James Yap finally gets to spend quality time with son Bimby

“Joyride bonding w/ my boy Priceless! #qualitytime #fatherandsonbonding #happyfather,” ito ang naging caption ni James Yap sa larawan na nai-post niya sa Instagram tungkol sa muling pagsasama nila ng anak niyang si Bimby.


Tila napaaga ang pagbisita ng basketball star na si James Yap sa anak niyang si Bimby.

Sa nakaraang panayam ng PEP contributor na si Gorgy Rula, sinabi ng legal counsel ni James na si Atty. Lorna Kapunan na napagkasunduan ni James at ng dating asawa niyang si Kris Aquino na tuwing Miyerkules ng 4:30 ng hapon hanggang 9 p.m., at Biyernes ng hapon hanggang Sabado ng 2 p.m. ang schedule ng pagbisita ni James sa anak na si Bimby.

Pero ngayong Martes, July 9, ay nag-post si James ng larawan nilang mag-ama habang nasa loob ng kotse, sa kanyang personal account sa Instagram.

Ang naturang larawan ay may caption na: “Joyride bonding w/ my boy Priceless! #qualitytime #fatherandsonbonding #happyfather.”

Napag-alaman ng PEP mula sa isang source na kuha ang naturang larawan noong Lunes, July 8.

Ilang oras pa lamang ang nakalilipas matapos i-post ni James ang larawan nila ni Bimby ay umani na agad ito ng mahigit 2,600 likes.

Marami rin sa followers ni James ang natuwa sa muling pagsasama nila ng kanyang six-year-old son.

Matatandaan na noong July 1 ay ibinigay ni Judge Cristina J. Sulit ng Branch 140 ng Makati Regional Trial Court ang visitation rights sa PBA player para sa kanyang anak.

(Read: James Yap and Kris Aquino finally settle James’s visitation rights in court)

Subalit nananatili naman ang Permanent Protection Order (PPO) na hiniling ni Kris sa korte laban sa basketbolista.

Ibig sabihin nito, hindi maaaring lumapit si James kay Kris “at such safe distance but not less than 100 meters and from the residence and employment of petitioner Kris.”

Matapos magkasundo tungkol sa visitation rights ni James sa anak na si Bimby, parehong tikom na ang bibig ng kampo nina James at Kris.

Gayunman, sinabi ni Kris, “Masaya ako sa resulta. I’m happy sa desisyon ni Judge Sulit today.

“At yung inayos niyang agreement between both parties will really benefit my son very much.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN