manaloto, Walang Tulugan with the Master Showman, Sunday All Stars, at Home Sweet Home.

Sabi ni Jake, “Hindi naman, kasi trabaho ‘yan, e, kailangan mong gampanan yung responsibilidad mo.

“Kailangan mo ring magtrabaho para sa pamilya mo, kaya yun ang ginagawa ko—ang magtrabaho nang mahusay.

“Siyempre tao lang ako, dumarating din sa akin yung pagod.

"Pero ang ginagawa ko, ngiti na lang para mawala ang pagod ko.

“Iba kasi pag nakangiti ka, masaya ka, nakakagaan ng damdamin, mas nare-relax ka.

"Iyon yung technique ko para mawala ang pagod ko.

“At pag nakangiti ka, nawawala lahat ng problema.

“Tsaka natutulog din ako pag hindi ako ang kinukunan para nakakapagpahinga pa rin ako.”



SECOND ALBUM. Wish din ni Jake na masundan ang kanyang first album mula sa Dyna Music.

“Sana magkaroon ako ulit ng isa pang album, kasi yung first ko, medyo naging okey naman.

“Kaya wish ko na mabigyan ako ng pangalawang album.”

Pero kung matutuloy ang second album niya, maglalagay ba siya ng sariling composition?

“Hindi ko pa alam, kasi wala pa akong nagagawang kanta, kasi medyo busy.

“Siguro pag nagka-oras, baka makagawa din ako.

“Gustung-gusto talagang gumawa, wala lang talagang oras, kasi halos every day may work.”

If ever na may kanta siyang isasama sa second album at iaalay niya kay Bea, anong kanta ito?

“Siguro yung kantang ’Forevermore.’"

Bakit “Forevermore” ang kantang gusto niyang ialay kay Bea?

Sagot ni Jake, “Para walang katapusang pagsasama, walang katapusang pagkakaibigan, walang katapusang saya na dumarating.”

Tuwing kasama ba niya si Bea ay masaya si Jake?

“Oo naman, masaya ako.”

Ano naman ang wish ni Jake para sa family niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana maging successful sila sa lahat ng ginagawa nila, good health sa kanila.

"At sana, wala nang problemang darating kasi gusto ko lagi silang happy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN