Thea Tolentino on criticisms about her acting: “Instead na patulan sila, i-improve ko na lang ang sarili ko.”

Tanggap naman ni Thea Tolentino ang mga puna tungkol sa pag-arte niya. Sabi niya tungkold ito, “Ready naman po ako, at saka sa ganitong sitwasyon po, trabaho, okay lang po sa akin. Hindi po ako yung naiinis dahil sinabing, ‘Ang pangit ng arte mo.’”


Walang ideya si Thea Tolentino kung bakit nawala na sa ere ang youth-oriented show nilang Teen Gen.

Kuwento ni Thea, “Noong sinabi po sa amin, siguro mga last four taping days pa.

“Tapos, na-extend pa po kami ng two episodes.

“Pero, hindi rin po namin alam kung bakit nga po nawala na at saka inaalam din po namin kung ano ang kapalit.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Thea sa taping ng Anna KareNina sa Tanauan, Batangas, noong Biyernes, July 5.



FIRST SHOW. Nalungkot ba siya nang malaman niyang mawawala na ang show nila?

Sabi ni Thea, “Yun lang po, kasi parang kung kailan gumaganda yung kuwento, lalo na po sa aming barkada, saka naman nga po nawala.”

Ang Teen Gen ang unang programa ni Thea at ng kanyang co-winner na si Jeric Gonzales pagkatapos nilang manalo sa Protégé. Nakasama rin nila rito ang ilang baguhang artista ng GMA-7.

Pero tila hindi naging kasing-successful ang batch nila ngayon kumpara sa T.G.I.S at Click.

Sabi ni Thea tungkol dito, “Nakakalungkot nga lang po, kasi yun ang parang naging stepping stone namin.

“Yun ang first show namin ni Jeric, marami kaming nakilalang mga bagong kaibigan.

“Tapos, yun nga po, wala pang one year, natapos na.

“Pero ngayong tapos na po, binabalak po namin na magkaroon ng regular meeting ang Teen Gen.”



FOURTH ANNA KARENINA. Nawala man ang Teen Gen, nakasama naman si Thea sa primetime soap ng GMA-7 na Anna KareNina.

Gumaganap siya rito bilang si Angel, ang pang-apat na nagpapakilalang tunay na Anna Karenina Monteclaro.

Ito ang ikalawang primetime series ni Thea pagkatapos ng Love & Lies.

Ano ang pakiramdam na nakasama siya sa Anna KareNina?

Aniya, “Kinabahan ako noong una, kasi biglaan ang pagkasabi sa akin.

“Siguro, a day before noong na-confirm na kasali nga ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, yung role ko pa, iba sa mga nabigay na sa akin na pa-sweet lang.

“Dito kasi, parang ako ang kontrabida at first time kong gumawa ng ganitong role.”

Hindi ba siya kinabahan na ang madalas niyang kaeksena ay ang tatlong bida ng Anna KareNina na masasabing mahusay na rin sa larangan ng pag-arte—sina Barbie Forteza, Joyce Ching, at Krystal Reyes?

“Kinabahan po ako,” pag-amin niya.



CHALLENGE. May ilang netizens na nagsasabing kulang pa si Thea pagdating sa pag-arte at wala pang makitang malaking improvement sa kanya.

Sabi naman ni Thea, “Siyempre po, hindi ko naman maiwasang mag-react, pero hindi ako nagre-reply sa Twitter.

“Kasi, kapag pinatulan ko pa, ako pa ang mapapasama na masyado akong naapektuhan.

“Gagawin ko na lang siya na challenge sa akin na kinaiininsan ako ng tao, kailangan kong mabago yun.

“Kailangan ko pa talagang mag-improve, kaya instead na patulan sila, i-improve ko na lang ang sarili ko.”

Sa kanyang opinyon, masasabi niya bang nag-improve na ang kanyang pag-arte?

“Nag-improve naman po, pero kailangan ko lang po ng confidence.

“Nagwo-workshop naman po ako,” sabi niya.

Tinatanggap naman daw ni Thea ang anumang puna o kritisismo sa kanya.

“Ready naman po ako, at saka sa ganitong sitwasyon po, trabaho, okay lang po sa akin.

“Hindi po ako yung naiinis dahil sinabing, ‘Ang pangit ng arte mo.’

“Mas iisipin ko po na kailangan kong mag-improve, ASAP talaga.”



LOVETEAM. Sila ni Jeric ang ginu-groom na magka-loveteam ng GMA-7, simula sa Teen Gen hanggang sa Love & Lies.

Pero sa Anna KareNina ay wala si Jeric. Ano raw ang plano sa loveteam nila?

Sabi ni Thea, “Wala pa po kaming naririnig, naghihintay lang po kami.

“Pero kung si Jeric pa rin po, okay lang po kasi nakasama ko na po siya.

“Magkaibigan na rin po kami at kumportable sa isa’t isa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mayroon ba siyang pangarap na makapareha?

Sagot ni Thea, “Sa ngayon po, wala po akong naiisip.

“Kung sino po ang ibigay sa akin, tatanggapin ko po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN