Joyce Ching on doing mature roles: “Hintayin ko na lang po kung kailan darating yun, saka na lang po ako sasagot.”

Alam ni Joyce Ching na kalaunan ay ga-graduate din siya sa pa-tweetums na role at bibigyan na siya ng mature roles. Aniya, “Naiisip ko rin naman po na darating at darating din ang time na yun dahil hindi naman po ako puwedeng pa-cute lang forever.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joyce Ching sa taping ng Anna KareNina sa Tanauan, Batangas, noong July 5.

Si Joyce ang gumaganap na Nina sa teleserye, kunsaan kasama niyang bida sina Krystal Reyes bilang Anna at Barbie Forteza bilang Karen.

Kahit wala pang nakakaalam sa kanilang tatlo kung sino talaga ang tunay na Anna Karenina Monteclaro, masaya si Joyce sa karakter niya sa teleserye.

Aniya, “Natutuwa ako sa character ko, kasi natsa-challenge ako.

“Hindi siya yung tweetums-tweetums lang na galit.

“Kumbaga, yung character ko dito, may bigat.”

Siya nga ba ang tunay na Anna Karenina sa istorya?

“Sabi po. Ipinagdarasal ko nga po!” natatawang sabi ni Joyce.

Pero bawi niya, “Hindi ko pa po alam, hindi pa po sinasabi kung sino talaga.”

Kung siya ang lalabas na tunay na Anna Karenina, magiging masaya ba siya?

“Opo, opo naman... maiba lang.”

Pero nakikita ba niyang may chance na siya ang maging tunay na Anna Karenina sa istorya?

“Siguro po, may birth certificate rin naman ako!” tawa niya ulit.

“Pero siguro naman po may chance, kasi sinabi rin naman po sa amin yun noong storycon na posibleng si Karen, si Nina o si Anna pa rin gaya ng dati.

“Para naman po may thrill sa mga tao kung sino.”



UPSTAGE. May pagkakataon ba na nararamdaman niyang parang nagkakasapawan na sila nina Krystal at Barbie sa mga eksena?

Sagot ni Joyce, “Hindi po, sobrang nagkakatawanan lang kami.

“At saka si Direk Gina [Alajar], gusto rin po niya yung unsung acting, parang nagpu-flow lang ang lahat.

“Kasi po, kapag nagkasapawan kami, papangit ang show, mag-iiba ang timpla. Yung ganyan po.”

Sa totoong buhay, silang tatlo nina Barbie at Krystal ay madalas ding nakikitang magkasama at tunay na magkakaibigan.

“Ay, opo!” bulalas ni Joyce.

“Pati po si Krystal, napagulo na rin namin siya. E, kasi, sobrang tahimik noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong first taping day, pagkatapos ng eksena, babalik siya sa upuan niya, magtatalukbong, ngayon wala na.

“Hindi na rin siya natutulog, chika na rin.”



COMFORTABLE. Ang kapareha ni Joyce sa Anna KareNina ay si Hiro Peralta. Kumportable na ba siya sa kanyang leading man?

Tugon ng young actress, “Okay naman po, kumportable naman po ako sa kanya.

"Kasi sa Tween Hearts naman po, magkakasama rin kami.

“At saka naging ka-loveteam ko rin siya sa Tween Hearts for a while.

“At saka, okay naman po siyang kaeksena. Kung ano naman po ang ipinapagawa sa kanya ni Direk Gina, ginagawa naman po niya.”

Pero ibinuko ni Joyce na nararamdaman niyang si Hiro ang parang naiilang sa kanya.

Sabi niya, “Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya, kasi parang naiilang siya.”

Baka kasi tinatarayan niya ito, biro namin kay Joyce.

“Hindi po,” mabilis niyang tanggi.

“Tsinitsika ko nga siya para hindi siya mailang. Tulad na lang po noong pictorial, sobrang tigas niya.

“Sabi ni photographer, ‘O, mas sweet pa.’ Hindi siya dumidikit nang todo!”

Ano ang ginagawa niya para maging magkapalagayan sila ni Hiro?

“Chika po.

"At saka yung stand-by area namin, hiwalay sa girls and boys.

“Pero dahil puro senior po ang kasama niya sa tent, doon na siya sa girls nag-i-stay, so chika na lang po kami nang chika.

“Ngayon naman po, nabawasan na yung pagkailang niya, lalo na po compared noong pictorial.”

Hindi kaya ang dahilan ng pagkailang ni Hiro kay Joyce ay dahil baka may masabi ang boyfriend niyang si Kristoffer Martin?

“Yun nga po ang sinasabi niya, pero sabi ko, wala naman yun. Siyempre, trabaho po.

“At saka loveteam kami, kailangan naming mag-work as a team.”



SOLID RELATIONSHIP. Dalawang taon at limang buwan na rin ang relasyon nina Joyce at Kristoffer.

Kahit medyo bata pa sila nang maging sila, masasabing matatag pa rin ang kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala bang selosan sa relasyon nila?

“Hindi naman po. Basta ang usapan namin, kapag trabaho, trabaho yun... walang selos-selos sa trabaho.

“Kapag hindi na trabaho, ibang usapan na yun,” sabi ni Joyce.

MATURE ROLES. Naranasan na ni Joyce ang “smack kiss” kina Kristoffer at Joshua Dionisio sa mga palabas nila noon. Sa totohanang kissing scene, handa na ba siya?

“Hindi pa po, hindi ko pa po yata kaya yun,” mabilis niyang sagot.

Puwede na ba siyang bigyan ng mature roles ngayong 18 years old na siya?

Sagot ni Joyce, “Naku, hindi naman po yata porke’t nag-eighteen… at saka puwede naman po yatang iwasan yun.

“Pero siyempre po, naiisip ko rin naman po na darating at darating din ang time na yun dahil hindi naman po ako puwedeng pa-cute lang forever.

“Pero, hintayin ko na lang po kung kailan darating yun, saka na lang po ako sasagot.”

Paano kung may-offer sa kanya na mag-pose as cover girl sa FHM o iba pang men’s magazine, papayag ba siya?

“Sabi talaga?! Katawan ko talaga ang ilalagay sa magazine?” natatawang sagot ni Joyce.

“Depende po siguro... sa sobra-sobrang future. Pero ngayon, hindi pa po talaga.”

Pero open ba siya sa mga ganitong posibilidad sa career niya?

“Saktong open lang, pero hindi ko masyadong iniisip ang pag-FHM.

“Mas gusto ko po talaga na maging actress kesa sa ano pa man.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN