Ogie Alcasid: “I’m in between contracts so I’m jobless.”

Will Ogie Alcasid stay as a Kapuso or will he transfer to other network? “Malalaman natin in a few weeks,” answered Ogie Alcasid, who was pictured here with his wife Regine Velasquez.


Marami ang nag-aabang sa magiging desisyon ni Ogie Alcasid ngayong tapos na ang kanyang kontrata sa GMA Network.

Sa katuanayan, sa maiksing panayam sa singer-songwriter sa launch ng music portal na Smart Music kagabi, July 8, hindi pa rin naiwasan ng entertainment press na tanungin siya tungkol dito.

Ngunit naging matipid sa kanyang sagot ang presidente ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-Aawit (OPM).

“Malalaman natin in a few weeks,” nakangiting sabi ni Ogie.

Natapos na ang kontrata niya sa Kapuso network noong June 30. Ito ang dahilan kung bakit hindi na siya napanood sa Sunday All Stars simula noong Linggo, July 7.

“Right now, I’m in between contracts, so I’m jobless,” biro pa ng singer-comedian.

Sa kabilang banda, tikom naman ang bibig ni Ogie sa usap-usapan na paglipat niya sa ibang network—partikular na sa TV5.

Sabi niya, “I cannot deal yet with that because my current network, GMA-7, I still have to finalize things with them.

“I am not allowed to deal with anyone yet until the prescribed period.”

Sa ngayon, sabi ni Ogie, ipinagdarasal na lang niya kung ano man ang magiging desisyon niya sa mga susunod na linggo.

“Alam mo, sa lahat naman ng bagay kailangang magdasal tayo, di ba?

“So, we just lift up everything in prayer.

“God will always show the way naman, e, where I’m supposed to be. You just really have to ask.

“We do make our plans, but it’s always God who lays out what should we do.”

(Read: Ogie Alcasid’s contract with GMA-7 expires; leaves SAS)



INDEPENDENT OF REGINE’S CAREER. Samantala, nilinaw naman ni Ogie na hindi konektado ang anumang magiging desisyon niya sa career ng kanyang asawang si Regine Velasquez.

May ilan kasing nagtaka kung bakit pati ang Asia’s Songbird ay wala sa Sunday All Stars noong nakaraang Linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat hindi ipinaliwanag ni Ogie ang pagiging absent ni Regine sa show, sinabi naman niya na, “We are very independent of each other.

“We don’t depend on each other when it come to our career.

“We support each other, pero walang ganun.”



CONCERT PREPARATIONS. Sa ngayon, habang wala pang malinaw na kasagutan sa mga tanong tungkol sa kanyang showbiz career, magbabakasyon na lang daw muna si Ogie.

Kasabay ng bakasyong ito ang paghahanda niya para sa kanyang anniversary concert na pinamagatang I Write The Songs25 Songs, 25 Artists, 25 Hits.

“Malapit na. One month to go so super excited!” masayang sabi ni Ogie.

“Siyempre, anniversary concert ko ‘yan, matagal natin ‘yang pinaghandaan.

“Marami tayong guests, marami tayong hits na kakantahin, lahat ng preparations ginagawa namin.”

Hindi masyadong nagbigay ng detalye ang singer-songwriter.

Pero aniya, “You’ll be hearing a lot of hits. At the same time, lahat ng mga nakasama ko during my twenty-five years will be there.”

Ang anniversary concert ni Ogie ay gaganapin sa SM MOA Arena sa August 16.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN