Phil Younghusband says Angel Locsin’s acting awards are more important than her ranking in FHM Sexiest Women

Wala raw kaso kay Phil Younghusband kung pumangatlo lamang ngayong taon sa FHM Sexiest Women poll ang kasintahan niyang si Angel Locsin. Sabi ni Phil, "For me, she’s No. 1, no matter what happens. I think the acting awards are the best thing for her."


Hindi naman daw masyadong apektado si Phil Younghusband sa pagbaba ng ranking ng nobyang si Angel Locsin sa 100 Sexiest Women of the Philippines ng FHM magazine.

Noong mga unang bahagi ng botohan ay nangunguna si Angel, sumunod si Marian Rivera at pumapangatlo si Sam Pinto.

Pero sa huling bilangan ng boto, pumangatlo na lamang si Angel, pumangalawa si Sam, at ang naging number one ay si Marian.

Sa ulat ng ABS-CBN News kahapon, July 10, mas binigyang-diin ni Phil ang napanalunang awards ni Angel bilang aktres kaysa sa ranking nito sa FHM.

Saad niya, "Well, for me, Angel’s winning the acting awards, which I think for her, is something...

"For me, I think excelling and success in your own craft, in your own profession is one of the best things to be proud of.”

Sabi pa ni Phil, "For me, she’s No. 1, no matter what happens. I think the acting awards are the best thing for her."

Wala naman daw problema sa kanya kung muling mag-pose nang sexy si Angel sa FHM.

Susuportahan daw niya ang mga gustong gawin ni Angel, lalo na kung ito’y tungkol sa kanyang career.

Saad pa niya, "It’s up to her. She’s professional.

"She knows herself, what she’s comfortable with. I will support her no matter what decision she makes.

"If she’s comfortable with it, that’s up to her."

Pagdating naman sa kanilang relasyon, wala na raw mahihiling pa ang football superstar.

Sabi ni Phil, "We’re happy.

"We get stronger and stronger every day. We’re more and more in love.

"As time goes by, everything gets easier."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN