Rocco Nacino on replacing JM de Guzman in San Pedro Calungsod biopic: “Fifty times akong nag-thank you!”

"Blessing in disguise" para kay Rocco Nacino ang hindi pagkakapili ng pelikula niyang Ibong Adarna sa MMFF ngayong taon, dahil siya naman ang kinuhang kapalit ni JM de Guzman sa San Pedro Calungsod: Batang Martir.


Hindi raw inaasahan ni Rocco Nacino na matapos mag-backout ni JM de Guzman sa biofilm na San Pedro Calungsod: Batang Martir ay siya ang kukuning kapalit para gumanap sa title role.

“Masaya ako na napunta sa akin yung role,” pahayag ng Kapuso actor nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars noong Linggo, July 7.

Dagdag niya, “Of course, motivated ako ngayon na pag-aralan lalo yung buhay ni St. Pedro Calungsod.

“Tutal, I have portrayed it before sa isang GMA News TV special.

“Kumbaga, may insight na ako. May konting alam na ako sa buhay niya.

“So, more research pa. And I’m gonna make myself ready for this role.

“Wala pa lang kasi yung script at ‘yon ang hinihintay ko.”



BEST ACTOR CONTENDER. Ito ang unang pagkakataon na magbibida si Rocco sa isang pelikulang kalahok sa taunang Metro Manila Film Festival.

At siyempre, ngayon pa lang ay may mga nagsasabi nang isa siya sa magiging top contender for Best Actor.

“Naku, siguradong matitindi po ang kalaban!” natatawang sabi ni Rocco.

“Pero… sana. I’m keeping my fingers crossed.

“Kasi sa mga ganyan, siyempre iisipin mo na sana, may laban po.

“But then, masyado pang maaga para tungkol diyan ang isipin natin. Hindi pa kami nagsisimulang mag-shoot.

“And higit sa lahat, ang impornate naman is we try to come up with a good movie. Mapagbuti yung performance.

“At maging masaya ang lahat dito sa project na gagawin namin.

“Right now,” patuloy niya, “I don’t know kung paano ba ang atake ko sa role.

“Kung maiiba ba ito kumpara sa pag-portray na ginawa ko dun sa TV special ng GMA News TV.

“Magmi-meeting pa lang kasi kami, e. Mag-uusap pa lang kami ng production team at saka nung iba pang artistang nasa cast.

“Pero na-meet ko na sa isang basketball game yung director namin, si Direk Francis Villacorta. Nakilala ko na siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



THE REPLACEMENT. Si JM de Guzman ang original choice na gumanap bilang San Pedro Calungsod ngunit dahil sa personal na pinagdadaanan nito ngayon ay minabuti ng ama ng aktor na i-withdraw ang partisipasyon ng anak sa pelikula.

(Read: JM de Guzman’s father withdraws actor’s participation in San Pedro Calungsod biopic due to "health reasons")

Nasorpresa raw si Rocco na siya ang napiling maging kapalit nito.

“Fifty times akong nag-thank you!” nangiting sabi ng Kapuso actor.

“Siyempre, first time kong magkakaroon ng movie na entry sa MMFF.

“Supposedly, yung ginawa kong pelikulang Ibong Adarna sana ang isasali sa filmfest. Kaso, it was not chosen.

“Pero… although hindi napili ang Ibong Adarna, blessing in disguise na rin dahil napili naman ako for Pedro Calungsod.”

Mas may pressure ba na isang entry para sa MMFF ang gagawin niyang pelikula?

“Yes!” bulalas ni Rocco.

“This will be ano a stressful year para sa akin.

“Kasi, unang-una, gagawin ko yung Akin Pa Rin Ang Bukas,” pagtukoy niya sa upcoming soap ng GMA-7 na pagtatambalan ulit nila ni Lovi Poe.

“Kumbaga, first time ko rin na mag-headline sa cast ng isang primetime series.

“So, do’n pa lang, pressured na pressured na ako… and nervous.

“Kaya ngayon pa lang, nire-ready ko na ang sarili ko para sa Akin Pa Rin Ang Bukas at sa Pedro Calungsod.

“My working schedule will be packed, pero this will be exciting.”

Dagdag-pressure din daw para kay Rocco na makakatrabaho niya sa Akin Pa Rin Ang Bukas ang premyadong aktor na si Cesar Montano.

Sabi niya, “Yes, he’s of course everyone’s idol. And… I will have the honor to be in scenes with him.

“Kaya excited na excited na ako. I’m excited to learn from them.”



ANOTHER PROJECT WITH LOVI. Exciting din daw para kay Rocco ang pagbabalik-tambalan nila ni Lovi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikatlong beses na nila itong pagsasama sa isang proyekto.

Saad ng young actor, “Sa ngayon, yung mga batang kasama sa cast muna ang kinukunan.

“And… gusto kong pumunta sa set. Para maramdaman ko yung vibes at kung paano magtrabaho yung director naming si Laurice Guillen.

“Kasi, first time ko pa lang siyang makakatrabaho.”

Nangiti naman si Rocco nang matanong tungkol sa posibilidad na muli na silang ma-link ni Lovi.

Sabi niya, “Hindi naman maiiwasan yung ganyan.

“Normal nang nangyayari ‘yan kadalasan sa sinumang artistang nagiging magka-partner.”

Gaya ng nasabi ni Lovi, Rocco is also looking forward na makapag-hang out ulit sila ng aktres gaya nung ginagawa nila ang Yesterday’s Bride.

“I’m excited to spend a lot of time with her and… yun, makikita ko na siya ulit.

“Kasi napaka-busy niya. Kaya ngayon, makikita ko na naman siya halos araw-araw ulit.”

May mga manliligaw raw si Lovi ngayon pero hindi nito ma-entertain. Hindi kaya si Rocco kasi ang hinihintay nito?

“Ay, gano’n ba?” sabay-tawang reaksiyon ni Rocco.

“Hindi ko masasagot ‘yan! Ha-ha-ha! Hindi ko alam kung totoo ‘yan.

“Uhm… I don’t know. I’d look forward to spending a lot of time with her.”



GAY ROLE. Maingay na pinag-uusapan ngayon ang GMA-7 primetime series na My Husband’s Lover, kung saan nabuo ang loveteam nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez, ang TomDen, base sa kanilang mga karakter bilang discreet gays na may relasyon.

Si Rocco ay nakaganap na rin ng ganitong role sa indie film na Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa with Paulo Avelino. Nanalo pa nga siya ng awards para sa kanyang pagganap dito, sa Golden Screen Awards ng Enpress at Star Awards For Movies ng PMPC.

Open pa ba siyang tumanggap ng ganitong papel kung sakaling may offer sa kanya?

“Hindi muna,” tugon ni Rocco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Maraming iba-ibang roles kasi na dumarating, e.

“I’m happy with the roles that I’ve been given now—as Pedro Calungsod and also yung role ko sa Akin Pa Rin Ang Bukas.

“And I’m doing more projects pa… soon.

“There are thousands of roles na puwedeng i-portray.

“Pero babalik din ako diyan.

“Sa ngayon lang kasi, parang mali sa timing, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN