Enchong Dee on virginity: “Importante, pero hindi kita huhusgahan kung hindi man ito yung una sa akin o hindi.”

Sa edad na 24 ay nakabili na ng kanyang sariling bahay si Enchong Dee mula sa kita niya sa pag-aartista. Sabi ng aktor, “Sobra [akong proud]… hindi ko akalain na sa edad na ganito, darating yung makapagpatayo ako ng isang bahay na mamahalin ko. And I’m very proud, hindi dahil nagmamayabang ako, kundi gusto ko i-share sa mga tao na kaya ninyo rin basta tiwala sipag at tiyaga.”


Isa si Enchong Dee sa pinaka-visible na artista ngayon sa ABS-CBN dahil sunud-sunod ang TV at movie projects nito.

Sa TV, matapos ang highly-rated na Ina Kapatid Anak ay umaarangkada na naman ngayon sa ratings ang bagong teleseryeng kinabibilangan niya, ang Muling Buksan ang Puso.

Sa pelikula, palabas pa rin sa mga sinehan ang box-office hit na Four Sisters and A Wedding, at sa July 17 naman ay muling mapapanood sa big screen si Enchong via Tuhog.

Si Enchong ang guest ni Boy Abunda sa “Ikaw Na” segment ng ABS-CBN late-night news programa na Bandila kagabi, July 9.

Bakit nga ba ang sipag sipag ni Enchong?

Tugon ng young actor, “Kasi lahat naman’ to temporary lang.

“Ini-enjoy ko lang kung ano yung meron ngayon, grabbing all the opportunities na kung ano yung puwedeng dumaan sa akin.”

Dagdag pa ni Enchong, may mga role na sa palagay niya ay bagay sa kanya kaya hiningi niya, katulad na lamang sa mga pelikulang Four Sisters and A Wedding at Tuhog.

Tanong sa kanya ni Boy: Is that how far you would go because your seizing the moment?

Sagot ni Enchong, “Sinabi ko sa kanila, because they were having problems sa schedule ko, sabi ko sa kanila, ‘Hindi, ibigay n’yo to sa akin. Wala akong problema kung hindi man ako makakatulog o makakauwi [ng bahay] basta ibigay n’yo lang sa akin ‘to.’”

Bakit ganun na lamang ang kanyang determinasyong makuha ang isang napakaimportanteng role?

Tugon ni Enchong, “Minsan kasi may kutob ka na tataya ako dito.”

MOST PRECIOUS INVESTMENT. Dahil na rin sa dami ng kanyang proyekto, marami na rin daw naipundar si Enchong at a very young age. Ito ay dahil daw iniisip niyang temporary lang ang lahat.

Tanong ni Boy: Sa lahat ng iyong naipundar, saan ka pinaka-proud?

“E-23 Residences,” mabilis na sagot ng young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang E-23 Residences ay isang five-story apartment building sa may Cubao na may walong pinto sa unang palapag at tig-aapat naman mula second hanggang fifth floor.

Ito ay pinapaupahan nila at pinamamahalaan ng kanyang ina.

Ang “E” ay tumutukoy sa initial ng kanyang showbiz screen name at ang "23" naman ay ang kanyang edad.

Bukod pa dito, nakabili na rin si Enchong ng sariling bahay at lupa para sa kanilang pamilya sa isang eksklusibong subdivision.

Pagmamalaki ng 24-year-old actor, “Sobra [akong proud]… hindi ko akalain na sa edad na ganito, darating yung makapagpatayo ako ng isang bahay na mamahalin ko.

“And I’m very proud, hindi dahil nagmamayabang ako, kundi gusto ko i-share sa mga tao na kaya ninyo rin basta tiwala sipag at tiyaga.”



TUHOG. Sa pelikulang Tuhog, si Enchong ay gaganap sa papel ni Caloy na minamahal ang buhay. Siya ay may ka-long-distance love affair sa Dumaguete.

Tanong ni Boy: Ikaw ba bilang tao naniniwala ka sa pangako na may kinalaman sa pag-ibig?

Sagot niya, “Yes, naniniwala, pero at the same time, naniniwala din ako na along the way na may mangyayari na puwedeng hindi matuloy yung pangako.”

Naniniwala ba siyang ang isang long-distance relationship ay mahirap as a young man?

Sagot ni Enchong, “Kung nasaan ako ngayon, hindi po.

“Hindi ako naniniwala masyado na problema ang long-distance.

“Kasi, meron akong mga nakikilala na kahit once every three months lang nagkikita, they love each other so much.”



VIRGINITY. Naniniwala ba siya sa "virginity issue" bago ang isang marriage?

Aniya, “Depende kasi sa bawat tao.

"Pero ako, naniniwala ako na basta’t nasa tamang tao at handa ka kung anuman yung mangyari, I’ll support you.

“Pero hindi ko rin isinasara yung pintuan ko dun sa mga taong may ibang paniniwala.”

Tanong pa ni Boy: But it is possible that in this generation that you can actually promise each other that when you get married, halimbawa, ikaw ang una? Is that important to you, virginity?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How important the concept of virginity to you?

Sagot ni Enchong, “Importante, pero hindi kita huhusgahan kung hindi man ito yung una sa akin o hindi.”

Ano ang isang bagay na hindi niya gagawin sa isang relasyon sa ngalan ng pag-ibig?

“Makipaghiwalay,” sagot ni Enchong.

Paliwanag niya, hindi niya kayang siya ang makipaghiwalay sa kanyang karelasyon. Mas mabuti raw na siya ang hiwalayan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN