Nagbigay ng kanyang pahayag ang direktor na si Jose Javier Reyes tungkol sa estado ng ilang veteran at award-winning directors tulad niya na mas gumagawa na ngayon ng indie films at tila nawawala na sa mainstream cinema.
Si Direk Joey ay nakatakdang gumawa ng pelikula para sa 2013 Sineng Pambansa National Film Festival All Masters Edition. Miyembro rin siya ng screening commitee ng Cinemalaya ngayong taon.
Panimula ni Direk Joey, "I think the structure of the mainstream cinema ngayon has become very, very limited.
"In order for you to get work, you have to be a house director.
“And if you are a house director, it means you are answerable to a corporation—para ka niyang employee.
"And you are limited to a certain kind of... you're limited to your choices, to a certain freedom, and therefore your employment.
"It doesn't mean I'm looking down at them, but that's the situation. Nag-iba na ang istruktura.
“Unlike before nang mga kapanahunan namin nina Carlitos [Siguion-Reyna], Joel [Lamangan] na kahit nagtatrabaho kami sa Viva Films o sa Regal, we're on a contractual basis.
"At saka karamihan ngayon ng mga directors sa pelikula are coming from networks.
“And since galing sila sa networks, iba na ang level ng filmmaking na nagagawa nila, di ba?"
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Joey sa taping ng Talentadong Pinoy kahapon, July 9, sa Broadway Centrum.
NETWORK DIRECTORS. Paano niya ikukumpara ang “network directors” sa mga direktor noong kapanahunan nila?
Pahayag ni Direk Joey, “Kami, even before na nagwu-work kami sa Regal studio halimbawa, we were given adequate freedom to do the kind of movies we want, okay?
"But now, it's very corporate.
“When you say corporate, iba ang kultura ng corporate. But we just have accept that it is how it is now.
"That’s why there are very limited mainstream movies. Maraming indie, pero ang indie naman can't penetrate the larger market.
"So ending... like halimbawa ngayon, lahat ng showing ay Despicable Me, ano ang laban mo, di ba?
"Sa lahat ng pelikulang napanood ko lately, ang gaganda ng foreign movies—may Despicable Me, Bling Ring, merong White House Down, di ba?
"So many… saan mo ipapasok ang Filipino movies do'n?"
Pero di ba’t pinilahan din sa mga sinehan ang Star Cinema movie na Four Sisters and a Wedding?
Komento ng writer-director, "Ang Pinoy films naman ay lumalaban dahil they have the promotion machines, di ba?
"I have said before that movies are products, films are creations, okay?
“But then, since moviemaking has become an industry, it isn't surprising and we should accept the fact that the movies we get are products."
BOX-OFFICE VS. QUALITY. Sa ganitong estado, bilang isang box-office at quality director, saan ang leaning niya? Sa box-office take ba o sa kalidad ng mga pelikulang ginagawa at gagawin pa niya?
Paliwanag ni Direk Joey," It doesn't mean na if it's a commercial movie, it doesn't have quality, e.
"You can have quality commercial movies and we have commercial quality movies.
"What we lack right now is variety kasi na-stuck tayo sa isang klaseng pelikula—na kung ganun, ganun lahat.
"At hindi tulad ng dati na sari-sari ang uri ng mga pelikula, good para sa manonood kasi iba't ibang putahe ang makikita nila.
"At makakabuti rin sa mga direktor kasi hindi lang iisang pelikula ang gagawin nila.
“Kasi kapag iisa lang klase ang gagawin mo, magsasawa ka rin sa sarili mo.
"Kasi kapag ginawa mo lang isang pelikula dahil trabaho mo yun, makikita, e. Mahahalata ng tao kung wala ang passion mo doon."
Dugtong pa niya, "That's why ang indie films, nakikita ko na iba siya.
“Kasi ang mga hindi nagtatrabaho, gumagawa ng gusto nila.
"Maliit man ang market, pero iba ang dating nila."
MY HUSBAND’S LOVER. Maraming dating pelikula noon ang ginagawan ng remake ngayon sa telebisyon. Hindi man kinopya pero akma ang tema at titulo sa mga nakaraang pelikula.
Ano ang take ni Direk Joey dito?
Saad niya, "Mangyayari talaga yun. Naghahanap ang manonood ng dati at kakaibang lasa sa telebisyon.
"Bakit sa tingin mo ang My Husband's Lover ay phenomenal? As in phenomenal, ha!
"Kasi, meron siyang binali—may bago.
"Ang sabi ng iba, 'Oy, puro kabaklaan.' E, pati mga diretso ay mga nanonood, e, di ba?"
My Husband's Lover ay ang controversial primetime series ng GMA-7.
Patuloy niya, "Ibig sabihin ay uhaw na uhaw, gutom na gutom ang mga manonood ng bagong tema.
"Meron akong narinig na may in-offer daw sa ibang istasyon na temang parang ganyan, ni-reject dahil ang sabi ay hindi pa handa ang mga Pinoy audience sa ganyang temang palabas.
"Look ngayon, di ba?
"Yun, yun, e. You have to take risks.
“That's why with due respect, you have to give it to GMA because they took the risk."
Ano ang masasabi niya sa mixed reactions sa nasabing teleserye na maging ang religous groups ay nagre-react sa tema ng palabas?
Natatawang sabi ni Direk Joey, “Magugulat ako kung hindi nag-react ang CBCP [Catholic Bishops Conference of the Philippines]!
"At saka, natutuwa naman ako na nanonood sila.
“Pero sana, sa kanilang pagbabatikos, ay meron namang episodes na nagugustuhan nila.
"Kasi obviously, hindi naman lahat ng eksena ay puro sa kabaklaan, di ba?
“Meron naman tungkol sa family values—yung pagmamahal sa pamilya, sa asawa, sa anak.
"Sana yung konteksto na yun ay tingnan din nila.
“At saka, totoo namang nangyayari 'yan ngayon, hello! Maging bukas na lang tayo sa katotohanan.
"This is happening, this has happened before, at mangyayari't mangyayari pa rin 'yan bukas."
