Joseph Bitangcol explains highway incident; denies he was high on drugs

Nilinaw ng aktor na si Joseph Bitangcol ang insidenteng nangyari sa kanya kunsaan natagpuan siyang walang malay at nakababa ang kanyang pantalon sa loob ng kanyang sasakyan ilang linggo na ang nakalilipas. Inamin na nakatulog siya sa kanyang sasakyan dahil sa sobrang pagod.


Nagpaliwanag si Joseph Bitangcol tungkol sa report na natagpuan daw siyang “walang malay” sa loob ng kanyang sasakyan na nakaparada sa kahabaan ng Marcos Hi-way.

Ayon pa sa mga naglabasang reports, baka raw dahil sa sobrang kalasingan o ang paggamit ng bawal na gamot ang naging ugat sa insidente.

Pero mariin itong pinabulaanan ni Joseph nang makapanayam siya ni Lolit Solis sa Startalk noong Sabado, July 6.

Lahad ni Joseph, “Bale galing ho ako ng biyahe sa Isabela. Yun, mga eight-hour drive.

“Pero before pa nun, galing po akong shooting ng indie film, so medyo dire-diretso po.

“Pero ’yon nga, yung nakita nila kasi... opo, medyo nakainom ako.

“Dumaan pa ako ng birthday ng friend ko, pero sobrang konti lang.

“Sobrang pagod ho, parang nag-decide ako na mag-park dito.

“Balak ko bumili ng tubig… bago po ako makabili, nakatulog po ako.”

Hindi ba siya natakot a baka sa pagtulog niya ay manakawan siya o ma-carnap ang kotse niya?

Paliwanag ni Joseph, “E, that time kasi, ang hirap mag-risk na bibiyahe pa na… yun nga, parang delikado.

“Natakot na rin ako dahil nga sa nangyari sa akin before.

“So, ayun po, itinabi ko muna yung kotse ko.

“Pero alam ko na hindi po ganun ka-safe yung lugar kaya ni-lock ko na lang yung kotse ko.”

Noong August 10, 2011 ay nasangkot sa isang vehicular accident si Joseph kunsaan nagtamo siya ng maraming sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

(Read: Joseph Bitangcol now in stable condition after car crash)

UNCOMPROMISING SITUATION. Pagkagising daw ni Joseph ay nagulat siya nang makita niyang nakababa ang kanyang pantalon.

Hindi niya ba naisip na may kumuha sa kanya sa ganung sitwasyon at kumalat ito sa Internet?

Tugon ni Joseph, “Siyempre, sobrang nagulat po ako.

“Pero sabi ko, akala ko nasa bahay na ako, hindi pa pala ako nakauwi, na sa ibang lugar pa pala ako nag-park.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, sobrang nag-aalala po ako.

“Sana nga wala ngang picture o nakakuha, baka lumabas nga, baka ano isipin ng tao.”

(Ngunit nangyari ang kinatatakutan ni Joseph dahil may kumuha ng kanyang larawan at kumalat na ito sa Internet.)

Galing lang sa isang car accident si Joseph, hindi pa ba siya nadala o natakot pagkatapos nito?

Sagot ng Star Circle Quest alumnus, “Siyempre, sobrang takot na po ako.

“Bale sa pagda-drive ko lang po, laking trauma na, e.”

Hindi ba siya natatakot na itong mga pangyayaring ito ay makasira sa career niya?

Ayon kay Joseph, “Siyempre natatakot din po kaya iniiwasan ko talaga na mailinya ako sa mga ganung balita.

“Kasi nga, naaksidente ka na nga, parang, ‘Hindi ka pa nadala. Bakit ganun pa rin ang mga nababalitaan namin?’

“Kaya iniiwasan ko na ang mga ganun, kaya iniiwasan ko na ang mga ganung pangyayari.

“Itong huli lang talaga ang sobrang hindi ko na nakayanan kaya nga advice nga ng parents ko na kumuha na ng driver.”

Ano naman ang reaksiyon niya na may mga kumakalat na balitang under the influence of drugs siya kaya ganun ang nangyari?

“Ay, hindi po!” mabilis niyang tanggi.

Apat na oras daw ang lumipas bago mahimasmasan si Joseph.

Umuwi ba siya agad pagkatapos niyang mahimasmasan?

“Opo, umuwi ako agad.

“Kasama ko po yung mga nag-guide sa akin—yung mga tanod po, yung mga MMDA.

“Mababait naman po sila, ginuide nila ako pauwi, sinigurado nila na kaya ko na umuwi.

“Noong una, ayoko nga dapat magpahatid dahil nakapagpahinga na po ako, e, kaya ko na pong umuwi.”



DEPRESSED AFTER BREAKUP WITH SANDARA. Tinanong ni Lolit si Joseph kung nabago ba ang takbo ng career niya matapos ang hiwalayan nila ni Sandara Park noon.

Parehong produkto ng artista search ng ABS-CBN na Star Circle Quest sina Joseph at Sandara, na ngayon ay miyembro na ng sikat na Korean pop group na 2NE1.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin ni Joseph, “Nag-iba po ang takbo ng career ko nung simula na umalis si Sandara, pero I know na may mga opportunities naman na dumating.

“Tumatak din po yung pangalan ko dahil kay Sandara.”

Hindi ba siya naiinggit na ang ganda-ganda ng career ngayon ni Sandara?

Sagot ni Joseph, “Siyempre nainggit din po, kasi halos sabay-sabay kami nagsimula, e.”

Sa ngayon, inamin ni Joseph na trough Internet na lang ang communication nila ni Sandara.

Ano naman ang masasabi niya sa intrigang unprofessional daw siya?

Tugon ni Joseph, “Hindi naman po… ipinapangako ko po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN